"Sobrang mabait at saka, masarap katrabaho. Wala siyang ere. Hindi ko kasi siya kilala before, kaya hindi kami nag-uusap. But it's nice that now, we're getting to know each other," says KC Concepcion about working with Jericho Rosales.

Photo: Rose Garcia

Puspusan na ang pagre-rehearse ni KC Concepcion para sa Katy: Musical, na mapapanood sa Sofitel Hotel sa December 27, pagkatapos na pagkatapos ng 2008 Metro Manila Film Festival Awards Night.

 

Ipinaliwanag ni KC sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang kaibahan ng gagawin nila kumpara sa mga naunang pagtatanghal ng Katy sa entablado.

 

"Actually, it's a new take, it's a modern take sa actual na musical na ginagawa nila before. Kasi, they already made a musical na life story talaga ni Katy. Ngayon, lahat ng kanta, sa original musical talaga kukuhanin.

 

"Tapos, iba't ibang klaseng media ang gagamitin nila on stage. Partly movie, partly musical play, partly concert. Kasi yung mga pinili nila to be playing Katy are gonna be singing as themselves. So, parang nandoon din sina Kyla, she will sing as Kyla with one of Katy's songs. We're all gonna be Katy and we'll all have the chance to be Katy for a moment," lahad ni KC.

 

Si Katy dela Cruz, para sa kaaalaman ng ilan, ay ang itinuturing na "Queen of Bodabil" ng Pilipinas. Sumakabilang buhay siya noong November 10, 2004 sa edad na 97.

 

Ayon kay KC, may duet sila ng aktor na si Jericho Rosales, who will play Peping, "Awit Ko Para Sa ‘Yo." She will also do a dance number with Gabriel Valenciano. Unlike Echo, KC naman ay very aware who Katy dela Cruz is.

 

"Okey siya, e. Binalahura kasi niya yung mga kundiman, yung mga ganoon, kaya ko siya gusto. Parang sinira niya yung mga tradisyon at that time, which I admire. Kaya gustung-gusto ko yung part na iniba niya yung singing form, iniba niya‘yung mga performances, ginawa niyang jazz. Tapos, pati yung boses niya, hindi masyadong pigil, hindi masyadong pa-sweet," paglalarawan ni KC tungkol sa ginagampanan niyang role.

 

How is it working with Jericho Rosales for the first time?

 

"Sobrang mabait at saka, masarap katrabaho," papuri ni KC. "Wala siyang ere. Hindi ko kasi siya kilala before, kaya hindi kami nag-uusap. But it's nice that now, we're getting to know each other."

 

Given na sa mga actors na they're excited to work with KC. Excited din ba siya that she will be working with different actors?

 

"Of course!" sagot niya. "I see myself as baguhan. To work with someone like Echo is also... It's like I admire people that are older than me, more experienced. At the same time, at my age also, I feel like ang dami-rami na nilang nagawa. So, I'm always excited to work with different people."

 

Sobrang nami-miss din daw ni KC ang theater.

 

"Sobra!" bulalas niya. "Doon ako nag-start, e. I started with musical theater [she played Ariel in The Little Mermaid], I miss it a lot. Iba, iba ang kultura ng theater. Ipagpapatuloy ko ‘yan. Siyempre, it's my root at palagi ko siyang babalikan."

 

Aside from Katy: Musical, pinaghahandaan na rin ni KC ngayon ang pagsisimula ng shooting nila ni Richard Gutierrez for their second movie together, tentatively titled Save The Best For Last. Pati na ang magiging kauna-unahan niyang soap opera sa ABS-CBN, ang remake ng Korean series na Lovers in Paris.