Jomari Yllana confirms breakup with Pops Fernandez

Rey Pumaloy
Tuesday, March 03, 2009 @ 04:51PM  |  124 views

"First time itong nangyari sa amin, e. Yung una, cool off lang. Sandali lang yun, nagkaayos uli kami. Pero ito kasi, may usapan na," says Jomari Yllana about his breakup with girlfriend Pops Fernandez.

Photo By: Noel Orsal













May lungkot man sa nangyayari ngayon sa lovelife niya, nakukuha pang magbiro ng aktor. Nang tanungin namin kung madalas ba silang mag-clash noon ni Pops, mabilis siyang tumanggi at nagsalita ng: "Ano 'yan, Clash of the Titans?" natatawang punchline ni Jomari.

FIRST TIME. Hanggang noong mga sandaling kausap namin sa telepono si Jomari, hindi pa rin niya maisip kung paano humantong sa hiwalayan ang relasyon nila ni Pops. Sabi nga namin sa kanya, baka naman cool off lang sila.

"First time itong nangyari sa amin, e. Yung una, cool off lang. Sandali lang yun, nagkaayos uli kami. Pero ito kasi, may usapan na," pagninilay-nilay ni Jomari.

Kahit hindi sabihin ni Jomari ang nararamdaman, alam naming malungkot ito. Likas na ang pagiging palabiro at pagiging komedyante niya, kaya naman kahit paano ay nagagawa pa rin nitong tumawa sa gitna ng pinagdaraanang kalungkutan.

Isa pa, abala ngayon sa pagte-taping ang aktor para sa natitira pang dalawang taping days niya sa Zorro, na pagbibidahan ni Richard Gutierrez. Papel ng orihinal na Zorro ang lalabasan ni Jomari sa nasabing serye. Isasalin niya ang responsibilidad na tulungan ang mga naaapi kay Richard.

Sabi nga niya, "ngarag" siya sa sabay-sabay na acting career at concert producing. Nitong Lunes lang niya nasimulang asikasuhin ang pagdadala rito sa bansa ng American Idol 2008 winner na si David Cook at runner-up nitong si David Archuleta para sa back-to-back concert nila. May concert date na ito—May 16, 2009. Planong sa SM Mall of Asia concert grounds ito gawin.

Sa pagitan nito, inaasikaso rin ni Jomari ang series of concert tours ng Missing You sa iba't ibang key cities dito sa Pilipinas. Kaya nga inaasahan ni Jomari na makakapag-usap at magkikita pa rin sila ni Pops, hindi lang para sa tour nito kundi para ayusin ang problema sa kanilang relasyon.

« Prev  1  2  

Related Articles

180 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name