PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Does Say Alonzo really use Sam Milby for publicity?

Say expressed her admiration of Dapat Ka Bang Mahalin? co-star Kris Bernal.
by Rose Garcia
Published Mar 1, 2009
"Siyempre, hindi okey sa akin. Lalo na kapag sinasabing I'm using him. Kanino ba naman okey yung masabihan kang nanggagamit ka ng ibang tao? Ang masasabi ko lang, nandito na 'ko sa GMA-7, so, paano ko pa siya gagamitin dito?" Say Alonzo says in self-defense about talks that she always uses Sam Milby for her own publicity.

Ayaw na sanang magkomento pa ni Say Alonzo tungkol sa pagdalaw ni Sam Milby sa Lalola, ang nakaraan niyang show. Pero ang isyung ito ang siya pa ring kinukumusta ng entertainment press nang makausap si Say sa presscon ng bago niyang series, ang Sine Nobelang Dapat Ka Bang Mahalin? na magsisimula nang mapanood bukas, March 2.

"Okey na kami. Tumawag siya sa akin. That morning, nag-usap kami. Nag-text siya sa akin na, 'bati na tayo, please...' 'Tapos, sabi ko, 'Ayoko nga!' Tapos sabi niya, 'Bati na tayo, please?' 'Tapos sabi ko, 'sige na nga!' 'Tapos, yun na!," nakangiting kuwento ni Say.

Nagkaroon na rin daw ng chance na magkita sila.

"Nagkita na kami, last week. Nag-Rock Band [video game] kami sa bahay nila. Kasama ko si Uma Khouny, si LJ Reyes at saka si Chariz Solomon. Sila ni Uma, okey na rin sila."

Puwedeng sabihin na forgiving talaga sila kay Sam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sanay na kami sa kanya," natatawang sagot naman ni Say. "At saka, sa mga barkada naman, di ba, nagkakatampuhan? Siyempre, kung hindi kayo true friends, friendship over. Pero kung true friends kayo, napo-forgive n'yo yung ginawa n'yo. Siyempre, ayos na!"

Sinasabing sa lahat daw sa kanilang magkakaibigan, siya talaga ang lumalabas na palaging gumagamit daw kay Sam kapag may isyu. Ayon kay Say, isang bagay raw yun na ever since, hindi okey sa kanya, pero, tila tanggap na rin nga niya na ganoon ang nagiging impression ng iba sa kanya.

"Siyempre, hindi okey sa akin. Lalo na kapag sinasabing I'm using him. Kanino ba naman okey yung masabihan kang nanggagamit ka ng ibang tao? Ang masasabi ko lang, nandito na 'ko sa GMA-7, so, paano ko pa siya gagamitin dito?

"Yung manager ko ang reason at GMA kung bakit ako may project. Hindi dahil sa mga publicity because of him, di ba? Kahit naman you have publicity every day, but if the network doesn't wanna give you, then, they will not gonna give it to you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, masaya raw siya bilang Kapuso.

"Sobra!" nakangiti niyang sabi.

HER ROLE IN NEW SHOW. Ayon kay Say, isa sa mga add-on character ang role niya sa Dapat Ka Bang Mahalin?.

"Ako si Anina rito. Girlfriend ako ni Carlo Aquino rito na pine-pester ko si Myrna, which is, si Kris Bernal nga. Kasi baduy siya, ako naman, rich-rich."

Kontrabida raw siya rito, which she likes portraying.

"I love it! Gustung-gusto ko 'to. Sana mahaba yung role, hindi lang sa umpisa, sana hanggang sa matapos ang soap. Kasi, maganda talaga yung role. Makikipagsabunutan ako and everything kay Kris. As in, kakawawain ko talaga siya rito. At sana, yung mga fans niya won't hate me."

KRIS AND ALJUR. Napasama siya sa launching nga nina Kris at Aljur Abrenica sa telebisyon. Sa nakikita niya sa dalawa, would she say na deserving na ngang bigyan ng GMA-7 ang mga ito ng isang show na tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin? na sila ang mga bida?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I think, deserving sila! Three tapings na or two tapings na nakasama ko sila, alam n'yo, grabe, seryoso talaga silang magtrabaho! Nag-e-emote na sila practice pa lang, rehearsal pa lang, umiiyak na si Kris."

Dugtong pa niya, "Nakakakuha tuloy ako ng mga pointers sa kanya. And you know what? She's younger than me. I think, mas bago pa siya. Pero nakakakuha ako ng pointers sa kanya kung paano mag-emote. Alam n'yo naman na hindi naman ako dramatic actress, di ba? Pero, nakakakuha ako ng pointers na magagamit ko in the future. Pati kay Ara Mina, who is sobrang bait. E, ang dami pa naman naming eksena together."

Read Next
Read More Stories About
Say Alonzo, Sam Milby
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siyempre, hindi okey sa akin. Lalo na kapag sinasabing I'm using him. Kanino ba naman okey yung masabihan kang nanggagamit ka ng ibang tao? Ang masasabi ko lang, nandito na 'ko sa GMA-7, so, paano ko pa siya gagamitin dito?" Say Alonzo says in self-defense about talks that she always uses Sam Milby for her own publicity.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results