Marami ang gustong makapag-interview sa controversial talent manager na si Annabelle Rama simula nang maglabasan ang mga isyu tungkol sa mga alaga niyang sina Heart Evangelista at JC de Vera, at sa panibagong alitan nila ng GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante.
Nang makausap ng entertainment press si Annabelle sa victory party ng When I Met U, pelikula ng anak niyang si Richard Gutierrez kasama si KC Concepcion, noong Huwebes, February 26, ay hindi gaanong nagsalita si Annabelle. Aniya, magpapa-presscon daw siya ng sarili niya para sagutin ang lahat ng gustong itanong sa kanya.
Tinotoo ni Annabelle ang sinabi niya dahil kinabukasan, Feb. 27, ay nagpatawag siya ng presscon sa Dulcinea restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.
Diretsong sinabi ni Annabelle na itanong na raw sa kanya lahat dahil sa presscon lang na yun siya magsasalita.
"Lahat ng questions, itanong n'yo na sa akin. Wala ng ibang pagkakataon na masagot ko kayong lahat. Wala nang ibang presscon, ito lang ang presscon," aniya.
RENEWAL OF CONTRACT. Suportado at naiintindihan naman daw siya ng kanyang pamilya, lalo nang kanyang mga anak, dahil alam naman daw ng mga ito na tama lang ang ipinaglalaban niya.
"Siyempre, sinu-support nila ako dahil alam naman nilang lahat ng ginagawa ko tama," sabi ni Annabelle. "Bibigyan ka ng sulat ng lawyer, siyempre, sasagutin mo. Hindi naman puwedeng basta nila ako susulat-sulatan, tatakut-takutin ako. Kasi yung sulat ng lawyer ng GMA, panakot yun! Katulad ng sulat nila kay JC, panakot yun!
"Gusto nila kaming mag-renew ulit, puwes, magpakabait naman kayo! Hindi naman puwede yung basta i-harras-harass yung bata. Hindi yung dadaanin sa takot. Puwede namang idaan sa magandang usapan, hindi yung takutan!"
Patuloy ni Annabelle, "Sabi nila, 'eto sasagutin ko 'to ha, kaya ko raw gustong alisin si JC sa GMA dahil natatakot daw ako for Richard. Dahil sumisikat daw si JC. Hindi! Ibang talent si Richard, ibang talent si JC. Kung sumikat si JC, good for me... Richard, good for me! At saka good for GMA dahil dumarami ang kanilang sikat na artista. Hindi yung mga trying hard, gustong sumikat, wala namang rating!
"At least ako, tatlong alaga ko, puro mga top-rater. Kaya ako nagtatampo sa kanila, walang suporta ang GMA sa mga alaga ko. Parang hindi pa nila ikinakatuwa na nagna-number one. Hindi nakikita nina JC at Heart na nag-e-enjoy ang GMA sa ginagawa nila.
"Parang nakakasakit na sinabi ni Wilma sa nanay ni Heart na kaya nag-number one ang Luna Mystika dahil inaabangan ng masa ang fantaserye ng GMA. Sabi ng nanay, 'Ibig sabihin, yung pagod ni Heart na pagpapalit ng mukha dahil sa prosthetic, na-hospital pa, hindi man lang nila na-appreciate? Wala man lang credits?' So, matutuwa ka ba? Kaya ako nagwawala dahil sa mga alaga ko. Hindi ako nagwawala dahil naiinis ako," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.
May offer na ba ang ABS-CBN kay JC?
"Wala namang offer ang ABS," sagot ni Annabelle. "Wala naman akong kausap pa sa ABS kundi si Alfie [Lorenzo] lang. May offer siya sa akin, yung Juday [Judy Ann Santos]."
Ayon naman kay Tito Alfie, may nag-aabang na raw kay JC sa Kapamilya?
"E, di maganda, good for JC! Si JC, mabait na bata, magaling na artista! Masipag na bata."






in her fiery reply to gma, ang mga reklamo ni annabelle were---heart should not do an afternoon soap in a mature role, heart was supposed to do a soap na napunta sa iba, heart was working overtime w/ no pay.
not one of those complaints was settled in annabelle's favor.
so tama siya. ang pumatol sa kanya, sira-ulo. take note, all talents, producers, networks, managers, negotiators.
For all we know wala namang offer and ABS as alaga ni bisaya at ayaw nilang makipag deal kay Matabil Rama. And for all we know wala ding offer ang GMA kay Juday dahil ayaw makipag-deal kay Alfie.
KAwawang mga talents ang babait pa naman pero puro masasama ang mga managers nila.
Tinanggihan ang Rosalinda na leading role for JC and then afternoon soap pero bibigyan ng out od town projectat Japan work. Ano ang ibig sabihin nito?
e di ikaw mismo ang nagpoapabagsak sa career ni JC at hindi ang GMA
Akala nya super million si Ylmas di pala.
Pull-out mo na mga alaga mo lahat lahat pati na sarili mo sa GMA. ayaw namin ang sira ulo na kapuso na walang puso... layassss wag ng tagalan. Tignan ko lang kong kikita ka pa samga alaga mo sa kabila. Anong walang support ang GMA sa mga alaga mo... having a project ay isang malaking support na. D ka kc tumitingin sa mga nangyayari ang importante sa u ay komisyon mo. layasssss ka sa GMA.
masyado ka namang magsalita. Ikaw ba gaanu ka organized ang buhay mo . sigi nga tanung mo yan sa sarili mo.
unahin mo muna organized bahay mo bago ka mag salita. pati ugali mo organize mo na rin. ok !
A ewan bakit? ayaw pa kasing pakawalan ng GMA ang bulldog na'to puede naman silang humanap ng kapalit ni Richard...