Nakapag-taping na sina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez para sa commercial plug ng bagong season ng PBB o Pinoy Big Brother sa ABS-CBN 2.
Kahit may kaba pa rin sa dibdib si Bianca, nakakahinga na rin siya ng maluwag dahil ang taping para sa plug ng PBB ay isang indikasyon na mananatili pa rin siyang host ng naturang reality show.
Sabi nga ni Bianca sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa panayam sa kanya noong 10th Hair Olympics presented by David Salon na ginanap sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia, bago raw siya mag-taping ng plug, hindi maalis ang duda niya kung kasama pa rin siya bilang isa sa hosts ng naturang TV show.
Wala pa raw kasing pasabi ang ABS-CBN 2 kung sinu-sino na ang maghu-host ng bagong season na ito ng PBB. Manggagaling daw ang announcement from Direk Laurenti Dyogi pero hindi pa raw sila tinatawagan nito.
Ayon pa kay Bianca, masasaktan siya nang husto pag napalitan siya bilang host ng show. May sentimental value raw kasi sa kanya ang PBB. Maliban sa mga personal memories niya sa loob ng Bahay ni Kuya, ito raw ang nagbukas sa kanya ng pintuan para sa career in showbiz.
Itinanggi naman ni Bianca na tinanggal na si Toni Gonzaga bilang host din ng show dahil hindi ito nakapag-taping ng plug. Nasa abroad daw kasi si Toni noong may tawag para sa taping.
Samantala, aminado si Bianca na masaya siya ngayon sa kanyang love life sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na may-ari ng isang kilalang disco bar sa Makati City. Puntahan ito ng mga celebrities, lalo ng mga taga-GMA-7.
Pinasinungalingan ni Bianca na matandang businessman ang boyfriend niya ngayon. Thirty-two years old lang daw ito, matangkad at very athletic.
Iilan pa lang ang nakakakita sa boyfriend ni Bianca kaya walang makapagbigay ng detalye ng itsura nito. Pero proud naman ang TV host sa pagsasabing guwapo ito para sa kanya.
Sinisisi ni Bianca si Luis Manzano kung bakit kumalat ang balitang 60 years old na ang kanyang boyfriend. Nagbiro raw kasi ang actor-TV host sa kanilang showbiz program sa ABS-CBN at sinabi nitong matandang businessman ang boyfriend nito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
51 sarahgforever
There is no PBB if there is no Toni Gonzaga. She practically carries the show on her own during the live eviction amp; nomination nights. The others don't really add anything. I don't ever notice them too much.
50 dakes
49 solid0_kapamilya
bianca is mahiyain, toni is nice pero parang she's always nagmamadali...
48 solid0_kapamilya
47 leatherslut
well,bianca is one of the great hosts in abs-cbn....
go bianca....
46 neutral1746
45 lynjy20
44 lynjy20
43 carlo_08
42 sassy001
41 noemie27
40 sunshinearaw
39 haynako
38 amoy_tasik
mariel, bianca at toni!
parang ano, u know may balance and chemistry. bsta prang they're perfect as a whole.
dun s mga ayaw ke mariel,
for me gusto ko xa. u know she's very bubbly, bsta prang u know she has so cool personality, and all.
at last! PBB will BOUNCE BACK.
miss ko na 2, BIGTIME!
whoo. sbi ng iba, buhay n ulit ang gabi nmin!
:D
37 spryperk
36 janasbuddy
Ganyan naman first reaction ko kay Kris noon...but, nasanay na rin ang ear ko....hehe!!
35 dbestisyettocome
34 butter02
walang dapat magbago kundi ikaw - heheheh
PBB nanaman - interesting people, interesting attitudes.
33 kunana_met
anu b gusto mong pagbabago? ?
32 dutchgoddess
more comments