"Totoo naman, di ako magpapanggap na di ako namamalimos ng tulong. Napakaipokrita ko at napakasinungaling ko kung sasabihin kong hindi. Yes, I'm begging for help, what's wrong with that?  Di naman ako nagnanakaw, nakikiusap naman ako nang maayos, di naman ako namimilit," says Judy Ann Santos.

Photo: File photo

 

Sa dami ng dinaanang hirap ni Judy Ann Santos para sa pelikula niyang Ploning, mukhang magbubunga naman ito ng maganda, dahil kung magtutuluy-tuloy ang paglikom niya ng 5 million pesos na kakailanganing pondo para ma-exhibit ang pelikula niya sa Oscars sa Amerika ngayon Disyembre ay magbubukas din ito ng pinto ng oportunidad para naman sa iba pang pelikulang Pilipino na nais makilala sa ibang bansa.

 

Kaya nga sobra na lang ang pasasalamat ni Juday sa mga taong sumuporta sa nakaraang fund-raising niyang Plato Para Kay Ploning na ginanap sa Rockwell Tent last December 4.

 

"Masayang-masaya ako, dahil finally, nairaos ito nang maayos, maraming kaibigan ang nagpunta, at maraming mga top performers ang nandito para magbigay ng entertainment.

 

"I can say na di lang naman ako or sina Ga [Ploning director Dante Nico Garcia] lang ang nag-put ng effort talaga sa event, of course the marketing of ABS-CBN, sina Tita Cory [Vidanes] and other executives, sina Ogie [Alcasid], sina Ate Shawie [Sharon Cuneta], Kuya Kiko [Sen. Francis Pangilinan]. Di ko ine-expect ang tulong nila, from Senator Jinggoy [Estrada], Senator Bong Revilla...  Ito yung mga taong suntok talaga sa buwan, and dito ko naisip na siguro sa twenty-two years ko sa show business, I earned so many friends."

 

SOURCES OF STRENGTH. Nandun din ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo na tumayong escort ni Juday at punong-abala rin sa pag-estima ng mga taong dumating at sumuporta sa Plato Para kay Ploning. With Father Carmelo "Tito" Caluag and Ryan, Juday found her sources of strength para makaraos sa lahat ng difficulties na nararanasan niya.

 

"Without the guidance of Ryan and Fr. Caluag, maybe di kami magkakaroon ng ganito kalaking pagtitiwala sa mga sarili namin na kaya namin ito. Si Ryan, si Father Caluag, sila ang naging pader namin sa lahat-lahat ng ito, sila ang tinatanong namin kung tama ba yung ginagawa namin. Blessed ako to have so many friends with me, I have Ryan with me, and I have so many people around me who keep on supporting me through all my difficulties. Sobrang nakaka-overwhelm!"

 

BEGGING FOR PLONING. Ngunit sa kabila nito, di pa rin maiiwasang mabahiran ng intriga ang kanyang efforts. May mga nagsasabing tila namamalimos daw ang aktres para sa Ploning.

 

"Totoo naman, di ako magpapanggap na di ako namamalimos ng tulong. Napakaipokrita ko at napakasinungaling ko kung sasabihin kong hindi. Yes, I'm begging for help, what's wrong with that?  Di naman ako nagnanakaw, nakikiusap naman ako ng maayos, di naman ako namimilit.  Kung sino lang ang pupuwede, kung sino lang ang willing pero di ko naman sinasabing magbigay sila."

 

"Ang sa akin lang, sana ma-appreciate naman ng tao. What we did is not for us, not for Ploning but for the whole industry.  'Wag sana nilang isipin na mayroon kaming ibang iniisip sa kabila ng lahat ng ito. Ginagawa namin ito para sa Pilipinas. Para makilala tayo sa ibang bansa na magagaling naman talaga ang mga Pilipino, at napakatalentado. Sana magtulungan tayo sa mga susunod na iba pang festival. Sana magsama-sama ang mga Pilipino. Sana wala nang crab mentality."

 

SUPPORT FROM AN OLD FRIEND. Marami rin ang natuwa nang mabalita ang pagbabati nina Judy Ann at Direk Joyce Bernal. Balita na sa nakaraang fund raising ng Damit Para Kay Ploning ay si Direk Joyce ang isa sa mga nag-solicit ng mga damit sa mga kaibigang artista para ipa-auction dito. Sa Plato naman ni Ploning ay nandun din ang mahusay na direktor na sumuporta rin sa panibagong fundraising ng nasabing pelikula.

 

Sabi ni Juday, "Matagal na kaming nagkaayos. Sa akin, ang friendship na nagkaayos, di na dapat ibinubulgar pa dahil isang malalim na pagkakaibigan yun. Ayokong isipin ng mga tao na may ipino-promote kami o kung ano pa man, It's between me and Joyce and matagal na kaming magkaibigan."