"It's my first acting award! Acting award! I wanna die!" exclaims Best Festival Actress winner Anne Curtis.

Photo: Jocelyn Dimaculangan

Halatang-halata ang pagka-surprise ni Anne Curtis nang ang pangalan niya ang tawagin as winner for Best Festival Actress in the 34th Metro Manila Film Festival Awards Night na ginanap sa Harbor Tent, Sofitel Hotel kagabi, December 27. Wala halos masabi si Anne sa kanyang speech sa pagitan ng pag-iyak pagkatanggap ng kanyang trophy.

"I wanna say thank you, of course, to my Viva Family... To Boss Vic, Ate Veronique, Boss Vincent for entrusting me for a role like this and putting me in such a wonderful movie... Direk Mark Meily, thank you so much. My Mama Betchay. I wanna thank also Mr. Genuino for also, having us for this project. Thank you so much. And I dedicate this to my family. This is my first-ever award for my twelve years that I've been in the business. Thank you... Thank you so much!" pahayag ni Anne.

Pagkatapos ng speech ni Anne at kasabay ng pagsisimula ng musical concert na Katy, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Anne, na hindi binibitawan ang kanyang kauna-unahang acting trophy.

Ayon kay Anne, nasorpresa siya talaga dahil hindi niya ine-expect na ang pangalan niya ang matatawag for Best Actress.

"Hindi ko talaga ine-expect!" bulalas niya. "That's why yung speech ko, I don't know what I said. Kung ano na lang ang lumabas. But I'm just super thankful! Thankful to the Lord talaga! Without Him, I don't think this would be possible with the talents that He has given me."

Nang matanggap at mabasa ba niya ang script ng Baler, nakita ba niya agad ang potential na maaari siyang manalo ng award?

"Hindi ko iniisip na ganoon siya. Basta ako, I did my best in the movie. I give it my all," sagot niya.

Ayon kay Anne, masaya rin siya para sa kanyang leading man na si Jericho Rosales. Bagama't hindi si Echo ang nakapag-uwi ng Best Actor trophy kundi si Christopher de Leon para sa Magkaibigan.

"I'm so happy for Echo. I know that he really did well. He had stiff competition as well. For me, he's still one of the best actors that I know," saad ni Anne.

Ano naman ang masasabi niya na ang mga nakalaban niya for Best Actress ay sina Dawn Zulueta, Maricel Laxa, at Ai-Ai delas Alas?

"That's why, it makes the award even more meaningful. Siyempre, I was up against people who are the best [in] what they are doing. So, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko!" tili pa niya na halatang overwhelmed pa rin.

Masasabi rin ba niya ang naging kataga ni Angel Locsin nang manalo ng Best Actress sa Star Awards for TV na "Aktres na ako!"

 "I guess I can say that! It's my first acting award! Acting award! I wanna die!" tili niya.           

"Hindi naman ganoon!" sabay bawi ni Anne habang tumatawa. "I'm just speechless. Kanina, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa speech ko. Basta I'm just speechless. What will you say, di ba?"