"Survivor Philippines" cast-off Marlon Carmen: "Hindi po ako masamang tao."

Ruel Mendoza
Wednesday, November 26, 2008 @ 10:41AM  |  31 views

 

"Lahat kami doon ay naglalaro for the three-million prize at lahat ng puwede naming gawin, good or bad, ay gagawin namin para lang manalo. Hindi lang test of physical strength ang Survivor, mind game talaga ito. Kaya kung mahina ang pag-iisip mo, madali kang mababasa at malalaglag ka," says Marlon Carmen.

Photo By: Ruel Mendoza














Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment portal) ang tinaguriang "bad boy of primetime television" na si Marlon Carmen ng Survivor Philippines sa taping ng QTV 11 show na The Sweet Life kagabi, November 25. Si Marlon ang latest castaway na na-vote out mula sa Survivor Philippines

Binitin kasi ng Survivor Philippines ang tanggalan nila last Friday, November 21, para sa exciting na revelation na ito. Kaya last Monday, November 24, ay nalaman na ng followers ng reality show ng GMA-7 na si Marlon ang natanggal.

THE BLACK & WHITE PEARLS. May isa pang twist pagkatapos ma-vote out ni Marlon. Imbes na black pearl ang ibinigay sa kanya ng host na si Paolo Bediones ay white pearl ang iniabot sa kanya.

Ang black pearl kasi ay magsisilbing sumpa sa sinumang may hawak nito at awtomatikong may isang boto laban sa kanya sa susunod na Tribal Council. Ang white pearl naman ay magsisilbing proteksiyon sa nagmamay-ari nito, at mababawasan siya ng isang boto sa susunod na botohan.

Nasira ang unang plano ni Marlon na ibigay ang black pearl na may sumpa kay Cris Cartagenas, na siyang binoto niyang ma-vote out sa isla. Pero pinalitan na nga ang black pearl ng puting perlas, at kay Charisse Yacapin niya ito inabot.

"Iba-iba ang plano ko in case na may black pearl, e," sabi ni Marlon. "Gusto ko nga siyang itapon na lang para wala nang sumpa na maipasa sa mga maiiwan. Pero buti na lang at white pearl ‘yon. And I really chose Charisse kasi siya na lang ang tanging naiiwan na kasamahan ko sa Jarakay Tribe. Naubos na kami kaya I want her to have that protection.

"Kay Charisse ko kasi nakita yung pagiging tunay na kaibigan sa isla. She was the only one that I trusted, lalo na kung may mga plano ako. Ang ipinapakita lang kasi sa TV yung laging napipikon si Charisse sa akin. Pero marami kaming moments na serious kaming nag-uusap at nakikinig siya sa akin.

"At iba rin kung maging loyal si Charisse. Kita n'yo naman, kahit na naging close niya si Kiko [Rustia], still, binoto pa rin niyang maalis si Kiko sa isla. Kasi alam niyang big threat para sa aming lahat si Kiko. Kahit na masama sa loob niya, ginawa pa rin niya yung alam niyang tama para sa tribo namin," lahad ng Survivor cast-off.

Kung papipiliin si Marlon kung sino ang gusto niyang manalo sa Survivor Philippines, ang pipiliin daw niya ay walang iba kundi si Charisse.

"Sa lahat naman, si Charisse para sa akin ang deserving. Hindi kasi nila alam kung paano maglaro si Charisse. Iba rin ang utak ng babaeng ‘yan. Kaya mag-ingat silang lahat kay Charisse, kasi she knows how to play games. At bilib ako sa kanya kasi hindi mo mahahalata. Kaya for me, Charisse is the best person to win the game."

Pero okey lang ba sa kanya na ibinoto siya ni Charisse na matanggal na sa tribo?

"Alam ko naman na mangyayari ‘yon kaya wala akong sama ng loob kay Charisse," sabi ni Marlon. "It's either me o siya ang mawala, e. Pero that night, alam ko na ako na ang makakakuha ng maraming boto. I have no ill feelings towards Charisse kasi sinunod lang niya ang nararapat."

Kasama si Marlon sa Tribal Jury na kinabibilangan, as of now, ng iba pang cast-offs na sina Jace Flores, Kiko Rustia, at Vern Domingo.

BAD IMAGE. Marami ang gustong mawala na si Marlon sa Survivor Philippines dahil sa pagiging tuso at mapanira nito. Malaking turn-off din ang pananakot na ginagawa niya sa mga castaways na paraan niya para hindi siya ma-vote out. Pero sa nangyari nga ay walang natakot sa mga banta niya.

Aminado si Marlon na dahil sa mga ipinakita niya sa Survivor Philippines ay mas marami raw galit sa kanya ngayon kesa sa mga bumilib sa galing niyang magpaikot ng mga kasamahan sa isla.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name