Ang bilis ng panahon para sa dating Star Circle Quest finalist na si Melissa Ricks. Nag-celebrate si Melissa ng kanyang 19th birthday noong January 9. Mas pinili niyang manood ng sine, kasama ang mga kaibigan, kesa mag-party.
Last seen in Iisa Pa Lamang bilang kapatid ni Claudine Barretto, muling mapapanood ang tambalang Melissa at Matt Evans sa March episode ng Your Song, na remake ng Underage, kasama sina Lauren Young, AJ Perez, Empress Shuck, at Dino Imperial. Si Melissa ang gaganap ng Dina Bonnevie character na Celine at si Matt naman sa dating papel ni Jimi Melendrez na si G3.
Mayroon ding movie si Melissa sa Star Cinema na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Sam milby. Gagampanan ni Melissa ang role bilang kapatid ni Derek Ramsay.
Nananatiling single si Melissa kahit matagal nang nag-break si Matt at ang dati nitong girlfriend na si Olyn Meimban.
"Hindi naman siya nanliligaw," sagot ni Melissa nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit hindi pa rin sila ng kanyang ka-love team.
Tuloy pa rin naman ang kanilang love team at kaibigan niya pa rin si Olyn na nagregalo nga sa kanya noong birthday niya.
BEAUTY CONTEST. Glowing si Melissa at parang tumangkad pa sa height niyang 5' 7" ngayon. Wala siyang plano na mag-pose sa FHM o Maxim dahil parang hindi raw siya bagay doon, pero may balak pala siyang lumaban sa beauty contest.
"Ay, ‘yan, baka pa!' sagot niya sa tanong namin kung gusto niya ngang lumaban. "Pero pinagpaplanuhan ‘yan, baka next year pa."
Sa tanong kung saan niya balak lumaban, gusto niya raw sana sa Binibining Pilipinas.
Sa mga manunulat na nakikinig sa diskusyon namin sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas, pinayuhan agad siya na ang crown ng Miss International sana ang makuha niya dahil sa taas at kulay niya.
"Para namang puwedeng pumili!" sambit niya.
Sabi namin kay Melissa, bakit hindi sa Miss Earth, na ang ABS-CBN ang nagpapatakbo, siya sumali?
"Puwede rin naman kaso mas maraming choices sa Binibining Pilipinas," sagot niya. "Saka wala namang kaso yun kung saan ako lalaban. Pilipinas pa rin ang ire-represent ko kung saka-sakali."





team_grocerie
s
February 1, 2009
03:40 AM who is rich asuncion?
dapat kasi sa bb pilipinas muna sya kasi local lang un alangang mg mis earth k agad eh international pageant na yon haha
ANO DAW? eng eng
good luck pa rin at sa ibang kandidata. :
akala ko ba sosyal kayo, bakit google lang parang di nyo alam?
LOL!
gud luck to you ang to rich
nababawasan pala laman ng utak pag sa abs lang nakatutok ang mga mata at tenga habang nag aantay ng groceries na pamudmod nila ano?
Tingnan mo sarili mo at basahin mo comment mo re bb pilipinas n ms earth...kaloka ka! Tas sinundan mo pa ng pamimintas sa laman ng utak ng isang judge dun! E mas ala laman utak mo eh!
alam mo ba yang pinagsasabi mo iho/iha? Lawakan mo pag-iisip mo iha ha? Wag comment ng comment!
Dapat name mo teamkapam_ugok. obobs ka eh! Hahaha
si melissa talaga mula nang makita nang asawa ko hanggang ngayun na cu cutan pa rin sa kanya maganda raw sha.
dapat kasi sa bb pilipinas muna sya kasi local lang un alangang mg mis earth k agad eh international pageant na yon haha
it doesnt follow na because this girl has foreign blood e matalino na sya. Para mo na ring sinabi na obobs ang mga filipino.
Ang laman po ng utak hindi nakikita sa panlabas na anyo.
Nagcomment ka nga nonsense pa!