PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy Sole Survivor JC Tiuseco talks about his "Survivor Philippines" experience

JC plans to enter showbiz after "Survivor Philippines."
by Erwin Santiago
Published Dec 13, 2008
"Kung kanina, sobrang kaba ang nararamdaman ko, ngayong sobrang saya. After how many months of waiting kung ano ang mangyayari, ngayon sobrang fulfilling yung ginawa namin. Worth it lahat!" says basketball heartthrob JC Tiuseco a few minutes after being declared the first Pinoy Sole Survivor of Survivor Philippines.

Ilang sandali bago i-announce kung sino ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang nanalong si JC Tiuseco.

Tinalo ni JC ang co-finalist niyang si Rob Sy, 7-2, upang makuha ang titulong Pinoy Sole Survivor at ang premyong tatlong milyong piso—ang pinakamalaking cash prize sa kasaysayan ng reality shows sa Pilipinas. Anim na boto ang nakuha ni JC mula sa walong miyembro ng Jury, bukod pa rito ang isang boto mula sa viewers through text votes, samantalang dalawa naman ang nakuha ni Rob.

Suot pa rin ang blue t-shirt at long shorts na ginamit niya noong nasa Koh Tarutao island sa Thailand pa sila, sinabi ni JC sa PEP ang pakiramdam niya sa nalalapit na announcement ng winner.

"Ngayon, sobrang kabado, excited din. Siyempre, malungkot din kasi patapos na yung Survivor," saad ni JC sa backstage ng Studio 7 ng GMA Network Studios, kung saan ginanap ang finale ng Survivor Philippines kagabi, December 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-e-expect ba siyang manalo?

"Siyempre, pareho kami ni Rob na wini-wish namin na sana ako manalo, siya manalo. Pero either way, sino man manalo sa amin, napag-usapan namin na happy na rin kami sa naabot namin. Yun nga, nagtulungan naman kami para umabot sa Top 2."

THE LEAKAGE. Ilang linggo pa lang umeere noon ang Survivor Philippines ay may lumabas nang leakage na si JC daw ang nanalong Pinoy Sole Survivor. Ano ang reaksiyon niya nang marinig niya ang tungkol sa leakage na ito?

"Actually, nakaka-pressure lalo, e," sabi ng 23-year-old basketball heartthrob. "Tsaka disappointed din ako. Kasi siyempre, may lumalabas na ganun. Hindi pa naman namin talaga alam kung ano ang result. Yung ibang Jury, hindi naman talaga alam, hindi naman sila nag-usap-usap kung sino yung ibinoto nila.

"Siyempre, sa akin, pressure ‘yon. If ever I don't win, parang... Siyempre sinabi na sa spoiler na ganyan, yung ibang tao ayaw na sa akin. ‘Ay, ayoko nang manalo si JC kasi may spoiler ng ganun.' Siyempre, sa akin, gusto ko yung pagkapanalo ko, deserving. Hindi yung sinabi na ‘Ay, may spoiler lang kasi, na-preempt na ‘yon.'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

But looking at the eight Jury members—Jace Flores, Kiko Rustia, Vern Domingo, Marlon Carmen, Kaye Alipio, Zita Ortiga, Cris Cartagenas, and Charisse Yacapin—ilan ang sa tingin ni JC ang kakampi niya o ibinoto siya?

"Actually, ang clear lang sa akin si Kiko, e," sagot ni JC. "Sa iba, siguro si Cris, I guess. Kasi okay din naman ang pinagsamahan namin doon. Tapos nakita naman natin doon sa mga last episodes, nag-away rin sila ni Rob. Na-share ko pa kay Cris yung ibang mga rewards ko. May isang Immunity pa na nagpatalo pa ako. Yun nga, siguro iba-value niya naman yung friendship namin."

Between him and Rob, sino sa palagay niya ang mas maraming kakampi sa Jury?

"Actually ngayon, hindi ko alam. Sobrang kabado ako ngayon," nakangiting sabi ni JC.

WHY HE DESERVES TO WIN. Ano ang mga katangian ni JC para maging deserving sa titulong "Pinoy Sole Survivor"?

"Siguro naipakita ko sa kanila na... Lagi kong sinasabi, sa unang part, hirap na hirap ako, na muntik na talaga akong mag-quit dahil sa sobrang pagod, gutom. Hindi naman ako sanay na sobrang gutom na ganun. Sobrang hirap, ang lamig pag gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, naipakita ko sa kanila na kakayanin ko. Hanggang dulo, naipakita ko na nakapag-adapt ako sa life doon, na okay lang sa akin lahat. Natutunan kong magluto na ang gamit lang yung palayok namin doon. Challenges, ipinakita ko sa kanila na hundred percent ako sa challenges. Ako na siguro ang pinakamaraming napanalunang Immunity sa kanila. So, feeling ko naman, naipakita ko sa kanila na deserving ako," pahayag ni JC.

