"It's all in believing in yourself and years from now kapag may edad na ako, I can always look back at the FHM cover that I did and be proud to say that I was hot!" relates Carlene Aguilar on the reason why she finally gave in to the request of FHM Philippines for her to be on its cover.

Photo: Ruel Mendoza

 

Tuluy-tuloy na ang pag-aartista ng former Bb. Pilipinas-World na si Carlene Aguilar. Pagkatapos ng kanyang small role sa box-office hit na Iskul Bukol... 20 Years After, makakasama naman siya sa pinakabagong telenovela sa GMA-7 nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

 

Excited na si Carlene dahil first time niyang lalabas sa isang malaking soap drama at nagkataon na ang mga bida pa ay ang number one tandem na sina Dingdong at Marian. Gaganap si Carlene bilang kaibigan ni Angelu de Leon na siyang girlfriend ni Dingdong sa naturang serye.

 

"Happy naman ako kasi nga nabigyan ako ng chance na mapabilang sa isang soap drama na alam naman natin ay magiging big hit sa TV," ngiti ni Carlene habang kausap namin siya sa dressing room ng GMA Network Studio.

 

"Hindi pa ako sigurado kung ano ang character ng role ko pero medyo nasa kontrabida side ako, e. Si Angelu kasi ang magiging girlfriend ni Dingdong sa TV drama at magiging kaagaw niya rito si Marian."

 

FEELING GUILTY. Dahil nga sa magiging sobrang busy na si Carlene once na magsimula na ang taping niya for Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, nagwu-worry na siya dahil iniisip niya na baka mabawasan ang oras at panahon niya para sa baby nila ni Dennis Trillo na si Calix Andreas.

 

Bukod nga kasi sa pagiging active sa showbiz ay uma-attend pa ng classes niya si Carlene sa U.P. Diliman.

 

"Ngayon pa nga lang na hindi pa ako nagte-taping, I'm juggling between my schedule sa school at sa bahay. Minsan kasi may mga raket na dumarating like guestings, live appearances, out-of-town shows at modeling assignments. Salamat sa Diyos at nagagawan ko naman ng paraan na hindi ko napapabayaan si Calix.

 

"Kapag sobrang toxic na ang schedule ko sa isang araw, ang mommy ko ang nag-aalaga kay Calix. Though meron namang yaya si Calix, still, I feel safe na nandiyan si Mommy para tingnan ang bata.

 

"Sometimes nga I feel guilty na naiiwan ko si Calix for one whole day dahil sa mga ginagawa kong work at sa school. Pero yun nga raw ang sacrifice na dapat pagdaanan ng isang single parent, e. May mga sacrifices na masakit talagang gawin but you have to do it. Lalo na kung may isang buhay na nakadepende sa iyo.

 

"But I'm surviving it naman. Mahirap, but may fulfillment because I'm working and doing it for my child. Nagpapasalamat lang ako sa Diyos because I have my family na sinusuportahan ako sa mga pinagdadaanan ko ngayon."

 

GRACING THE FHM COVER. Mas sexy nga ngayon si Carlene kaya naman nagawa niyang mag-pose para sa cover ng January 2009 issue ng FHM. Kuwento ni Carlene, dinaan niya sa matinding diet, exercise at tulong ng kanyang sponsor na Marie France para ma-achieve niya ang desirable figure niya ngayon.

 

"Mahabaang convincing ang nangyari diyan sa FHM," tawa pa niya. "Kasi nga hindi pa ako confident sa katawan ko noon. Though pumayat na nga ako, still, parang hindi ako kampante pa. Kaya ilang beses din nila akong binalikan kung puwede na ba ako? Natutuwa naman ako sa mga taga-FHM kasi nga very patient sila. Puwede naman silang kumuha ng ibang cover girl, di ba? Pero hinintay talaga nila ako.

 

"Noong finally na okey na ako at confident na ako sa hitsura ng katawan ko, doon na ako nagbigay ng go signal. Nag-enjoy ako sa pictorial kasi kakaiba. Medyo nahirapan ako sa ibang poses pero it was really different from the other pictorials I did."

 

Paraan nga ba ito ni Carlene para ipakita na kahit may anak na siya ay nananatili pa rin siyang isang "Hot Mama"?

 

"Oo naman!" malakas na tawa niya.

 

"Hindi naman hadlang ang magkaroon ng anak, e. Hindi porke't may baby ka na, pababayaan mo na ang katawan mo. I want a lot of people to see, lalo na ang mga young mothers na they can still be sexy. Bakit ka magpapakalosyang kung puwede ka pa namang maging hot, di ba?

 

"It's all in believing in yourself and years from now kapag may edad na ako, I can always look back at the FHM cover that I did and be proud to say that I was hot!" pagtatapos pa ni Carlene Aguilar.