When asked what Richard Gutierrez's Christmas gift to her was, KC Concepcion called her When I Met You partner and asked, "Ano gift mo raw sa akin, Baby?" Richard replied, "Ano 'yon, Honey? Pana ang gift ko sa kanya. Nadaplisan na ba ang puso mo?"

Photo: Noel B. Orsal

Agad sumalubong si KC Concepcion sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press na dumalaw sa set nila ni Richard Gutierrez ng Valentine movie nilang When I Met You sa San Juan City kagabi, January 5. Naroon din sa set ang mga kasama nila sa movie na sina Cherry Pie Picache and Tirso Cruz III, bilang parents ni KC at si Alfred Vargas na gumaganap namang boyfriend niya. 

Nag-offer agad si KC ng dala niyang vegetarian tofu na lasang chicharon at vegetarian barbecue na lasang pork barbecue talaga. Kahit si Richard ay nasasanay na raw kumain ng mga vegetarian food na dinadala ni KC sa set. Naitanong tuloy namin kay KC kung kailan pa siya naging vegetarian.

"Ten years na po," nakangiting wika ni KC. "Actually, pesco-vegetarian ako, pero malapit na ring mawala ang fish sa kinakain ko, puro vegetables na lang po talaga, although paborito ko po ang tuna, salmon, grilled tanigue and pritong galunggong with catsup."

Biniro ng PEP si KC na regalo siya nang regalo ng turkey, siya naman hindi kumakain ng turkey.

"Iyon pong mga side dishes ang kinakain ko," natatawang sagot ni KC. "Saka si Mommy [Sharon Cuneta] noong Christmas eve, nagluto ng pasta na walang meat, puwede naman ako ng tomato sauce lang and cheese sa pasta. I take milk naman and once a month, I eat egg white lang."

Bakit hindi siya nag-join ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA)?

"Ilang beses na po nila akong in-approach, pero ayaw ko pong mag-impose sa ibang tao kung ano ang dapat nilang gawin," sagot ni KC.  "Personal po ang reason ko. Para din po kasing religion iyan, kung Christian ka, gusto mo lahat na lang maging Christian? May right po tayo na gawin ang gusto natin na sa palagay natin ay tama.

"Mas gusto ko na lang pong pagtuunan ng pansin ang pagiging Ambassador ko ng United Nations for World Food Program [UNWFP], matulungan ang mga kababayan natin, lalo na sa Mindanao, na kulang na kulang talaga ang pagkain nila roon. Hopefully, makabalik uli ako sa Mindanao."

WORKING WITH GMA FILMS. Kumusta naman ang pagtatrabaho niya this time sa GMA Films?

"Medyo nanibago rin po ako," nakangiting wika ni KC. "Sa Star Cinema kasi, mula po sa director hanggang sa crew, mga babae at bading ang nakatrabaho namin ni Richard doon, dito mga lalaki naman ang katrabaho ko, kung meron man, gender lang.

"Pero masaya po, iba naman ang sistema nila. Sa pictorial at story conference pa lamang, may briefing na kami, sinabi na ni Direk Joel [Lamangan] ang character sketch namin. Meron din kaming one day actor's studio na inisa-isa ni Direk ang nuances ng aming mga characters, na maging faithful kami sa aming mga character."

LEARNING FROM DIREK JOEL. Kumusta si Direk Joel?

"He's a very strict director, pero sinabi na po sa akin iyon noon pa, kung paano magtrabaho si Direk Joel. May time daw na nambabato ito ng script kapag hindi makuha ng artista ang gusto niyang ipagawa. Binigyan po niya kami ng script at kailangang basahin namin iyon. Kung may binabago man siya sa script, ipinaalam niya sa amin iyon. Na-excite ako, sabi ko sa sarili ko, marami akong matututunan sa kanya."

Since matagal ding nakatrabaho ng mommy niya si Direk Joel, hindi ba siya binigyan nito ng tips?

"Sabi lang ni Mommy, I should take the opportunity to ask questions kapag hindi malinaw sa akin, at ginawa ko naman iyon at totoo po na marami agad akong bagong natutunan kay Direk.  Siguro kung student ako, hindi na ako freshman, sophomore na ako dahil marami akong hindi alam noon, ngayon, alam ko na.