E, paano naman kung intimate scenes with another male actor?
"Yun ang hindi ko pa alam, titingnan ko sa script, depende sa script."
Paano kung si Mark Herras ang gaganap na lover niya?
"Baka maging comedy yun, tiyak na magtatawanan kami palagi," tumatawang sinabi pa ni Hero.
Kung siya ang papipiliin ng aktor na makakatrabaho sa isang gay movie, sino kaya ang pipiliin niyang makaeksena?
"Hindi ko masabi, e! Siguro kung... hindi ko masabi, kung sino man yung ibibigay na kaeksena, if ever."
Pero papayag siya na gumanap sa ganung tema o kuwento?
"Kung sa TV siguro, hindi ko pa kaya."
Pero kung sa movie, gagawin kaya niya?
"Depende sa script, sa istorya," sagot ng former Kapamilya actor.
SHOWBIZ CRUSHES. PEP asked Hero about his showbiz crushes.
"Si Nadine Samonte, nagagandahan ako sa kanya. At sina LJ Reyes at si Iza Calzado," masiglang sagot ni Hero.
Gusto ni Hero na mabigyan ng chance na makatrabaho si Iza.
"Kapag nakikita ko siya, kapag nagge-guest siya sa Walang Tulugan, nagagandahan ako talaga sa kanya. At mahusay siyang artista.
"At yun pa ang ano ko, na gusto kong magkaroon ng parang malalim na story 'tapos gusto ko siyang makatrabaho.






sobrang favorite ko tong si hero nung nasa SCQ pa sya... kase ang cute ng tandem nila ni sandara kaya lang bigla na lang sya nawala... I dunno kung ano na nga ba ang nangyari...pero at least nakabawi ka kahit pano.
Wag mo na lang intindihin yung mga nega sau.. just keep yourself grounded, bihira lang ang me second chances.
Good luck sa mga susunod pang programs mo.
madami parin syang fans compare to lugaw...
improve mo lang chest mo....lols
Let's hope that GMA7 with all the efforts of kuya germs behind you, ultimately help you become a Champion.
buena suerte!