"Siguro po, wala na akong mahihiling pa kasi meron na ako. Wish ko lang po good health kasi, ever since, sakitin po ako talaga, lalo na kapag sunud-sunod ang trabaho ko," replies Cristine Reyes when asked about her birthday wish. She brought gifts to the home for the aged on her birthday celebration.

Photo: Noel Orsal

Eva Fonda star Cristine Reyes turns 20 today, February 5. Pero binigyan siya ng birthday presscon ng kanyang Viva Artist Agency family sa Steak Plus on Timog Ave., Quezon City, kahapon, February 4. 

Paano ise-celebrate ni Cristine ang kanyang birthday?

"Actually, last Monday [Feb. 2], nag-celebrate na ako with the residents of Golden Acres, a nursing home na located behind SM City North EDSA. Minsan po kasi, naka-stop yung sasakyan ko sa may Santolan, nakita ko yung dalawang matandang lalaki na nagwe-welding. Naawa po ako, naisip ko, ganoon na sila katanda, pero nagtatrabaho pa rin. Kaya 'yon po ang naisip ko.

"Nagtanong ako kung saan ako puwedeng mag-donate na mga matatanda ang inaalagaan. Yun ang sinabi nila, sa Golden Acres nga raw. Nagdala ako ng gifts at ibang supplies na alam kong makatutulong sa kanila.

"Nakakatuwa po, na-touch ako na may program pa silang inihanda sa akin. May kumanta pang isang female resident ng 'Bakit Pa?' ni Jessa Zaragoza, tapos may mga tinda po silang necklaces doon na ginawa nila, bumili ako at sinabi ko sa mga kasama ko na bumili rin sila," lahad ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bakit 'yon ang naisip niyang celebration sa kanyang birthday?

"Mas marami kasing tao ang mapapaligaya ko kesa kung magpa-party ako tapos konting kaibigan ko lang ang masaya," sabi ni Cristine. "Iba po ang fulfillment na naramdaman ko habang nandoon ako sa piling ng mga resident ng Golden Acres."

Ano ang birthday wish niya?

"Siguro po, wala na akong mahihiling pa kasi meron na ako. Wish ko lang po good health kasi, ever since, sakitin po ako talaga, lalo na kapag sunud-sunod ang trabaho ko," wika ni Cristine.

May bumati na ba sa kanya ng "happy birthday?"

"Ang mga kasama ko po sa ABS-CBN, saka ang Viva family ko."

Sa mga dating boyfriends niya, may bumati na ba sa kanya?

"Wala po," nakangiti niyang sagot.

JERICHO & KIAN. Ngayong wala siyang boyfriend, nali-link si Cristine kina Jericho Rosales at Kian Kazemi. Si Jericho, sweet daw sila noon sa Tagaytay noong nagte-taping sila ng Kahit Isang Saglit.

"Baka hindi ako? Sila nga ni Carmen [Soo] ang sweet na sweet noon!" pambubuko ni Cristine sa co-stars niya.