Kahapon, March 11, ay ganap na ngang naging isang exclusive Kapuso si Geoff Eigenmann. Kasama ni Geoff ang kanyang manager na si Perry Lansigan at inang si Gina Alajar nang pumirma ng kontrata sa GMA-7, kaharap ang top executives ng Kapuso na sina Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at Ms. Wilma Galvante.
Right after ng contract signing ay nagkaroon ng pictorial at saka iniharap ng GMA-7 sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling editors at columnists si Geoff (pronounced as Jeff), kasama ang senior program manager na si Ms. Redgie Magno sa Board Room ng GMA Network Center.
"It feels very good, actually. I've been anticipating this day since nag-usap kami ng manager ko. We were really looking forward at inasikaso na namin agad," simula pahayag ni Geoff.
Sinabi ng anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa na kailan lang ang naging pag-uusap nila about his possible transfer.
"We've been talking about it ever since naman, even when I was with ABS-CBN before. GMA was never... They are always there inquiring, so it's good to be back once again. For sure nga, 100 percent Kapuso na 'ko," saad ni Geoff.
NO CONTRACT WITH ABS-CBN. Taong 2004 nang mula sa pagiging isang Kapuso ay lumipat si Geoff sa Kapamilya network, kaya may five years din siyang nawala sa bakuran ng GMA-7. Ayon kay Geoff, naging maayos naman ang pag-alis niya sa ABS-CBN.
"Okay naman, no burned bridges, if I may say. It went well naman, nagpaalam kami. It went smoothly and we didn't go na umalis na lang kaming bigla. We did everything step by step at kinausap namin lahat ng dapat na makausap."
Wala ba siyang kontrata sa ABS-CBN?
"I had a contract in ABS-CBN but it expired already. My contract with them was for two years. From 2004 to 2006," sabi ni Geoff, na ang last TV show sa Dos ay ang Lobo with Piolo Pascual and Angel Locsin.
Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung may balak mang habulin pa siya ng ABS-CBN, malabo na itong mangyari dahil, ayon kay Geoff at sa kanyang manager, wala raw siyang kontrata sa kahit na anong show ng Kapamilya network since wala na rin naman daw siyang contract with the network and its film arm Star Cinema.
Nag-expire na rin ba ang contract niya sa Star Magic or co-managed pa rin siya ng Johnny Manahan-led talent agency hanggang ngayon?
"I never really had a contract with Star Magic. I was co-managed, but I never signed any contract with them," paglilinaw ni Geoff.
Hindi ba siya pinigilan ng ABS-CBN nang magsabi siyang lilipat na?
"Well, nagpadala naman kami ng formal letter. Siguro, busy lang sila, may mga inaasikaso..."
When asked kung may counter-offer ang Kapamilya station sa kanya, Geoff said, meron. But his manager Perry quickly clarified that it's not a counter-offer dahil meron talagang offer. Nauna raw talaga ang offer ng Dos. Supposedly, may gagawin sanang dalawang projects si Geoff. Pero ayon kay Perry, hindi pa lang daw nila ibinibigay ang oo nila.






kapamilya kc ako....
tama ka. Mukhang taga-bundok yang collinfongjr. Ikumpara ba naman c geoff ke marian? haha. not even close. Ayos yan INGkay MA syndrome ah. haha. Kung may gnyan yung tao, baka magamot yan ni Dr. Belo. Kasi dun sa isa, hindi nagamot eh.
collinfongjr,
kaya mo bang patunayan na mas sikat c geoff kesa kay marian? haha. Baka kahit abs eh bumaligtad sa sinabi mo. haha. sigurado ako na gusto nilang makuha c MARIAN noh. Alam mo kung bakit? Kasi...hindi na nila maipagmalaki ang pagkuha ke ALWINA mula sa kapuso. Tingnan mo nga oh. Kung kani-kanino na lang pinapartner. Unlike Marian, for 2-3 years, c DINGDONG ang partner sa TV. Stable pa yung mga naging programs. Eh c ALWINA, sus. Once a year lang may soap. Nung sa GMA pa siya, hindi gnyan trato sknya.
ano sabi mo? mas sikat sya kaysa kay marian? galing ka bang bundok? ilan na ba endorsements ni geoff compared to marian rivera? may 26 endorsements na ba si geoff? e how about naka pag leading role na ba sya na nag rate ng 50 percent?
haay, another inggit kay marian rivera here..
c geoff narinig lang name nya sa abscbn, yun lang, did he made an impact to the people during those times? wala. eh si marian rivera, sinabihan na ni kris aquino na biggest star of today, so ano yang comment mo? patingin ka sa doctor ineng. mukhang may sakit ka. Ingkay MR Syndrome lang yan, as in INggit KAY Marian Rivera Syndrome.
bakit si marian rivera di naman kilala yan at walan man lang nag-akala na sisikat ng husto!
ibahin mo ang siyete, nakagagawa ng sikat out from nowhere!
Sabi ng mga kapamilya wala daw magaganda sa kapuso. Wow, ang dami pala. Di pa lang kasi sikat.
Sa abs? laos na! kasi sabi nila laos na si marian, at kung laos na si marian, mas laos yung mga sikat sa abs kung ang rating pagbabasehan.
Ryza Cenon pls lang pansinin ang ganda ng batang ito, sayang siya
Heart Evangelista
Rhian Ramos
Marian Rivera
Lovi Poe this girl has got exceptional talents, di lang siya palaayos
Iyong iba talagang di naman mukhang artista talaga. Pretty din sila pero hindi sa showbiz standard. Pang bestfriend lang dapat na roles sa kanila kaya sayang lang talaga ang efforts ng GMA kasi di naman sila sisikat gaya ng ibang stars sa ABS-CBN. Examples of these are: LJ Reyes, Sheena Halili, iyong girl na nililigawan ni Patrick G i keep forgetting the name of that girl, Katrina Halili. Sayang ang mga roles na ibinibigay sa mga ito. GMA could have built up lots of bankable stars already that would compete with the likes of Anne Curtis, etc. Kaya parating tinatakot ang GMA ni Anabil evil kasi maling talents ang bini-build up ninyo. O baka mura ang talent fees ng mga ito? In the long run talo pa rin ang GMA kahit nakatipid s
im sure mas dadami work mo sa gma7. you deserve it!
ibalita nio kng bkt lumipat si aj dee sa gma!
at kng anu ung 1st proj.niya sa gma!pls pep salamat!
dating theme ng GMA ang WHERE YOU BELONG noon 1992-2002 bago ang KAPUSO 2002-present.