Nung huling makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Hero Angeles ay natanong ito tungkol sa dating ka-love team niyang si Sandara Park. Balita kasi ngayong may ginagawa na itong series sa Korea. May communication pa ba sila?
"Huling usap namin 2005...nandoon pa siya. Noong bumalik siya hindi kami nagkausap."
Nagbunga na raw ang pagpupursige ni Sandara na makapasok sa showbiz sa Korea at may serye na nga raw itong ginagawa. Masasabi na ba niyang masaya siya para rito?
"Ang huli ko kasing napanood sa kanya yung MTV na ginawa niya. Pinapanood sa akin ng kaibigan ko sa YouTube, kaya sabi ko, 'Wow, okey naman pala.' Kung may Korean series siya, good for her kasi, dream niyang talaga at saka siguro, mas ano siya run, mas makakagalaw siya nang maayos. Siyempre rito, iba ang kultura rito. At saka doon, may workshop din doon at ang tagal na rin niyang nagwo-workshop."
Wala na ba siyang bitterness kapag nababanggit si Sandara?
"Siguro mararamdaman ko yun kapag nakita ko siya. Noong huling uwi niya rito, tinext ako ni Melissa Ricks. E, that time, may taping ako, hindi talaga 'ko makakapunta. Then, nag-text ako kay Joseph Bitangcol kung pupunta ba siya? E, may shoot din yata siya noon...so, sabi ko, okey lang din na hindi ako makapunta kasi, may mga trabaho rin kami."
Wala bang regrets na tila nauwi na lang sa wala ang love team nila and even the friendship na nabuo na rin sana noong umpisa?
"Wala... yung noon, nanghinayang ako na nawala agad. Alam ko rin naman na ang love team hindi magtatagal habambuhay, di ba? Kasi, tatanda kayo, e. So, ine-expect ko na pero hindi ganoon kaaga. So, nabigla ako. Parang hindi ako nakapag-adjust agad. Pero yun nga, happy rin ako na nasa GMA ako at nag-start ako ng solo at walang ka-love team."
IMPORTANT ROLE. Masasabing maliit lang ang role na ginagampanan ni Hero sa GMA-7 sine nobelang Paano Ba Ang Mangarap?, pero sa kabila nito, markado pa ring maituturing ang role na ito na unang ginampanan sa original movie version ng namayapang aktor na si Jay Ilagan.
Kahit sa umpisa lang halos lumabas ang character niya, dito naman umikot halos ang mga unang pangyayari at istorya ng show.
"Nakakatakot noong una," simulang pahayag ni Hero sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sabi ko, mapapansin pa ba 'ko? Kasi, noong pinanood mo yung movie, ang eksena agad, naaksidente, patay agad! Siguro, ganoon din sa TV. Pero ini-extend naman nila. So, noong binasa ko siya, okey naman pala.
"December ko nakuha yung script, noong Christmas vacation. Kada-gabi, binabasa at mine-memorize ko yung lines ko. Inisip ko kung ano yung tamang atake sa role. Mabuti na lang si Ate Anne Villegas, acting at voice coach namin, tinuturuan kami kung paano bitawan at iarte yung linya. So, nakakatulong siya. Considering Jay Ilagan na ang gumawa dati. Magaling, e. Magaling ang acting niya."
Hindi naman daw niya kinopya ang paraan ng pag-arte ng namayapang actor.
"Ayokong gayahin, pero, pinagbasehan ko ang character niya, yung ginawa niya. Pero naiba, e. Yung sa movie nga, gaya ng sinabi ko kanina. Nagkapalit kami ni Mark, siya yung happy-go-lucky, ako yung taong opisina at nagtatrabaho para sa pamilya."
AS KAPUSO. Kumusta naman siya bilang Kapuso?






good luck sa new show...
blackdiamond0
206
February 12, 2009
20:43 PM
----
Helllueeer ok ka lang? The fact na nanalo yan sa SCQ meaning may nakita sakanya ang mga judges ng show na yun. Or baka nga palasan sa show na yun kung talagang nanalo xia kahit alam ng mga hurado na patapon xia daaabaaa? ahahahhah
Okay ka Hero! Bongga talaga si Kuya Germs!
buti na lng may second chance ka pa!! pasalamat ka kay kuya germs at sa gma!!!
sayang ka talaga noon hero, inaway mo pa si cristy fermin, di natsugi career mo!!!!
akosialguwas
February 12, 2009
15:02 PM
malamang pinatanggol lng ng kuya nya si hero kya gnun. kaw na mkita mo kapatid mo binabastos tignan ntin kung hindi ka lalaban.. yun lng logic dun... ABS kse pag di mkukuha ang gs2 sa mga talent gnun nila siraan akala nila kapag artista nila pati buhay nito sa knila na.
=========================================
korek ka diyan mare/pare oh kung sino ka man. Wala namang magtatanggol sayong iba kundi pamilya mo eh. Talagang sinoportahan lang siya ng kapatid niya. Wala namang masama don. Ganyan lang iho, stay humble and kind at patuloy kang pagpapalain ng maykapal. Atleast tong taong toh alam niya kung san siya lulugar at hindi naghahangad ng sobra-sobra. And I'm sure hindi siya bading. Grabeh naman yong ibang tao dito, wala na lang sigurong masabing matino. Gudlak na lang sayo Hero!!!