Marami ang nalungkot nang kumpirmahin mismo nina Jomari Yllana at Pops Fernandez ang kanilang breakup due to "irreconcilable differences." Isa na nga sa nalungkot sa balitang ito ay ang kapatid ni Jomari na si Anjo Yllana.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anjo during the presscon ng bagong nilang show ni Eugene Domingo sa GMA-7, ang Cool Center "Hello, it's me!" Naganap ang presscon noong uwebes ng gabi, March 5, sa 17th Floor ng GMA Network Center.
Dito ay hiningan ng pahayag ng PEP si Anjo tungkol nga sa hiwalayang Jomari at Pops. Ayon kay Anjo, nakausap na niya si Jomari tungkol dito.
"Actually, nabasa ko lang sa mga diyaryo yung tungkol nga sa breakup nila. Pero nakausap ko na si Jomari, kinonfirm na niya na hiwalay na nga."
TALKING TO JOMARI & POPS. Tinawagan niya ba si Jomari o siya mismo ang tumawag sa kanya?
"Kasi nga, maraming lumalabas sa newspapers at marami ang nagtatanong sa akin. E, di ba, matagal nang lumalabas yun? Binalewala ko lang noong una. Hanggang sa malapit na sa akin yung tumawag, friends and relatives na, tinawagan ko na si Jomari. Kasi nga may lumabas na dahil nga sa money.
"Tinawagan ko si Jomari. Tinanong ko siya, 'Hiwalay na ba kayo?' Sabi niya, oo. Tapos, 'Ano yung lumalabas na money yung dahilan?' Sabi niya, hindi. Tapos maglalabas nga raw siya ng statement. Hindi ko na tinanong kung bakit sila nag-break kasi it's between them naman, e."
Binigyan ba niya ng advice si Jomari?
"Oo, ang sabi ko naman sa kanya, tawagan niya si Pops kasi nga dun sa tsismis na lumalabas. Tapos... kasi hindi pa sila yata naglalabas ng statement noon, e. Ang sabi ko, parang yung ginawa naming mag-asawa [Jacqui Manzano] noon, naglabas kami ng statement para wala nang espekulasyon. Mukhang sinunod naman dahil naglabas na siya and I think si Pops naglabas na rin ng statement.
"Ang gusto ko kasi... In fact, nakausap ko na rin si Pops. Ang gusto ko kasi yung maayos. Kung talagang hindi na sila, gusto ko yung maayos na breakup. Kasi si Pops, family na rin 'yan, e. Part na rin siya ng family namin. At saka ang ayoko lang yung may lumabas nga na dahil sa money. Naghiwalay na nga, ang pangit pa ng istorya."
So, pati si Pops kinonfirm na rin niya sa kanya?
"Oo, pero nararamdaman ko, mahal pa nila ang isa't isa, e. Yung sa akin lang, pag mahal mo kasi yung isang tao at mahal ka rin niya, sana maayos pa rin. I'm sure they're hurting naman, e. Mahirap kaya ang makipag-break!
"Kahit sino naman sigurong magkarelasyon, masakit talaga yun. Ayoko lang yung kung anu-anong lumalabas na espekulasyon. Kasi, siyempre, dadagdag yun sa pain, di ba? Sana maayos pa rin nila. Hopefully, kung hindi man, they will remain as friends."
Nanghihinayang nga raw talaga si Anjo sa nangyari sa relasyon nina Jomari at Pops kasi naging close na rin daw si Pops, hindi lang sa kanya kundi sa buong pamilya nila. Kapag may gathering nga raw sa kanila ay nandun pa si Pops.
"Nanghihinayang talaga ako," sabi niya. "Kasi ang hinihintay ko na nga yung makasal sila. Kasi I find them magandang pares. Hindi ko talaga inisip na they will end up na magbe-break. Sad din talaga ako."
Sa tingin niya ba, sa kabila ng kanilang irreconcilable differences ay puwede pa silang magkaayos?
"Oo naman, kasi matagal na rin sila, e," positibong sagot ni Anjo. "Yun nga, nararamdaman ng kapatid ko mahal pa rin niya. Nararamdaman ko mahal pa rin ni Pops. So, siyempre, puwede pa 'yon. Pag nagmamahalan naman kayo, walang imposible. Ako, optimistic ako, kasi I feel na mahal pa nila ang isa't isa. Hopefully, baka kailangan lang nila ng space. Sana, ako, gusto magkabalikan pa sila."
THIRD PARTY ISSUE. Bukod sa money issue, may lumalabas ding anggulo ng third party, ano ang sinabi ni Jomari sa kanya tungkol dito?
