"Wala naman po talaga akong manliligaw ngayon. Feeling ko nga, parang kasalanan ko na walang nanliligaw, kasi hindi ko naman sila iniisnab. Minsan gusto ko sanang sabihin, tapos pag kinausap mo naman, nali-link. Parang ano naman ang gagawin ko?" says KC Concepcion.

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KC Concepcion sa backstage ng Sofitel Harbor Tent matapos ang performance niya sa Katy The Musical noong Sabado ng gabi, December 27. Very ecstatic pa rin ang feeling ni KC matapos ang kanyang pinakabagong experience performing on stage.

 

Kabilang sa mga nag-perform sa nasabing musical ang mga batikang mang-aawit tulad nina Mitch Valdes, Dulce, Rachel Alejandro, Ayen Munji-Laurel, gayundin din sina Bituin Escalante, Sitti, Frenchie Dy, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricris Garcia. Leading man naman ni KC si Jericho Rosales.

 

"Nai-inspire naman ako," sambit ni KC. "Noong una, parang nai-intimidate ako kasi nakakasama ko na sila. Ngayon, parang kaya ko na. Siyempre, I learn from them. Pag katabi ko na sila, I know I have to do my best."

 

NEW ENVIRONMENT. Ibinalita rin ni KC na nagsimula na sila ni Richard Gutierrez na mag-shoot ng bago nilang pelikula under GMA Films, under the direction of Joel Lamangan. Aminado ang dalaga na medyo naninibago siya dahil she's in a new environment. Tapos puro lalake pa ang members ng crew.

 

"Ang bago talaga ay nasa GMA Films na ako," sabi niya. "Kaya naintindihan ko na kung bakit si Chard, parang naiilang noong nasa ABS-CBN kami. Sabi niya, ‘Bakit may mga babae at may mga bakla?' Iba ang energy dito kasi puro lalake ang crew. Talagang from production people namin, all boys. Unlike before, nandoon si Ate Shayne kaya may ate-figure ako. Dito, puro straight all-boys crew, so nag-a-adjust pa rin ako in the same manner na nag-adjust si Chard when we were doing our movie for Star Cinema."

 

Okay naman daw ang shooting nila, ayon kay KC. Pero second sequence pa lang, pinaiyak na raw siya ni Direk Joel.

 

"May crying scene na agad ako. Tapos umagang-umaga, nagmumura na si Direk. E, di ba, he's known for being very strict? So, talagang kailangan na behaved na behaved ka. Very disciplined. Kailangan always on time. Kung puwede, mas maaga sa call time. Tapos sa iba't ibang lugar kasi ang location namin," lahad ni KC.

 

Gusto naman daw ni KC na may makatrabahong istrikto, tulad ni Direk Joel, para mas lalo pa siyang ma-challenge. Iba't ibang klase naman ang mga direktor, tulad ng kanyang na-experience nang gawin niya ang kanyang episode sa Maalaala Mo Kaya at ang four-part series na I Am KC sa ABS-CBN.

 

DRAMA SERIES WITH PIOLO. Pasok na rin si KC sa paggawa ng teleserye, kung saan makakasama naman niya si Piolo Pascual. Wala pang titulo at hindi pa masabi ni KC kung sino ang magdidirek ng series na pagsasamahan nila ni Piolo.

 

"Sabay na gagawin ang movie and teleserye. Monday, Wednesday, Friday sa teleserye ako, tapos Tuesday, Thursday, and Saturday sa movie naman ako. Nagwo-workshop na po ako in preparation for the teleserye. Workshop and story conference muna kami. I've done MMK and I Am KC, so kahit paano kailangan iba rin ang ginagawa ko. Since pinasok ko na ang paggawa ng teleserye, dapat magkaiba rin ang magawa kong character," wika ng dalaga.

 

Dagdag niya, "Mahal ko naman po ang trabaho ko. Parang kahit na ilang beses ko siyang layuan... Di ba, tumira na ako abroad at tina-try kong huwag mapunta rito, pero ibinabalik at ibinabalik ako ni God. Talagang pinag-pray ko talaga ang pagpasok ko sa showbiz. ‘Ganoon ba talaga? Lagi Mo akong ibinabalik dito?' Siguro talagang dito Niya ako gustong mapunta."

 

Wish din ni KC na magkaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) next year. Never pa raw siyang nakadalo sa isang awards show. Mabuti na lang daw at ginagawa niya itong Katy The Musical kaya naging part siya ng MMFF.

 

FOR CONSIDERATION. Since gumawa na siya ng pelikula—For the First Time with Richard Gutierrez—pasok na ang pangalan ni KC sa mga pagpipilian bilang Breakthrough Performance of the Year sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Socity, gayundin sa Best New Movie Actress of the Year ng PMPC Star Awards. Ano ang reaction niya rito?

 

"Kasali po ba ako roon? Akala ko kailangan mag-spend muna ako ng five years sa business. Talaga? Talaga? Wow! Hindi ko ini-expect na may gano'n. Tanga ako! Hindi ko alam!" sabi ni KC na hindi nakapagsalita agad dahil ninerbiyos daw siya.

 

Patuloy niya, "Akala ko, best actress lang. Ninerbiyos ako agad. Ewan ko po. Siyempre, nagulat naman po ako roon."

 

AFFAIRS OF THE HEART. Kumusta naman ang kanyang love life? Mukhang walang balita tungkol sa kanyang affairs of the heart.

 

"Wala naman po talaga akong manliligaw ngayon," sabi ni KC. "Feeling ko nga, parang kasalanan ko na walang nanliligaw, kasi hindi ko naman sila iniisnab. Minsan gusto ko sanang sabihin, tapos pag kinausap mo naman, nali-link. Parang ano naman ang gagawin ko?

 

"Siyempre, iniisip ko naman na if it doesn't work out, at least I gained a friend. Tingin ko po, ready naman ako to go into a relationship. Basta right person. Ayoko na kausapin ang mga walang kuwenta," nakangiting pahayag niya.

 

Ano-anong qualities ba sa isang manliligaw ang hinahanap niya?

 

"Siguro yung God-fearing, kasi lahat naman po ay nanggagaling doon. Pero hindi naman po yung holy, ha? Yung normal pa rin. Saka yung honest, family man, yung understanding sa work ko. Wala naman akong ire-reveal. Wala naman talaga. Kung meron, bakit naman ako magla-lie?" pagwawakas ni KC.