Marami ang gustong makapag-interview sa controversial talent manager na si Annabelle Rama simula nang maglabasan ang mga isyu tungkol sa mga alaga niyang sina Heart Evangelista at JC de Vera, at sa panibagong alitan nila ng GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante.
Nang makausap ng entertainment press si Annabelle sa victory party ng When I Met U, pelikula ng anak niyang si Richard Gutierrez kasama si KC Concepcion, noong Huwebes, February 26, ay hindi gaanong nagsalita si Annabelle. Aniya, magpapa-presscon daw siya ng sarili niya para sagutin ang lahat ng gustong itanong sa kanya.
Tinotoo ni Annabelle ang sinabi niya dahil kinabukasan, Feb. 27, ay nagpatawag siya ng presscon sa Dulcinea restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.
Diretsong sinabi ni Annabelle na itanong na raw sa kanya lahat dahil sa presscon lang na yun siya magsasalita.
"Lahat ng questions, itanong n'yo na sa akin. Wala ng ibang pagkakataon na masagot ko kayong lahat. Wala nang ibang presscon, ito lang ang presscon," aniya.
RENEWAL OF CONTRACT. Suportado at naiintindihan naman daw siya ng kanyang pamilya, lalo nang kanyang mga anak, dahil alam naman daw ng mga ito na tama lang ang ipinaglalaban niya.
"Siyempre, sinu-support nila ako dahil alam naman nilang lahat ng ginagawa ko tama," sabi ni Annabelle. "Bibigyan ka ng sulat ng lawyer, siyempre, sasagutin mo. Hindi naman puwedeng basta nila ako susulat-sulatan, tatakut-takutin ako. Kasi yung sulat ng lawyer ng GMA, panakot yun! Katulad ng sulat nila kay JC, panakot yun!
"Gusto nila kaming mag-renew ulit, puwes, magpakabait naman kayo! Hindi naman puwede yung basta i-harras-harass yung bata. Hindi yung dadaanin sa takot. Puwede namang idaan sa magandang usapan, hindi yung takutan!"
Patuloy ni Annabelle, "Sabi nila, 'eto sasagutin ko 'to ha, kaya ko raw gustong alisin si JC sa GMA dahil natatakot daw ako for Richard. Dahil sumisikat daw si JC. Hindi! Ibang talent si Richard, ibang talent si JC. Kung sumikat si JC, good for me... Richard, good for me! At saka good for GMA dahil dumarami ang kanilang sikat na artista. Hindi yung mga trying hard, gustong sumikat, wala namang rating!
"At least ako, tatlong alaga ko, puro mga top-rater. Kaya ako nagtatampo sa kanila, walang suporta ang GMA sa mga alaga ko. Parang hindi pa nila ikinakatuwa na nagna-number one. Hindi nakikita nina JC at Heart na nag-e-enjoy ang GMA sa ginagawa nila.
"Parang nakakasakit na sinabi ni Wilma sa nanay ni Heart na kaya nag-number one ang Luna Mystika dahil inaabangan ng masa ang fantaserye ng GMA. Sabi ng nanay, 'Ibig sabihin, yung pagod ni Heart na pagpapalit ng mukha dahil sa prosthetic, na-hospital pa, hindi man lang nila na-appreciate? Wala man lang credits?' So, matutuwa ka ba? Kaya ako nagwawala dahil sa mga alaga ko. Hindi ako nagwawala dahil naiinis ako," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.
May offer na ba ang ABS-CBN kay JC?
"Wala namang offer ang ABS," sagot ni Annabelle. "Wala naman akong kausap pa sa ABS kundi si Alfie [Lorenzo] lang. May offer siya sa akin, yung Juday [Judy Ann Santos]."
Ayon naman kay Tito Alfie, may nag-aabang na raw kay JC sa Kapamilya?
"E, di maganda, good for JC! Si JC, mabait na bata, magaling na artista! Masipag na bata."






Para lahat naman kasi meron siang gusot.What's with Ms.Galvante?Me favoritism din sia? I thought ung position nia eh hindi dapat bias.I wonder kaya parang napapansin ko din na parang me mali sa paghandle ng mga talents nila.Me mga experimentong very predictable naman ang result na alam mong hindi kakagatin ng mass.
Naku.maling comparison po.Hindi Ms.Charo vs. Ms.Wilma. It should be Ms.Charo and Mr.Gozon. Ewan ko lang kung sino ang counterpart ni Wilma sa ABS. Ano na nga ba position ni Mr.M sa ABS?
quantum_of_so
lis
March 2, 2009
10:55 AM
COnsidering na si anabil ang nagsasalita, for me hindi mura yun kasi normal na sa kanya yun...
Parang kung si marian ang magsasalita, hindi na ako magtataka dun kasi normal na nila yun...lols
Sugod mga marianknights!!!!hahahha
LMAO!!!!
rhobby33
March 2, 2009
10:47 AM
Hayop ka, traydor ka! Nanunulot ka na naman ng talent! Palagi mo na lang ginagawa sa akin 'yan!; sabi ni annabelle. di ba considered as mura ang word na hayop? it's still a bad word.
______________________________________
COnsidering na si anabil ang nagsasalita, for me hindi mura yun kasi normal na sa kanya yun...
Parang kung si marian ang magsasalita, hindi na ako magtataka dun kasi normal na nila yun...lols
Sugod mga marianknights!!!!hahahha
may smiley face pa nga daw...lols
pero i think wla naman talagang masama sa ginawa ni bisaya...
may conflict lang talaga sa kanilang mga idea...
for the case of anabil, she just want to protect her talent at have higher commission...
for wilma naman, is for the sake of network,,,pero pansion ko lang,,,medyo may hindi maganda sa ginawa na wilma,,,kasi dinaan agad nya sa lawyer which is pwedi naman pag usapan tapos kung sya ang may pinag aralan, dapat sya ang umunawa...lols
peace..
apir...