"Hindi ko tinanong yun, e. Pero mukhang wala, e. Kasi tinanong ko kung kumusta siya? Gabi-gabi yata siya nagsu-shooting ng Zorro. Wala naman akong nababalitaan. At saka magkukuwento naman sa akin yun kung meron siyang girlalu!" pabiro pang sabi ni Anjo.
"Pero sa tingin ko, wala. Kasi pati yung mga kapatid ko, mga tsismoso yun, e. Kung merong iba si Jomari, magkukuwento yun. At saka isusumbong sa akin. Wala naman, wala naman akong narinig na may ibang chicks si Jom."
MESSAGE FOR POPS & JOMARI. Ano ang message niya para kina Pops at Jomari?
"Kay sister Pops, hello. Sana masaya ka pa... Kasi nag-uusap kami noon, e, kasama yung mga friends niya. Pero hindi ako nakapunta nung parang gathering ng kanyang mga friends. I miss you and I hope you're okay.
"And kay Jomari naman, ano ba ang masasabi ko sa iyo? Hindi ko kasi alam kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Hindi ko alam kung you're hurting that bad. But you're man enough already. Mature ka na rin. Marami ka nang pinagdaanan. I just hope you're making the right decision and pag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako."
KAPUSO BROTHERS. Samantala, on a happy note, humahataw silang magkakapatid sa pagkakaroon ng projects sa GMA-7 ngayon. Silang tatlo nina Jomari at Ryan ay may mga kanya-kanyang shows. Si Anjo ay merong Cool Center "Hello, it's me!"; si Jomari ay Zorro; at si Ryan ay Joey's Quirky World. Anong feeling na nandito silang lahat ngayon sa GMA-7, lalo na si Jomari na balik-Kapuso?
"Ang sa amin naman kasi, trabaho lang 'yon. In fact, happy ako dahil si Jomari napasama sa Zorro kasi katatapos lang ng show niya sa Channel 5. He's a good actor naman. Professional naman siyang katrabaho. Nalulungkot kasi kapag si Jomari may bakante. Siyempre, trabaho 'yan, e. At saka may anak siya. So, masaya ako kapag may trabaho siya.
"In fact, nag-attend ako ng concert nina Martin at Pops, kasi first venture niya yun as a producer, e. I'm so happy na successful yun. At least ngayon, after ng stint niya sa Zorro, kung wala pa siyang project, busy siya dun sa ano naman niya, pagpo-produce. Narinig ko na nga yung kay David Cook at kay David Archuleta, pati yung kay Britney Spears. Sabi ko, sana tuluy-tuloy na 'yan. Para talagang mayroon siyang pinagkakaabalahang maganda. At saka bigatin ang mga ipino-produce niyang concerts."
COOL CENTER. Happy nga si Anjo na binigyan ulit siya ng break ng GMA-7 para sa isang bago at original na show, ang Cool Center "Hello, it's me!" Ito ang kaisa-isang comedy radio talk show sa telebisyon kung saan pinagsanib-puwersa ang galing sa pagpapatawa nina Anjo at Eugene Domingo.
Sa show na ito ay maaaring tumawag ang kahit sinong manonood mula sa lahat ng panig ng Pilipinas para makipagkulitan kina Anjo at Eugene, makipagkilala, manghingi ng payo, o kaya'y makipagpalit ng gamit sa inyong paboritong artista.
"I think this is a big break nga for me, kasi nga, as you know, yung mga sitcom kasi medyo nawawala na. In fact, dito sa GMA, isa lang ang sitcom ngayon, yung Ful Haus. Tapos yung iba, parang gag show na.
"So, big break for me ngayon kasi nga ang forte ko sitcom, e, pero ibinigay pa rin nila ito sa akin. At sana maging successful yung show. Hopefully, tumagal din yung tandem namin ni Eugene, hindi lang dito sa show na ito, parang Mel & Joey," sabi ni Anjo, na ang tawagan nila sa isa't isa ni Eugene o "term of endearment" ay Ami, short for amigo at amiga.
Ano ang challenge sa kanila ng bagong show na ito?
"Ang challenge sa amin dito ay mapa-rate namin ito na magkaroon ng malaking audience share. Kasi number one, it's experimental, wala pang ibang ganito. Number two, live kami. And number three, first time naming magsasama ni Eugene. Siyempre, kasama na rin kung paano namin mabibigyan ng kasiyahan ang mga manonood natin, pati na yung mga callers ng show."
Since gusto nilang tumagal yung tandem nila, posible kayang mag-carry on ito sa movie?
"Sana nga, oo. Pero big time na 'yon. Tiyak magde-demand na si Eugene ng malaking talent fee niyan, siyempre pati na rin ako! Pero sa ngayon ito na munang Cool Center," biro ni Anjo.
Mapapanood ang Cool Center "Hello, it's me!" tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Imbestigador sa GMA-7, simula sa March 14.