The poster of Temptation Island, which starred Dina Bonnevie. Regal Entertainment plans to remake this 1980 film directed by the late Joey Gosengfiao.

Dalawang early '80s classic ng Regal Films ang napabalitang gagawing serye ng ABS-CBN na parehong pinagbibidahan noon ni Dina Bonnevie—Underage at Temptation Island.

Sa Temptation Island (1980), na idinirehe ng yumaong ai Joey Gosiengfiao, na-introduce si Dina na kapapanalo pa lang noon as first runner-up sa Miss Magnolia; kasabayan nina Azenith Briones (Miss Photogenic, Mutya ng Pilipinas), Jennifer Cortez (Bb. Pilipinas-Universe 1978) at Bambi Arambulo (Bb. Pilipinas-Maja 1978). Ang panglima ay si Deborah Sun.

Sa Underage (1980) naman ipinakilala muli sina Maricel Soriano at Snooky bilang teenagers dahil nagsimula ang dalawa na child stars.

Matutuloy na ang Underage at na-announce na ang cast that included Maja Salvador, Melissa Ricks, Lauren Young, Rafael Rosell, Matt Evans, among others.

Pero hindi ang Temptation Island na may initial cast list na rin sa pangunguna ni Niña Jose. Binawi kasi ng Regal sa ABS-CBN ang rights nito.

"Because we're making a remake," paliwanag ni Mr. Roselle Monteverde-Teo sa text message niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Mild hit ang Temptation Island nang ipinalabas ito sa mga sinehan. Ngunit dahil na rin sa campiness ng pelikula—na tungkol sa limang babaeng lumalaban sa isang beauty contest ang na-stranded sa isang island kasama ng iba pa at nagtapos sa cannibalism bago sila na-save—ay nagkaroon ito ng cult status.

From movie, tumalon din ang Temptation Island sa stage nang ginawan ito ng parody sa pamamagitan ng isang musical, kung saan mga bakla ang nagsiganap na beauty queen. Si Chris Martinez, ang writer ng Zsazsa Zaturnnah Ze Musical, ang nagsulat at nagdirek ng nasabing musical play.

Dagdag ni Roselle sa aming text exchange, si Chris din ang naatasang sumulat ng screenplay ng remake ngunit wala pang director at cast.

Nagpapasalamat din si Roselle na hindi naging problema sa ABS-CBN ang pagbawi ng Regal sa rights ng pelikula.

"Maayos sila [ABS], sinabi lang naming we're doing a remake, binalik nila agad sa amin without question," sabi ng anak ni Mother Lily Monteverde.