Master Rapper Francis Magalona may have lived a short life, but it was enough to touch a lot of people who now dearly miss him. (Top frame, Richard Gutierrez talks with Francis' widow, Pia Magalona, during the wake at Christ the King, Greenmeadows, QC. Bottom frame, Michael V and rapper Andrew E were among those spotted by PEP during the March 7 public viewing.)
Friends remember Master Rapper Francis M
Saturday, March 7, 2009
02:02 PM
Rating
"Kung may dasal ako kay Kiko, gusto ko lang sabihin sa kanya na huwag na siyang mag-alala sa kanyang pamilya dahil nandito kami para tingnan sila at makakaasa siya sa kanyang anak na si Maxene. Kiko is proud of her dahil napakaresponsableng bata at alam niyang kaya nitong alagaan ang kanilang mommy at mga kapatid."
Keempee de Leon: "Malaki ang naging influence sa akin ni Kuya Kiko lalo na when it came to music. Isa siya sa nag-push sa akin to develop my talent in singing. Noong una ngang lumabas ang first album ko, si Kuya Kiko ang unang nagsabi na maganda, at masaya siya because I gave it a try. Lahat ng hingin kong advice sa kanya ay sinusunod ko. Kaya nga nakakalungkot noong matanggap ko ang balita. Akala ko joke lang, pero totoo na pala. Umiyak kaming lahat dahil importanteng tao sa amin si Kuya Kiko. Wherever is he, alam naming masaya na siya at wala na siyang mararamdaman na sakit."
THE MASTER RAPPER. Sumakabilang-buhay si Francis Magalona, o mas kilala sa palayaw na Kiko sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan, dahil sa sakit na acute myelogenous leukemia kahapon, March 6, ng alas-dose ng tanghali. He was 44 years old.
Ipinanganak bilang Francis Durango Magalona noong October 4, 1964, si Kiko ay isa sa siyam na anak ng kanyang sikat na magulang na sina Pancho Magalona at Tita Duran. Sina Pancho at Tita ay isa sa pinakasikat na screen tandems sa Sampaguita Pictures noong '40s at '50s. Ang lolo ni Kiko na si Enrique Magalona ay nanilbihan sa Philippine Senate mula 1945 hanggang 1955.
Nakapag-aral sa San Beda College si Kiko bago niya pinasok ang mundo ng showbiz during the '80s. Una siyang ipinakilala sa pelikulang Bagets 2 (1984) ng Viva Films, kung saan nakasama niya ang original cast (except for Aga Muhlach), including Ramon Christopher and the late Jonjon Hernandez.
Nasundan pa ito ng mga pelikulang Doctor, Doctor We Are Sick, Ninja Kids, Family Tree, Action Is Not Missing, Hati Tayo Sa Magdamag, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, Joey Boy Munti, Gumapang Ka sa Lusak (kunsaan nakakuha siya ng Urian Best Supporting Actor nomination), Iputok Mo Dadapa Ako, Mama's Boys, Estribo Gang, Engkanto, Ano Ba 'Yan, Tong-Its, at Kamada. Huli siyang napanood sa indie films na Anak ni Brocka at Astigmatism.
Unang naging TV show ni Kiko ay ang sitcom na UFO: Urbana, Felisa, and Others ng GMA-7 kung saan bida sina Nanette Inventor at Mitch Valdes.
Si Francis din ang isa sa original members ng youth-oriented musical show na That's Entertainment.
Sa larangan naman ng musika, unang gumawa ng pangalan si Francis nang pasikatin niya ang bagong tunog, ang Pinoy rap. Kaya nga siya ang tinaguriang Master Rapper or King of Pinoy Rap.
Ipinakita niya ang kanyang husay sa pag-rap sa mga TV shows na Loveliness (kunsaan una siyang naging resident rapper), Vilma!, PST: People Staying Tuned, That's Entertainment, at sa Eat Bulaga! kung saan tumagal siya ng mahigit 15 years.
Naging phenomenal hit ang album ni Kiko na Yo! kung saan sumikat ang mga rap songs na "Mga Kababayan Ko," "Cold Summer Nights," "Gotta Le 'Cha Know," "Man From Manila." Ang Yo! Ang itinuturing na first rap album in Philippine music history. Nasundan pa ito ng iba pa niyang hit album na Rap is Francis M, kunsaan sumikat ang hits ang "Mga Praning," "Halalan," at "Tayo'y Mga Pinoy."
This was followed by the albums Meron Akong Ano and Freeman.
Dahil sa pinauso na local rap ni Kiko ay sumulpot din ang iba pang rap artists na tulad nila Michael V, Andrew E, Lady Diane, at si Gloc 9.
Si Kiko rin ang kauna-unahang Pinoy VJ ng MTV Asia. Sumunod sa kanyang yapak sila Regine Tolentino at Donita Rose. Naging host si Kiko ng MTV Asia segments na Life's A Beach at MTV Talk.
Bago sumakabilang-buhay si Francis ay in-announce nito na may collaboration siya with Ely Buendia tungkol sa isang bagong album na may titulong The Sickos Project.
Naisipan nilang gawin ito nang sabay silang magkaroon ng sakit. Balita namin ay natapos naman daw nila ang naturang album at ire-release pa rin ito in memory of Kiko.
Cremation ang gagawin sa mga labi ng Master Rapper sa Loyola Memorial Park sa Marikina City on March 10.

Click HERE to view PEP's tribute to the the Master Rapper Francis Magalona.
- PEP EXCLUSIVE: Pia Magalona feels Francis M's presence more than her loss
- Francis Magalona's family accepts his posthumous Presidential Medal of Merit from GMA
- Francis M "tribute concerts" in Canada and Dubai do not have his family's blessing
- Francis Magalona honored by his sister with a "Best Brother" award
- Friends and colleagues remember memorable times with Francis Magalona
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
-
In a glimpse
E-Boy is described as a "modern-day Pinocchio"
E-Boy pilot week will air anew on ABS-CBN this Sunday
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
-
Couples
Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Alice talks about the difficulties they encountered as married couple.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

