Marami ang gustong makapag-interview sa controversial talent manager na si Annabelle Rama simula nang maglabasan ang mga isyu tungkol sa mga alaga niyang sina Heart Evangelista at JC de Vera, at sa panibagong alitan nila ng GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante.
Nang makausap ng entertainment press si Annabelle sa victory party ng When I Met U, pelikula ng anak niyang si Richard Gutierrez kasama si KC Concepcion, noong Huwebes, February 26, ay hindi gaanong nagsalita si Annabelle. Aniya, magpapa-presscon daw siya ng sarili niya para sagutin ang lahat ng gustong itanong sa kanya.
Tinotoo ni Annabelle ang sinabi niya dahil kinabukasan, Feb. 27, ay nagpatawag siya ng presscon sa Dulcinea restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.
Diretsong sinabi ni Annabelle na itanong na raw sa kanya lahat dahil sa presscon lang na yun siya magsasalita.
"Lahat ng questions, itanong n'yo na sa akin. Wala ng ibang pagkakataon na masagot ko kayong lahat. Wala nang ibang presscon, ito lang ang presscon," aniya.
RENEWAL OF CONTRACT. Suportado at naiintindihan naman daw siya ng kanyang pamilya, lalo nang kanyang mga anak, dahil alam naman daw ng mga ito na tama lang ang ipinaglalaban niya.
"Siyempre, sinu-support nila ako dahil alam naman nilang lahat ng ginagawa ko tama," sabi ni Annabelle. "Bibigyan ka ng sulat ng lawyer, siyempre, sasagutin mo. Hindi naman puwedeng basta nila ako susulat-sulatan, tatakut-takutin ako. Kasi yung sulat ng lawyer ng GMA, panakot yun! Katulad ng sulat nila kay JC, panakot yun!
"Gusto nila kaming mag-renew ulit, puwes, magpakabait naman kayo! Hindi naman puwede yung basta i-harras-harass yung bata. Hindi yung dadaanin sa takot. Puwede namang idaan sa magandang usapan, hindi yung takutan!"
Patuloy ni Annabelle, "Sabi nila, 'eto sasagutin ko 'to ha, kaya ko raw gustong alisin si JC sa GMA dahil natatakot daw ako for Richard. Dahil sumisikat daw si JC. Hindi! Ibang talent si Richard, ibang talent si JC. Kung sumikat si JC, good for me... Richard, good for me! At saka good for GMA dahil dumarami ang kanilang sikat na artista. Hindi yung mga trying hard, gustong sumikat, wala namang rating!
"At least ako, tatlong alaga ko, puro mga top-rater. Kaya ako nagtatampo sa kanila, walang suporta ang GMA sa mga alaga ko. Parang hindi pa nila ikinakatuwa na nagna-number one. Hindi nakikita nina JC at Heart na nag-e-enjoy ang GMA sa ginagawa nila.
"Parang nakakasakit na sinabi ni Wilma sa nanay ni Heart na kaya nag-number one ang Luna Mystika dahil inaabangan ng masa ang fantaserye ng GMA. Sabi ng nanay, 'Ibig sabihin, yung pagod ni Heart na pagpapalit ng mukha dahil sa prosthetic, na-hospital pa, hindi man lang nila na-appreciate? Wala man lang credits?' So, matutuwa ka ba? Kaya ako nagwawala dahil sa mga alaga ko. Hindi ako nagwawala dahil naiinis ako," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.
May offer na ba ang ABS-CBN kay JC?
"Wala namang offer ang ABS," sagot ni Annabelle. "Wala naman akong kausap pa sa ABS kundi si Alfie [Lorenzo] lang. May offer siya sa akin, yung Juday [Judy Ann Santos]."
Ayon naman kay Tito Alfie, may nag-aabang na raw kay JC sa Kapamilya?
"E, di maganda, good for JC! Si JC, mabait na bata, magaling na artista! Masipag na bata."






To those who bash the networks GMA and ABS, you also display a sheer sense of ignorance, if not sheer idiocy. These two networks are businesses, and they exists to make money. To say that one Network is morally superior to the other is pure garbage. You are blind loyalists who cannot think for yourselves, and you rely on gossips and heresays, and you parrot what other people say, on both side of the isle, I must add.
Get yourselves a brain for a change, will ya? Blind loyalty will get you nowhere... just look at the followers of Hitler or any other authoritarian dictators. A mind indeed is a terrible thing to waste. Go get yourself educated for chrissake's!
un ay ayon sa mga observations ko sa mga balita and the NEWS.
warfreak04
March 5, 2009
12:02 PM .....basta siyete wala kang maasahan kc ang gulo ng mga execs jan pati mga managers eh papnu ba nman mga unprofessional kya ganyan ang nangyayari...bat di cla gumaya sa dos na hndi ka makakarinig ng mga ganyang balita!!!! GO ABS!!! bsta anabel wag ilipat c jc sa dos dhil di xa klngan dun noh!!!!
--------
kaya pala distorted ang palabas sa abs-cbn, very professional sila...
hindi mo lang alam na magaling magtago ng baho ng mga artista nila ang abs cbn, ang asawa mismo ng vice president nila na kaofficemate ko ang nagkkwento kung pano nila tinatao ang mga baho ng mga artista nila, like, piolo p. john lloyd cruz, sam milby, at marami pa kaya wag mo husgahan ang gma, kaya hindi lumalabas sa media dahil nagbabayad sila sa mga ito.
i guess hindi sila bagay. hindi kasi marunong umarte si richard. puro pacute kaya tuloy hindi padin napapansin acting career nya after how many yrs in showbiz na.
pero ok na din na kunin si sarah as his leading lady para naman magkaroon ng blockbuster movie ang gma films.
lol
whatever will be, we'll support you sarah
may clean up per night?