Sa first quarterly lunch this year with the editors of the head of GMA-7 Entertainment TV, nailabas na ang first quarter shows of the Kapuso network: My Dad is Better Than Your Dad, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Paano Ba Ang Mangarap?, Totoy Bato, and Zorro. Napag-usapan na rin ang next set of shows for the second quarter, pati na rin ang ilan pa sa mga dapat abangan para sa 2009.

KOREANOVELAS. Ang All About Eve nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Jean Garcia, Eula Valdes, at Richard Gomez ang pang-apat na primetime series na ipalalabas ngayong taon na ito. Announced na rin ang pagpasok ni Mark Anthony Fernandez sa cast ng  local version ng nasabing Koreanovela, na para sana kay Diether Ocampo kung natuloy ang paglipat ng isa sa mga unang Star Magic leading men sa Kapuso network.

Malabo pa raw ang local version ng Koreanovela na Full House, na dati na ring na-announce dahil sa dami ng rekutitos ng hinihingi ng producer sa Korea. Kaya't parang mas sigurado pa ang isa pang comedy-romance soap ng Korea na Coffee Prince.

Hinahanapan pa rin ng tiyempo kung kailan matutuloy ang Captain Barbell Meets Darna na sa teaser pa lang noong 2007 Metro Manila Film Festival ay nakakabit na ito kasama ng Dyesebel at Babangon Ako't Dudurugin Kita. Wala pa rin sa 2008 lineup ang minsan nang naikuwento sa amin nina Kylie at Queenie Padilla, ang Panday Kids.

SINE NOVELA. Sa Marso magtatapos ang Saan Darating ang Umaga? ni Yasmien Kurdi at may kasunod na ito, ang Dapat Ka Bang Mahalin?. Nabanggit na sa amin kung sino ang binabalak na magbida sa serialized version ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie na ito from Viva Films, ngunit hindi pa muna ito ipinasulat sa amin dahil hindi pa nakakausap ang mga artista—isang pares na galing sa StarStruck. Kung matutuloy, ito ang unang pagbibidahan ng nasabing love team para ma-elevate sila sa lead status.

Hindi pa man nagsisimula ang Paano Ba Ang Mangarap? nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, may nakaabang nang magiging kapalit ito—ang Muling Buksan Ang Puso na kung matutuloy ay pagbibidahan nina Dennis Trillo, Heart Evangelista, at Nadine Samonte.

Tinanong na rin namin kung kailan naman ang isa pang dati nang na-announce na Sine Novela, ang Tinik Sa Dibdib ni Nora Aunor. Ngunit wala pa raw ito sa mga pinaplano.

STARSTRUCK IS BACK. Sa mga game shows at reality shows naman, confirmed na ang pagbabalik ng StarStruck ngayong taon na ito.

Year 2008 pa, naibalita nang magbabalik ang phenomenal artista-search ng GMA-7 ngunit hindi ito natuloy. Huling nagkaroon ng StarStruck noong patapos ng 2006, na nag-finals ng March 2007.

Ang plano sana noon, isang taon lang pagpapahingahin ang reality show bago ito ibalik. Hanggang dito pa lang ang na-confirm ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV. Dagdag pa rito kung kailan pasisimulan ang audition (third quarter this year) at kung kailan magsisimula (sa last quarter ng 2009).

Tumangging magbigay ng confirmation ang Entertainment Group ng GMA-7 kung ire-retain ang hosts ng StarStruck na sina Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, at Raymond Gutierrez. Hindi rin nag-confirm kung totoong pasok sa paghu-host si Drew Arellano.

Inaayos pa rin ang mechanics ng fifth edition ng StarStruck. Kung kaya't walang mag-confirm kung totoong apat muli ang mananalo-isang Ultimate Male Survivor, isang Ultimate Female Survivor, at isang Ultimate Love Team.

SINGING SEARCH. Mas malamang sa hindi na ang Pinoy Pop Superstar ang ibabalik kesa sa second season ng Pinoy Idol.

Kinumpirma ring magbabalik ang isang singing search show ngayong taon na ito ngunit hindi tinukoy kung ano. Kailangan pa raw kasing mapag-aralan ang mga "lessons learned" from the first Pinoy Idol dahil iba nga kasi ang sensibility ng mga Pinoy sa ganitong singing search, lalo't involved ang text voting.

Kung magkakataon, magkasunod at hindi magkasabay ang pasok ng StarStruck 5 at ang singing show ngayong taon na ito.