| Register

Annabelle Rama on Wilma Galvante: "Ang pumatol sa akin, sira-ulo! Biro mo, taas ng posisyon mo, papatol ka sa akin?"


"Tine-text ko lang siya ng masama na alam ko. Ang kapal naman ng mukha ng isang tao kung hindi pa masasaktan sa mga texts ko! Pero walang kasamang mura. Uulitin ko ang text ko, habang nasa loob ng kuwarto ni Wilma si JC dahil sabi nga ng alalay, nandoon pa sa loob. So, sabi ko sa kanya, 'Hayop ka, traydor ka! Nanunulot ka na naman ng talent! Palagi mo na lang ginagawa sa akin 'yan!' Sabi ko sa kanya, 'Makakarma ka at gagantihan kita.' So, walang mura run," explains Annabelle Rama about her text message to Ms. Wilma Galvante (inset).

Annabelle Rama on Wilma Galvante: "Ang pumatol sa akin, sira-ulo! Biro mo, taas ng posisyon mo, papatol ka sa akin?"

Rose Garcia

Rating

  • Bookmark and Share

"Wala pang offer," sagot niya. "Noong nagkagulo na kami, yun na ang offer. Pero hindi pa ako makasagot. Kasi, ganito ang nangyari diyan, noong in-offer nila ang panghapon, sinabi ko na ayoko ng panghapon dahil galing si Heart sa primetime. Sabi ko, 'Ano ang gagawin ni Heart sa hapon?' Sabi nila, Sine Novela. Sabi ko, 'Di ba, Sine Novela, sine yun?' Sabi nila, 'Hindi, pang-hapon yun!' Ang alam ko talaga, ang Sine Novela, sine yun! Noong pumirma, akala ko sine yun, yun pala panghapon! Wala namang ini-explain si Wilma na panghapon, akala ko talaga, Sine Novela, sine! Hindi naman sinabing afternoon soap! So, wala kaming magagawa, talagang gagawin ni Heart ang isang afternoon soap dahil nasa kontrata talaga yun.

 

"Pero yung in-offer nilang Muling Buksan ang Puso, yun ang tinanggihan namin, baka bibigyan siya ng bagong soap. Yung sa kontrata rin ni Heart, Koreanovela, kaso hindi pa ayos kaya bibigyan muna siya ng iba. Pero ayos na sila. Naayos na ang problema nila. Si JC na lang ang natira."

 

MARVIN AGUSTIN. Nilinaw rin ni Annabelle na hindi si Marvin Agustin ang inaayawan niya sa Obra kundi yung role na hindi babagay rito.

 

"Eh, katulad nga noong movie nina Richard at KC, ipinapasok niya [Wilma] si Marvin Agustin!  Hindi bagay! Paano naman magiging kapani-paniwala na magugustuhan ni KC si Marvin at pagseselosan ni Richard? Kaya sabi ko, hindi bagay. Noong si Alfred Vargas yung inilagay, umangal ba ko? Hindi! Bagay sa kanya, wala naman akong kinikita kay Alfred, hindi ko naman alaga yun.     

 

"Yung sa Obra, yung sa role kay JC ang inayawan ko. E, mabuti pa ang iba diyan binibigyan ng lead roles, kahit wala pa naman. E, si JC, six years na diyan. Yung iba, binibigyan ng lead role kahit wala namang ratings," saad ni Annabelle.

 

Sa palagay kaya ni Annabelle ay maaayos pa ang gusot na nangyayari ngayon kay JC?

 

"Sa tingin ko, kasi ibang klaseng kausap si Atty. Gozon. Bakit kami nanatili sa GMA ni Richard? Hindi naman dahil 'yan kay Wilma. Kasi, gusto niya kaming mag-renew noon, diniretsa ko siya, e. Ayaw ko nang mag-renew ng contract. Noong nakausap ko si Atty.  Gozon, na matinong kausap, doon ako nag-renew ulit."

 

May posibilidad ba na lumipat si Richard sa ABS-CBN kapag natapos na ang contract nito sa GMA-7?

 

"Malayo pa 'yan! 2010 pa ang contract niya, 'day! Huwag na muna nating pag-usapan 'yan," iwas ni Annabelle.

 

Kinumpirma naman ni Annabelle na may susunod nang pelikula si Richard at napag-usapan na raw yun nila ni Ms. Annette. Pero aniya, secret muna raw ito.

 

Pero base sa nakalap na impormasyon ng PEP, malamang na ang next movie project ni Richard ay ang pagtatambalan nila ni Sarah Geronimo, na co-production ng Viva Films at GMA Films.

 

Kinumpirma rin ni Annabelle na matutuloy ang second movie niya sa Regal Entertainment. Yun nga lang, hindi na raw ito sequel ng Monster Mom. Hindi pa raw niya alam ang mga detalye, pero malamang na pang-Mother's Day presentation daw ito ng Regal. Makakasama raw niya at gaganap na mga anak niya sina Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez, at Carmina Villarroel, na mga bida noon sa 13, 14, 15.

 



Pages: « Prev  1  2  3  


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
943 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7    8    9    10    11    12    13    14    15    16    17    18    19    20    21    22    23    24   
pagelocation: news

Advertisement