Kung hindi si Rob ang kasama niya sa Final 2, sino sa tingin ni JC ang magiging mahigpit niyang kalaban?

"I think Kiko or Jace. Kasi kay Kiko, parang he really wants to fight fairly. Kaya nga, ang dami kong natutunan sa kanya dito sa Survivor."

Bakit siya naiyak nang sabihan siya ni Kiko na, "I'm very proud of you, bro"?

"Sobrang na-touch po ako sa sinabi niya na sobrang nagtiwala siya sa akin, sa mga na-achieve ko. Kahit na lahat ng mga Jury, ang sasama na ng mga sinasabi sa amin. Nung narinig ko yung kay Kiko, sobrang na-touch ako. Naalala ko pa yung hirap na ginawa namin,"lahad ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino ang pinaka-close niya sa Survivor?

"Ang pinaka-close ko po are Kiko and Jace."

Napag-usapan ba nilang tatlo yung outcome ng botohan, since parehong nasa Jury sina Kiko at Jace?

"Actually yung kay Kiko, alam ko na, e," sabi ni JC. "Kasi wala naman siyang masamang sinabi sa akin. Kay Jace naman, hindi kami nagtatanungan. Basta sinasabihan niya lang ako na, ‘Good luck, bro. If ever man na ikaw ang manalo, you deserve it.' Mga ganun lang. Naintindihan naman niya yung ginawa ko dati na bumaliktad ako sa pinag-usapan namin, kasi I have to do it for my tribe. Sa kanya, ganun din naman."

Nasasaktan ba siya kapag sinasabihan siyang "traydor"?

"Actually, hindi po, e. Kasi it's a decision I had to make, e. Either way na anong piliin ko, magiging traydor din ako. If I chose yung side ni Jace, traydor ako sa Naak. If I chose yung side nung Naak, traydor ako kay Jace. So, wala rin akong choice. I had to do it for my tribe," ulit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What's the worst thing he did in Survivor?

"Yung kay Jace na po," ani JC. "Kasi siya po yung tao na sinabihan ko na, ‘O, sasama ako sa ‘yo.' Pero yun nga, nagsinungaling ako sa kanya kasi kailangan kong protektahan yung tribe ko, e. Even to a point na sabihan ko siya na, ‘Huwag mo nang kausapin si Cris kasi maguguluhan yung tao.'"

Pero okay na ba sila?

"Okay na po. Actually, close kami ni Jace 'tsaka Kiko."

What about si Nanay Zita, na hindi talaga itinago ang sama ng loob kay JC dahil sa pagkaka-vote out niya?

"Sobrang okay po kami ni Nanay Zita," paniniguro ni JC. "Naintindihan naman po niya na game ‘yon, e. Kinausap na rin po namin siya, yung nga, ‘Nanay, pare-pareho naman tayong sumali sa game na ‘to, may common goal tayo to win.' So, prinamis namin ni Kiko sa kanya, dadalhin namin siya sa hanggang kaya naming dalhin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Babalatuhan niya ba si Nanay Zita ‘pag siya ang nanalo?

"Siguro tutulungan ko siya kung may problema siya, just like Cris. Tumutulong ako sa kanila pag may problema sila."

Ano ang mga pagbabago na nangyari sa kanya pagkatapos ng Survivor Philippines?

"Malaki talaga ang naitulong, lalo na sa outlook ko sa buhay na dapat satisfied ka na sa kung anong meron ka, e. Tapos, confident na ako ngayon. I mean, kung may darating mang problems sa akin, doon ako huhugot ng lakas sa experience ko sa Survivor."

JC ENTERS SHOWBIZ. Dahil artistahin ang hitsura ni JC, marami ang humuhula na papasukin niya eventually ang showbiz pagkatapos ng showbiz. Aminado naman ang binata na plano niya talagang pasukin ang mundo ng showbiz.

"Kung may opportunity talaga, I'll grab it," aniya. "Actually, before Survivor, nagmo-model na ako, nasa modeling industry na ako. So, inisip ko na noon na after modeling, what's next? Yun nga, naisip ko na rin ang showbiz. Nakita ko na sa Survivor, puwedeng may chance na may exposure, katulad ng kay Patani [another castaway], ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa na ba siya sa showbiz, lalo pa't may non-showbiz girlfriend na siya?

