PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tetchie Agbayani's new award inspires her to accept more acting jobs

Tetchie talks about her daughter and her friendship with Ogie Alcasid.
by Rose Garcia
Published Nov 29, 2008
"I'm slowly inching my way back to the business. Sa totoo lang kasi, hindi ko magawa ‘yan noong mas maaga. Yung anak ko, nagpapalaki pa ako. Now, she's 16 and now na malaki na siya, maayos ko naman siya naaruga. So, unti-unti, binabawi ko na yung oras para habulin ang iba ko pang pangarap," says Tetchie Agbayani.

Playing mother to a daughter who mysteriously falls ill and turns out to be an aswang is the role that made part-time actress Tetchie Agbayani a Best Supporting Actress winner again for the film Yanggaw inCinema One Originals Digital Film Festival. The awards night was held yesterday, November 28, at the Dolphy Theater in ABS-CBN.

"My last acting award for Best Supporting Actress was for the movie Sakay [1993], which is a long time ago, a decade or probably more from [Manila] Film Festival," pag-reminisce ni Tetchie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos niyang maparangalan.

Ngayong nabigyan na naman siya ng recognition, how does she feel about it?

"Mahirap pang i-process kasi I didn't even know na nominated ako," sabi ni Tetchie. "So, wala akong ine-expect at all. I'm just here to support the group, the people that I worked with for Yanggaw film. Susuport lang ako, yun lang ang sa akin. And to win best supporting award, siyempre overwhelmingly happy ako. So, exciting! Exciting siya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Since she's a Psychology professor at St. Joseph College, ano ang naging first consideration niya when she accepted a movie acting job again?

"Three years ago, when I met Richard Somes [director of the film], we were in one teleserye and he told me about Yanggaw. He told me the story and he said he wants to get me as the mother. So, immediately, na-touched ako, na-moved ako sa storytelling niya. So I said, ‘If you produce this movie and you get it done, I will do the mother role for you.'

"And three years passed, wala akong narinig sa kanya. So akala ko, wala na. But it was so sayang kasi it was such a nice story. And then, finally, one day, he called me up and he said, ‘Tuloy na, sa Cinema One natin gagawin. Ikaw pa rin...'

"So, ako naman, parang na-appreciate ko yung he held on to the faith na si Tetchie talaga ‘yan, na ganyan. Pero ang dating noong una, okey na, walang problema. Pero noong bandang huli, sabi niya, ‘Eto lang ang problema, lahat ng dialogue, Ilonggo!' Oo lang ako nang oo. Pero later on, ano ba ang inoohan ko? Maganda nga ang story, e, ‘day, Ilonggo naman ang dialogue! Hindi kaya mamatay-matay ako run?" natatawang kuwento ni Tetchie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Together with that, I was teaching three classes and then I was doing a teleserye for Channel 2, yung Ligaw na Bulaklak, then we'll shoot Yanggaw. So, ang daming nangyayari sa buhay ko at that time. So yun ang mahirap, yung dialogue."

At present, Tetchie is teaching major Psychology subjects in St. Joseph College for third and fourth year college students. Nag-graduate siya with a degree in B.S Psychology sa St. Joseph and pursued her masteral degree at Ateneo de Manila University.

Pero hindi itinanggi ni Tetchie that winning an award would inspire her to accept more acting jobs.

"Probably, yes. That would be nice," sambit niya. "I'm slowly inching my way back to the business. Sa totoo lang kasi, hindi ko magawa ‘yan noong mas maaga. Yung anak ko, nagpapalaki pa ako. Now, she's 16 and now na malaki na siya, maayos ko naman siya naaruga. So, unti-unti, binabawi ko na yung oras para habulin ang iba ko pang pangarap."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano pa ba ang mga pangarap niya?

"Saang aspeto?" natawa niyang tanong. "Siguro habang buhay tayo, hindi tayo nawawalan ng aspiration. Sa panahon ngayon, sa hirap ng buhay, libre na lang ngayon mangarap."

TETCHIE'S DAUGHTER. Ayon kay Tetchie, her daughter China is definitely more star material than her. But when asked kung may plano ba itong mag-artista at sundan ang yapak niya, mabilis ang naging tugon niyang sana raw ay wala.

"Palagay ko, iba ang gustong tahakin ng anak ko," sabi ni Tetchie. "I raised my daughter to be independent, to be her own person and to follow her own footsteps and nobody else's. Sa susunod na taon, magiging kolehiyala na siya. Gusto niyang kuhanin business course para eventually maging fashion designer siya. Pero ang deal namin, 'Mag-business course ka muna for college and then after that, saka ka mag-fashion designing clothes.'"

Wala ba siyang nakikitang inkling sa anak na maging artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, sabi ko nga, sa totoo lang, kung tutuusin, yung anak ko mas showbiz material kesa sa akin. Mas maganda siya sa akin. Nagba-ballet siya simula noong tatlong taong gulang siya. Mahusay siyang gumalaw, kumilos, umarte. Nananalo ‘yan ng acting award sa klase niya, pero hanggang doon lang siguro," saad ng aktres.

Bakit ayaw niyang payagan ang anak na mag-showbiz?

"Alam n'yo naman ang industriyang ito can be so cruel," sagot niya. "And it's not an easy profession to belong with. Ayokong mahirapan ang anak ko. Ayokong maranasan niya yung mga hirap na naranasan ko sa showbiz. I'm hoping that I can give her a better option. Sinabi ko naman sa kanya, ‘Anak, kung balang-araw, sasabihin mo sa akin na gusto mong maging artista, papayag ako. Basta anak, tapusin mo ang PhD mo!'

