Sa pelikulang Tuli noon, nagpakita na ng kaunting pagpapaseksi si Carlo Aquino.
"Wala, love scene lang yun," reaksyon ni Carlo nang nabanggit sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang eksenang iyon sa Tuli. Bakit hindi na iyon nasundan? Dahil ayaw ba niyang maghubad sa harap ng kamera?
"Hindi ko alam, e. Hindi naman ako nagsasalita ng tapos, pero ewan ko, hindi pa naman dumarating sa akin na may nag-offer na, 'O, kaya mo ba 'to pero sobrang ganda ng role?' ganyan-ganyan. Wala pang dumarating."
Hanggang saan ba ang kaya niya kung pagpapaseksi ang pag-uusapan?
"Hindi ko alam, e, hindi ko iniisip."
Handa ba siya kung sakali sa butt exposure?
"Puwede siguro. Maaari... maaari, baka sakali."
Kung pelikulang pang-award pero may frontal nudity siya kaya?
"Baka hindi...baka hindi," nag-iisip pang sagot ng binata.
Sa indie films lalo na yung may mga temang kabaklaan, may mga eksenang man-to-man love scene, puwede ba siya sa ganoon? Yun tipong mala-Brokeback Mountain, at tipong mano-nominate siya?
"'Yan, depende talaga sa ganda dapat ng istorya. Baka...oo. Oo. Basta maganda. At yung sigurado ako na mananalo ako! Ha-ha-ha! Ah wala bang ganun?
"O, sige. Kahit hanggang nomination muna, oo," tumatawang reaksyon pa ni Carlo.
Dapat din daw na mahusay ang direktor bago siya mapaisip na mapapapayag sa ganung klase ng pelikula.
SEXY PICTORIAL. Ibinida rin ni Carlo na may "sexy pictorial" siya. Hindi niya nga lang maipakita sa amin dahil hindi niya dala ang kanyang i-Pod kunsaan naka-save ang mga photos.
"Meron ako. Pero half lang, hanggang dito lang [sa may bandang itaas ng private part niya], ano lang yun, sa akin lang, for personal use. Naka-pants ako na binaba ko.
Sino naman ang kumuha ng sexy pictorial niya?
"May friend ako, si Jojit Lorenzo. Photographer and stage actor siya na lalaki. Siya yung unano sa Dyosa. Siya ang kumuha."
Ipinagmalaki rin ni Carlo na nagwo-workout siya ngayon para gumanda't magkahugis ang katawan niya. Wala ba siyang balak na isapubliko ang mga sexy photos niya?
"Ah wala lang, parang...ewan ko."
Paniniguro pa ni Carlo, sila lang daw dalawa ng photographer ang may kopya ng mga larawan. Pero paano kung mag-leak ito sa Internet at kumalat?
"Okey lang, hindi naman malaswang tingnan, kasi nilagyan niya ng... Basta ang ganda ng pagkakagawa, e. Nilagyan niya ng... nakita ba ninyo yung Equus ni Daniele Radcliffe [of Harry Potter fame]? Parang ganun.
"May water... pero yung sa kanya kasi todo nude, e. Yung sa akin hindi hanggang dito lang [sa may lower part] 'tapos naka-side ako, 'tapos naka-pose ako."
Bakit niya naisipang magpalitrato ng daring?
"Wala lang, napag-trip-an lang namin. Kasi nagpi-pictorial kami nun for Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. E, nagbibihis ako, 'tapos sabi niya [Jojit] 'O, putok na 'yang katawan mo, ah! Gusto mong mag-pictorial tayo?' Sabi ko, sige."
Kaharap sa biglaang sexy pictorial ni Carlo sina Serena Dalrymple at Alwyn Uytingco na kasama rin sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.
Gaano katagal na bang nagbubuhat o nagdyi-gym si Carlo?
"Ah, matagal na pero ngayon lang talaga ako nagseryoso, siguro magti-three months na."
Preparation ba ito for a more daring Carlo Aquino?
"Hindi naman. Kasi forever nang ganun yung katawan ko, na payat 'tapos yung mukha ko hindi nagbabago, so para maiba naman, naisip kong kailangan kong magpalaki ng katawan nang konti."
Wala pang offer kay Carlo, pero tatanggapin ba niya kapag may nag-alok sa kanya ng underwear endorsement?
"Hindi ko alam. 'Tapos may mga billboard-billboard? Hindi ko kasi nakikita yung sarili ko na ganun pero... hindi ko alam, hindi ko alam."
Kung sakaling mangyari yun, tila susunod na rin sa yapak ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban si Carlo. Angelica models the undies of Bench.
"Na-pressure dahil kay Angel, e, 'noh! Ha-ha-ha! Hindi ko ano, e... Sige na nga! Ha! Ha! Ha! Hindi... hindi ko talaga alam, e, pero baka sakali. I'm not saying no. Baka..." pinag-iisipan pang pahayag ni Carlo.
Si Carlo ang gumaganap na kontrabidang si Phil sa Sine Novela Presents Dapat Ka Bang Mahalin? nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na napapanood sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.
Sa film version nito noon, si Rez Cortez ang original na gumanap sa papel ngayon ni Carlo sa telebisyon.
