"If everything is set, siguro iku-consult
muna niya [Edu] ako. Parang nabalitaan ko pa na ako yung magiging best man
niya. Wala pa naman siyang nasasabi sa akin. But if matuloy na
nga, and may plano sila, wala namang problema sa akin," says Luis Manzano about reported wedding plan of his dad Edu Manzano with fiancée Pinky Webb.
Luis Manzano says dad Edu hasn't told him yet about marrying Pinky Webb
Monday, December 8, 2008
12:27 PM
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-actor na si Luis Manzano kahapon, December 7, sa taping niya para sa MYX, kung saan isa siya sa VJs dito. Kinuha ng PEP ang reaction ni Luis sa balitang plano na ng kanyang amang si Edu Manzano na pakasalan ang kasintahan nito na si Pinky Webb.
"Nabasa ko lang or may nagkuwento sa akin tungkol diyan," sabi ni Luis. "If everything is set, siguro iku-consult muna niya [Edu] ako. Parang nabalitaan ko pa na ako yung magiging best man niya. Wala pa naman siyang nasasabi sa akin. But if matuloy na nga, and may plano sila, wala namang problema sa akin."
Close ba siya kay Pinky?
"I never get to spend time with her dahil kung sarili ko ngang pamilya ni hindi ko nakakasama dahil sa schedule. Pero yung mga rare occasions, ayun, like for example yung sa Star Awards... Unfortunately, may isang time na nagsama kami nung namatay yung lola ko. Pero yung sabihin mong bonding talaga, never. But I know she's a very good woman," saad ni Luis.
Ano ang tawag niya kay Pinky?
"Of course, she's a bit close to my age, di ba?" sabi ni Luis. "So I don't think she's that comfortable with ‘Tita Pinky.' For a while, I was calling her 'Tita Pinky'. Pero sabi niya, ‘Pinky na lang.' But of course, 'andun pa rin yung respeto ko sa kanya."
Si Maricel Soriano ay naging karelasyon din noon ni Edu. Naging close ba si Luis kay Maricel noon?
"I honestly can't remember dahil... The only instance na naalala ko kay Tita Marya, siguro mga two or three instances lang, I was really, really young. Ang naalala ko lang talaga is bumaba ako ng hagdanan, nandun si Tita Marya, fully blonde pa yung buhok, yung ganun lang. Pero sabihin mong bonding time namin, wala akong naalala masyado kay Tita Marya. But, of course, when I see her napakalaki ng respeto ko sa kanya."
POLITICS. Sa hiwalay na panayam naman sa ina ni Luis na si Governor Vilma Santos ay sinabi nito na may nag-uudyok kay Luis na pumasok sa pulitika. Totoo ba ito?
"Dati pa, kahit nga nung last na election, apparently ang naging isyu, e, pupunta ako para mag-file ng candidacy. E, ako nasa bahay, naka-sando, pakamot-kamot ng tiyan bigla na lang kailangaan daw nandun ako sa Comelec [Comisssion on Elections]. No, wala namang nag-uudyok. May mga nagpapatawa, humihirit. Pero yung udyok na ‘Hindi, tumakbo ka!' wala namang ganun."
Sabi pa ni Vilma, nang tanungin daw niya si Luis kung gusto rin nitong pumasok sa pulitika ang naging sagot daw ng anak, "Kung nakabuti yung ginawa mo, why not?" Totoo ba ito?
"Yun nga ang sabi ko, IF lang naman, isang malaking if," diin ni Luis. "Sabihin nating mapunta yung calling ko sa politics. You know, after na ma-established ng mommy ko, ng Tito Ralph [Recto] ko, ng daddy ko in the field of politics, siyempre kahit paano susubukan ko na pantayan yun, or kahit napakahirap, higitan."
Sa ngayon ay wala pa raw talagang plano si Luis na pasukin ang pulitika.
"Not yet, isang malaking yet," sambit niya. "The same way na nung tinatanong ako about showbiz before, sabi ko, 'Not yet.' But it just so happened na pumasok pa rin ako. So, not yet. I'm not closing my door, the same thing that I'm not opening any doors."
KISSING SCENE WITH JOHN LLOYD. May gagawing pelikula si Luis with his mom and with John Lloyd Cruz titled A Mother's Story under Star Cinema. May kissing scene dito sina Luis at John Lloyd dahil gumaganap silang gay lovers. Nang hingan ng reaction si Edu tungkol sa kissing scene ng kanyang binata ay nagpayo ito na ipikit na lang daw ni Luis ang kanyang mga mata sa kissing scene. Ano ang masasabi ni Luis sa sinabi ng kanyang ama?
"Nabasa ko lang din yun, actually kanina. Ang pangit naman siguro kung may kissing scene na nakadilat kaming dalawa ni John Lloyd. Saka any kissing scene, bihira naman yung naghahalikan na nakadilat. Dapat naman talaga, it's more heartfelt," saad ni Luis.
MAKING ANGEL HAPPY. Sa nakaraang 22nd Star Awards For TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ay si Angel Locsin ang itinanghal na Best Single Performance by An Actress para sa "Pilat" episode ng Maalaala Mo Kaya. Sa kanyang acceptance speech ay isa sa pinasalamatan niya si Luis, at sinabi niya ring ito ang nagpapasaya sa kanya ngayon.
Reading between the lines, ibig bang sabihin nito ay pagkumpirma na yun na sila na talaga ni Angel?
"I think she has answered enough the same way na I have answered enough. Yun na yun, di ba?" misteryosong sagot ni Luis.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Controversies
The daughter of QC Mayor Sonny Belmonte hails from the NGO sector.
-
Television
The PBB Double Up Big Five will face a series of "Big Events" this week
These events will help viewers determine the Big Winner this season.
-
Looking Back
Paulo Avelino admits he almost courted Jennica Garcia
Paulo moves to leading-man status via "Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"
-
Events
Kapuso stars Rhian Ramos and Victor Aliwalas receive Model Star Award citations in Korea
"We really can't believe that we were part of this event. It is so overwhelming," the two chorused.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