"Alam n'yo naman ang trabahong ito, yung puyatan, long working hours, unpredictable schedules. Ang hirap ng friendship and inter-relationship. Mahirap lahat ‘yan. At saka, alam n'yo naman kapag artista ka, hindi lang nakataya yung ginawa mong trabaho, pati puri mo nakataya. And it's so hard pag minsan, you try to do your best, pero marami pa rin ang nasasabing hindi magaganda para sa ‘yo, di ba? So, siguro, mas gugustuhin kong ibang landas ang gawin niya, kung ako ang masusunod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STILL THE ONE TO BEAT. Sa mga artista, kung meron man madalas ginagawang ehemplo ng mga babaeng artista ngayon na nagpo-pose for a sexy magazine, si Tetchie na yata yun. Kahit napakatagal ng panahon na ang lumipas when she became the first Filipina cover girl of Playboy magazine.

Ngayong may Playboy Philippines na, ano ang masasabi niya na siya pa rin ang naiisip na image ng mga artistang babaeng nagpo-pose dito?

"Oo nga, sana nga meron nang sumunod para matabunan na yung akin, di ba? I wouldn't mind at all!" natatawang sabi ni Tetchie.

Ano ang masasabi niya na siya ang ginagawang role model ng karamihan ng female celebrities na nagpu-pose for sexy magazines?

"Yeah, well, in a way, I must say I'm flattered. And when I look at my pictures now compared to the sexy pictures that is coming out in all these men's magazines, art yung akin... Sorry lang ha, yung sa akin, it's not to stir imprudent desires. Yung sa akin, wala lang, isa lang akong Ebang nag-iisa sa mundo. Ganoon yung motivation ko nang ginawa ko yun. It was not to seduce or anything, it was to show the beautiful female form. Yun lang ang sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sakali kaya't ngayong panahon na ito nangyari ang offer sa kanya ng Playboy, gagawin niya?

"Actually, I have a standing offer in Playboy Philippines. They interviewed me for the second issue," pagbabalita ni Tetchie.

Ano ang stand niya sa offer?

"I don't like to repeat myself!" tawa niya. "I also don't like to repeat my obscenity lawsuit, alam mo yun... I don't want to attract another Polly Cayetano. Okay na ako. I've done it and I don't wanna repeat myself."

Matatandaan na na-involve noon si Tetchie sa kontrobersiya dahil sa pag-pose niya sa Playboy. She was accused of obscenity by some moralist groups.

So, it's really a 'No'?

"It's still standing, because I didn't say yes. I didn't say no... We'll see, we'll see. Pero alam n'yo sa ngayon, sa estado ng pamumuhay ko ngayon na isa na akong ina, isa na rin akong guro, iba na, e. Nag-iba na ang aspeto ng buhay ko. Kailangan ko ring pag-isipan bago ako gumawa ng ganoong eskandalo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

If given a chance, mas gusto raw niyang i-handle ang styling ng mga female stars na nagpo-pose as cover girl. In fact, Tetchie even told her co-star in Ligaw na Bulaklak, si Roxanne Guinoo, na next time itong mag-pose, she could do the styling for Roxanne para mas maging maganda pa ang kalabasan.

PAST WITH OGIE. Tinanong din ng PEP si Tetchie kung ano ang masasabi niya sa minsang naging revelation ni Ogie Alcasid na nagkaroon sila ng relationship in the past.

Paliwanag ni Tetchie, "Naging kaibigan ko si Ogie because of his brother Tony, siya ang naging una kong kaibigan. And in the process of us, being friends and hanging out together, eventually nakasama ko na rin at nakilala ko si Ogie. We get along quite well and even today, we're fine."

Bakit mukhang kay Ogie lang tumatak na naging sila pala?

"Hindi ko masasagot ‘yan, hindi ko alam," nakangiting sabi ni Tetchie. "Siguro mas maganda kung siya ang magsabi. ‘Eto lang ang masasabi ko... I believe I'm from the old school, I believe that a lady should never speak. Di ba, a lady should never talk about her personal life? Para sa akin, yun lang ang aking opinion."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano sila naging magkaibigan ni Ogie?

"We're berks, we're barkadas. I mean, kasi alam n'yo, mahirap kasing mag-maintain ng relationship sa trabahong ito. Kasi you hop from one project to another. And every time you have a project, bonded kayo ng kasama mo. And then, you move on. Kahit na love mo yung iniwan mong grupo, you are with a new group, ang hirap. Yun naman ang nature ng showbiz. Buddies kayo today, then tomorrow, maybe hindi na kayo masyadong nagkikita. Nawawala na. Hindi na masyadong nagkakabarkadahan," paliwanag niya.

Pero umabot ba sila sa point na okey sila, na naging sila nga?

"I don't think na nag-usap kami," ngiti niya. "We just got along. Yun lang. Even today, I don't have [anything] negative to say about him. Actually, nang mag-guest ako sa SOP, ganoon pa rin. Kung gaano ka-warm ang aming relationship noon, ganoon pa rin ang warmest ng aming friendship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakilala ba sila ni Regine Velasquez, na girlfriend ngayon ni Ogie?

"Kaibigan ko naman si Regine, e," sagot ni Tetchie. "Kahit na noon, a long, long time ago, bata pa si Regine, kaibigan ko na. Walang problema. Pareho ko silang binati. Kahit na hindi pa sumasabog ang balita na sila na, binati ko na sila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm slowly inching my way back to the business. Sa totoo lang kasi, hindi ko magawa ‘yan noong mas maaga. Yung anak ko, nagpapalaki pa ako. Now, she's 16 and now na malaki na siya, maayos ko naman siya naaruga. So, unti-unti, binabawi ko na yung oras para habulin ang iba ko pang pangarap," says Tetchie Agbayani.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results