KIKO'S VIEW ON HER LEADING MEN. Ano naman ang reaksyon ni Senator Kiko sa balik-tambalan nila ng ex-boyfriend niyang si Richard Gomez?
"Wala.... Si Kiko, Diyos ko naman... Since ‘96 sobrang cool ang asawa ko kaya hindi nila ako maintriga pag ex ko ang kasama ko. Kahit nga sa promo o sa premiere night, hindi sumasama ‘yan pag may love team ako sa movie. He understands, e!
"At saka ayaw rin niya makakita ng kissing scene, e!" napahalakhak si Mega. "Kahit kanino... Pero kay Aga at Boyet [de Leon], kumportable siya."
E, kay Richard?
"Wala siyang pakialam. In that sense, kasi friends namin sina Boyet at Aga. Yung Madrasta, sabi niya kay Boyet, ‘Naiyak yung mga tao, ang ganda. Ako naiyak ako kasi nag-kiss kayo.' Ha-ha-ha! Niloloko lang niya.
"Wala siyang isyu kina Richard at Robin [Padilla]. Di ba sa Pagdating ng Panahon, meron kami ni Robin. Sa amin naman ni Richard, pangatlo na ito since I got married, so, walang problema. Very supportive si Kiko," pagtatapos ng Megastar.





