Actress-politician Alma Moreno is scheduled to marry Marawi City mayor Sultan Fahad "Pre" Salic in a Muslim wedding ceremony on April 9.

Photo: Noel Orsal

Kinumpirma ng mga anak ni Alma Moreno na sina Mark Anthony Fernandez at Vandolph Quizon ang nalalapit na pakikipag-isang dibdib ng kanilang ina sa Marawi City mayor na si Sultan Fajad "Pre" Salic. Nakatakda ang kasal ni Alma kay Mayor Salic sa April 9, Holy Thursday, sa Marawi City. Isang Muslim wedding ceremony raw ang magaganap at masasaksihan daw ng mga constituents ni Mayor Salic.

Nauna nang nagpakasal sina Alma at Mayor Salic sa isang civil rite.

Tiniyak din nina Mark at Vandolph na darating sila sa wedding ng kanilang ina. Pero ang hindi tiyak ay kung makaka-attend din ang tatlong anak ni Alma kay dating Parañaque Mayor Joey Marquez na sina Yeoj, Wyn-Wyn at VJ.  

Baka raw hindi payagan ni Joey ang mga anak niya dahil, according to a source, tutol diumano ang dating mayor sa pagpapakasal ng dating asawa. Bukod dito, nagtampo rin diumano ang solong anak na babae ni Alma na si Wyn-Wyn nang malaman na lang niya na ikinasal na pala ang kanyang ina sa ibang lalake.

Sa pagkakaalam ni Mark, binata ang mayor na pinakasalan ng kanyang ina. Wala rin daw sinabi ang mama niya na may anak sa ibang babae si Mayor. Pero ayon sa source ng PEP, mismong ang anak na babae ni Mayor Salic ang nagpapakilala sa kanya at nagbabanta na lalabas sila ng kanyang ina. Pabubulaanan daw nila ang sinasabi ni Alma at ilalantad na hindi lang siya ang pinakasalan ni Mayor Salic.

Pero kung Muslim nga ang bagong mister ni Alma, puwede itong magpakasal hanggang apat na beses kung saka-sakali.

Tulad ng unang lumabas na description dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa bagong mister ni Alma, si Mayor Salic ay three years younger sa actress-politician, may hitsura, mukhang respectable, medyo balingkinitan ang pangangatawan, at soft-spoken.

Itinanggi naman ni Alma na si Mayor Salic ang gumastos sa birthday ng pamangkin niya na si Kristel Moreno, contract artist ng Star Magic. Nilinaw na ito mismo ng kampo ni Kristel sa PEP. Ang mayamang lola raw ni Kristel ang  gumastos sa debut party niya as part of her birthday gift sa kanyang apo. Pero dahil sa pagmamahal ni Alma sa kanyang pamangkin, nag-share din daw ito sa party, pero konti lang.

Hindi rin daw totoo na si Mayor Salic ang lumakad sa paglaya ng ama ni Kristel at kapatid ni Alma na si  Freddie "Sonny Boy" Lacsamana. Napalaya raw ang daddy ni Kristel dahil wala naman daw ginawang aksiyon ang complainant.