Mahirap mag-interview during the first wake ng burol ng namayapang StarStruck Ultimate Survivor na si Marky Cielo. Halos hindi naman kasi makausap ang mga artistang nagsidatingan sa Mission Hills, Antipolo City, noong Lunes ng umaga, December 8, para magbigay ng kanilang huling pamamaalam.
Tinanong namin ang ilan sa mga pinakamalalapit na kaibigan kay Marky kung ano ang hindi nila makakalimutan sa yumaong aktor. Dinaan na lang namin ang aming survey sa pamamagitan ng text. Ang ilan naman ay nakausap namin sa mga presscon na nagdaan pagkatapos ng pagpanaw ni Marky.
LORNA TOLENTINO (Marky's mother in Zaido: Pulis Pangkalawakan): "A quiet, respectful young man with a smile so pure. I will surely miss the boy from StarStruck and my son in Zaido. It's a tragedy and a great loss for anyone who has been touched by his life. May God ever merciful hold him in His divine embrace."
YASMIEN KURDI (co-star in Bakekang and SOP): "Dami po, e. Meron pa kaming ongoing project, Bleach. Nagda-dub kami ng anime together. Mabuti na lang natapos niya yung Bleach movie. Pero yung third season, till 118th episode lang po. Kinikilabutan ako when I hear his voice again sa headset ko. I don't know how to dub when I hear a different voice sa headset for Ichigo Kurosaki.
"Naging love team ko rin siya sa Bakekang. At siya ang pinaka-crush ko sa StarStruck batch niya. I remember the duet we did during StarStruck 4. Parati ko siyang nire-request na maka-partner kasi fave siya ni Mama.
"Tapos noong last dubbing namin sa Bleach, madalas niyang sabihin ‘Buti ka pa nakapag aral ulit.' Pag naglalambing siya, nanunundot ng tagiliran. Mahilig ding idikit ang face niya near your underarm, tapos mag-i-smile at magdyu-joke na ‘Hmmm, ang asim!'"
RYZA CENON (co-star in Fantastikids and SOP): "Ako po yung pagkawindang niya sa sayaw kapag nagri-rehearse po kami, lalo na kapag mahirap yung sayaw. Kaya nga po ang tawag namin sa kanya, ‘Dang' kasi laging windang.
"Saka po si Marky, ugali po niyan lagi na tinatanggal yung shoelace ko. Tapos kapag tinali ko, tatanggalin ulit. Hindi lang sa akin ginagawa, sa lahat po kapag may nakita siyang naka-rubber shoes. Mami-miss ko kay Marky, lahat po. Yung minsan pagiging makulit, yung pagiging mahiyain niya sa babae, pagiging sweet 'saka pagiging mabait na kaibigan."
RHIAN RAMOS (co-star in La Lola): "Mami-miss ko kay Mark yung sensitivity na hindi ko talaga makuha sa ibang tao. Kahit hindi pa niya tinatanong, alam niya na pag may problema ka at pasasayahin ka niya. Bihira lang ang mga tao tulad ni Marky. Walang arte, walang yabang. Mahal ko yun."
LOVI POE (co-star in "Jazz Got Lucky" episode of Love To Love, Bakekang, Kaputol ng Isang Awit, and La Lola): "Nung baguhan ako sa Bakekang, Marky made me feel welcome, I will never forget that. Marky is my best friend. Kalaro ko siya sa set. Pag magkasama kami, para kaming mga bata na naglalaro. I will surely miss him because tunay siyang mabait at kaibigan. I am devastated by the loss. May he rest in peace."
GLAIZA DE CASTRO (co-star in Fantastikids and Kaputol ng Isang Awit): "Yung pagiging makulit niya sa set. He's full of energy na kahit madaling-araw na, magsasayaw pa ‘yan, mangungulit. Nadadala niya kami ng kakulitan niya. Minsan pag nakikita ka niyang malungkot, magtatanong kung ano ang problema. Masayahin siyang tao. Mapagkakatiwalaan na kaibigan.
"Hindi ko malilimutan yung biruan namin, yung kuwentuhan namin tungkol sa buhay at iba pang personal matter. Yung mga bonding moments at nung time na mas nakikilala ko siya, mas lalo kong nakikita kung gaano siya kabuting tao."
TIRSO CRUZ III (co-star in Zaido and Kaputol Ng Isang Awit): "I am just honored to have had the chance to work with him. He was very dedicated to his work, even at his young age."
DENNIS TRILLO (co-star in Zaido and SOP): "Siya si Zaido Green. Parehong May 12 ang birthday namin. Pareho kaming left-handed. Si Marky, talented, matalino, mabait na bata, at malaki ang potential. Hindi ko siya makakalimutan, mabait na kaibigan."
JC DE VERA (co-star in La Lola): "Yung time po na first time niya sa SOP Gigsters at kami nina Mark [Herras] ang kasama. Tinuturuan pa namin siyang magsayaw, tapos after a while, kami na ang nagpapaturo sa kanya. Mami-miss ko sa kanya, siya yung artista na hindi lumalaki ang ulo even with the success he is getting. Marespeto sa lahat and sobrang bait. And a promising actor pa. Sayang."
MARK HERRAS (co-star in SOP): "Ang hindi ko makakalimutan kay Marky, yung bawat sayaw na sinasayaw namin, kulitan, mga tambay, trabaho, workshop na magkasama kami. Napakabait na tao ni Marky. Mami-miss ko sa kanya yung pagtanggal niya ng sintas ng sapatos ko, yung pagiging makulit. Di ko makakalimutan si Mark Angelo Cielo."
RAINIER CASTILLO (co-star in Bakekang and Codename: Asero): "Pag nakikita ko siyang masaya. Palagi siyang seryoso, e. 'Tsaka kapag nakikita ko siya sa ‘office' [Station 168]. Pag nandoon siya, masayang-masaya siya."
MIKE TAN (fellow StarStruck winner): "Yung pagtanggal niya lagi ng sintas ng sapatos, kasi doon din kami unang nagkasama at mas nagkakilananan. Yung kapag magkasama kami, ibang klaseng samahan at kabaitan."
JUSTIN PLUMMER (younger brother of Marky in Boys Nxt Door): "Twelve pa lang po ako noon, wala pa akong masyadong natatatandaan. Pero ang naalala ko po, nabubulol pa ako noon sa dialogues ko, siya ang nag-a-assist sa akin. Tapos may dance po ang show namin, yung Mosquito dance. Siya po ang nagtiyagang magturo sa akin."