"Hindi naman ako natatakot kasi, katulad ng Survivor, pinasok ko na ‘yon, e. Kung ano yung papasukin ko, ipi-prepare ko lang ang sarili ko. Yung girlfriend ko naman, understanding naman siya sa mga mangyayari. Like ngayon, sa Survivor, alam naman niya na after this, kilala na kami ng mga tao. Hindi naman siya nagseselos sa mga fans, okay naman,"sabi ni JC.

May mga projects na bang naka-lineup sa kanya sa GMA-7?

"Actually, nagwo-workshop ako sa UP ngayon, sa voice at dancing. Pero I have a lot to learn."

How about his studies?

"Pumapasok pa po ako sa San Sebastian, Management. Last sem ko na po."

JC is now 23 years old, bakit na-delay yata ang pag-aaral niya?

"Sa basketball po, e. Kasi nung nag-basketball player po ako sa San Sebastian, hindi kami puwede kumuha ng full load. Kasi ini-extend nila yung playing years mo," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIRST PINOY SOLE SURVIVOR. Pagkatapos tanghaling Pinoy Sole Survivor si JC ay muli siyang nakausap ng PEP sa mismong stage ng Survivor Philippines. Tinanong namin siya ulit kung ano ang pakiramdam niya ngayong siya na ang nanalo.

"Sobrang saya!" bulalas ni JC. "Kung kanina, sobrang kaba ang nararamdaman ko, ngayong sobrang saya. After how many months of waiting kung ano ang mangyayari, ngayon sobrang fulfilling yung ginawa namin. Worth it lahat!"

Dahil magte-tape pa sila ng reunion special ng Survivor Philippines, na ieere sa Linggo, ay hindi pa agad makakauwi si JC. Pero ano ang unang-unang gagawin niya bukas (December 14)?

"Tomorrow, siguro rest muna kami, kasi hanggang 4 a.m. pa yata kami dito para mag-tape ng reunion namin. Siguro magse-celebrate lang konti with my family, friends," ani JC.

Bukod sa titulong Pinoy Sole Survivor at P3 million cash prize ay nanalo rin ng bagong kotse si JC. Ang kotseng ito ang ipinagpalit ni JC sa Immunity necklace na napanalunan niya at ibinigay kay Rob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita na ba niya yung kotse na napanalunan niya?

"Actually, hindi pa, e. Pero ibinigay na sa akin yung mga papeles, pero hindi ko pa nakikita, e."

Pero hindi naman ito ang first car niya?

"Actually, yun ang first car na nakapangalan talaga sa akin, ako yung nakapanalo no'n. Kasi yung mga ginagamit ko naman before, hinihiram ko lang sa dad ko, sa mom ko, family car. So, siya yung first-ever car ko talaga!" natatawang sabi ni JC.

Ano ang mensahe ni JC kay Rob, na nagdala sa kanya sa Final 2?

"Kay Rob, sobrang saya ko kasi nung time na nawala si Kiko, wala akong mahanap na ibang mapagkakatiwalaan. Nung kinausap ako ni Rob, nalaman ko na kahit may tampuhan sila, hanggang dulo hindi siya nagbago ng vote. Dun ko nakita na trustworthy siya. Kahit matanggal ako nun basta siya yung ka-alliance ko, okay ako, e."

Message naman niya sa Jury at sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa lahat ng mga Jury na nag-vote sa akin, sobrang thank you ako sa kanila. Kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi naman ako mananalo, e. At saka, at least, nakita nila yung pinaghirapan ko talaga, e. Kaya, at least, nakasama ko naman silang lahat. Ngayong tapos na ang Survivor, magkakasama naman kami, magkakaibigan pa rin kami.

"Sa mga fans naman na sumusuporta, sobrang thankful ako, hindi lang sa mga fans ko, kundi sa mga fans din ng ibang castaways. Kasi kung wala sila, walang manonood ng Survivor, walang show," pahayag ng kauna-unahang Pinoy Sole Survivor.

Click here to view photos of Survivor Philippines The Finale.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung kanina, sobrang kaba ang nararamdaman ko, ngayong sobrang saya. After how many months of waiting kung ano ang mangyayari, ngayon sobrang fulfilling yung ginawa namin. Worth it lahat!" says basketball heartthrob JC Tiuseco a few minutes after being declared the first Pinoy Sole Survivor of Survivor Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results