Bitbit ang glass trophy from YES! magazine as Readers' Choice for Young Female Superstar, personal na nagpasalamat si Claudine Barretto sa YES! at sa Summit Media para sa naturang award, sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, February 8.
"Sobra akong natutuwa talaga, kasi nga Young Female Superstar Readers'Choice Awards. I am really sobrang grateful kasi iba na talaga kapag ang mga tao na ang bumoto sa iyo, di ba? It's like parang box- office, kapag nag-hit ka, like noong nag-Sukob tayo, alam mo na talagang mahal ka ng mga tao," bungad na pahayag ni Claudine sa interview ng host na si Kris Aquino.
Doble ang saya ni Claudine dahil bukod sa pagbibigay sa kanya ng award ng YES! ay nagkaayos na rin sila ng editor-in-chief nitong si Jo-Ann Maglipon. Matatandaan kasing nagkaroon ng gusot sa pagitan nina Claudine at Jo-Ann na humantong pa sa demandahan dahil sa paglalabas ng Hi!magazine ng mga pictures ng adopted daughter nina Claudine at Raymart Santiago na si Sabina sa July 1-15 2006 issue nito. Executive editor noon ng Hi! si Jo-Ann noong lumabas ang mga litrato ni Sabina.
"You can see naman na wala na talagang problema. I actually texted Jo-Ann kanina and Ms. Lisa Gokongwei, and also Summit, because talagang big deal sa akin itong award na ito," dagdag pa ni Claudine.
WHAT'S NEXT FOR CLAUDINE? Sumunod na mga tanong naman ni Kris kay Claudine ay tungkol sa kanyang buhay ngayon. Ayon kay Kris, after Iisa Pa Lamang, ay wala pang bagong TV show si Claudine. Nakikita lang siya ngayon sa mga commercials. So, what's next nga ba kay Claudine?
"Well, kasi si Raymart [Santiago, husband ni Claudine] is finishing his soap pa sa kabila, e. So, parang may usapan kami na sana hindi kami sabay na mag-work. Hindi nag-o-overlap. Pag nag-overlap, dapat same day. Iisang taping like M-W-F. Para yung Tuesdays, Thursdays, Saturdays and Sundays, we spend time together. So, ngayon, magwo-work pa rin siya, after his show. But I can start na, parang ganun. Kasi, parang sayang, they [their children Sabina and Santino] grow up so fast and I'm not as blessed as you that you can bring your kids to the set," paliwanag ni Claudine.
Tanong uli ni Kris,"Since you brought up the kids, how did Sab [Sabina] change your life? Kasi parang naiba yung outlook mo sa buhay. So, what did she do to Claudine as a person?"
"I think she is talagang my miracle, my angel, my joy. Without her, hindi namin alam ni Raymart kung ano ang mangyayari sa amin kung wala siya. We became better individuals because of Sabina and naging strong yung foundation ng marriage namin. And hindi pa kasi kami noon, e, I was single pa then, when I adopted her. So, parang I really looked at her as parang she's really the miracle that God gave us. Kasi sabi nila noon matatagalan akong magbuntis. So, when we went to the doctors, sabi nila siguro mga five or ten years pa, ganyan-ganyan. And then, I think that's why it's so easy for us to have Santino because of Sabina."
CLAUDINE AND THE KIDS. "And she opened up your heart to so many others, di ba?" follow up ni Kris.
"Sobra."
"What happened to you during the Christmas season? Kasi I saw you na talagang parang naging open house yung bahay mo. How many kids did you take care of?" tanong ni Kris.
"We took care of ten. Mga three weeks old, mga a month old. Yung pinakamatanda na was two or three months. So, lahat infants pa."
Ano ang nag-udyok sa kanya to do that?
"Because we have a plan to put up an orphanage. Yung mag-partner with another institution para mag-build ng orphanage. Ito talaga yung dream ko before pa. That's why we're thanking God for Sabina. And hindi lang talaga natuloy ngayon kasi mahirap pa. Marami pa talaga akong dapat matutunan.
"Trinay namin and it worked naman. Kaya lang yung orphanage, naging sa bahay namin. And also, we really went to DSWD [Department of Social Welfare and Development] . We really asked for permission para ma-license. Kasi bawal yun, e, if you're not licensed."






kaya kayong mapanira kay clau? kukulamin ko kayo? humanda kayo kikilanin ko mga pangalan nyo d2 humanda kayo kung hindi nyo gusto c claudne hala madali lng yan wag kayo post ng post sa article nya kung nagsasabi lng kayo ng masama wala nga yan ginagawa s inyo c claudine! napaka bait na tao at prangka yan hindi tulad ng idolo nyo ubod ng baboy ang hanggang ngaun hindi pa pinakasalan tumanda na s showbiz! kaya nahgt;gt; if u hate her then stay away from this article because we love claudine so much i am her avid fan since 17 years ago..
bye bye to engel etsapwera na sya dahil sa FMA! LOL!
triathlon kaya nagkikita sila kapag may game sina raymart.
and mali ang transcript ng PEP,claudine naman didn't said sa the buzz na she called or she texted somebody.
if she is now trying to do right, raise her family, help other orphans, then that's all to her credit. she is trying to redeem herself, but it's sticking in some people's craws.
kung bad ka noon, gusto nila bad ka forever. very christian, di ba? kasi if you turn good, magkakasakit sila pag walang maipintas sa iyo.
pero meron isang comment na sabi claudine is all covered up w/ pretension na comparable kay jolie. so may tama din pala si kris kahit papano, in fairness!
si kris, para lang magmukhang she's above everybody else sasabihin kahit walang relevance! tse!
Syempre kung idol nyo si Angel, si angel paniwalaan nyo and vice versa.
Just praise your idol and stop putting down a person just to uplift your idols.
And siya ba gusto ba niya ang binansag sa kanya? si kris lang naman ang nagsabi non eh.
Award, ginusto ba niya yon, fans niya ang nag effort para manalo siya. Sana kung kayo mahal nyo idol nyo, eh di sana nanalo ang idol nyo.