Marian Rivera still has no label on real deal between her and Dingdong Dantes

Nora V. Calderon
Saturday, March 14, 2009 @ 06:37PM  |  39463 views

"Ganoon pa rin po, walang nababago, lumalabas kami, kumakain, nanonood ng sine kapag may oras na libre. Lagi po kaming masaya, laging magkausap, hindi po kami nawawalan ng topic na pag-uusapan kahit laging kami lang ang magkasama," says Marian Rivera on how she and Dingdong Dantes are getting along.

Photo By: Nora V. Calderon













LOLA AND DONG. Paano naman tinatanggap si Dingdong ng kanyang family?

"Naku, ang lola ko, kasundung-kasundo siya," natatawang wika ni Marian. "Kapag may trabaho po kami ni Dong na madadaan kami sa Cavite, tinatawagan ko siya at sasabihin ko na dadaan kami sa bahay, excited siya agad at itanong ko raw kung ano ang gusto ni Dong na lutuin niya. Si Dong naman paborito niya talaga ang luto ni Lola ng menudo, kaya iyon lagi ang isa sa iniluluto niya. Happy si Lola kapag dinadalaw namin siya ni Dong, kinukulit niya ito, kung anu-anong tinatanong."

Ayaw namang sabihin ni Marian kung ano ang mga itinatanong ng lola niya kay Dingdong.

APARTMENT AND LV. Kumusta naman ang ipinagagawa niyang 12-door apartment?

"Tapos na po, may pangalan na rin siya, La Buena Casa, pero wala pa po akong tenants.  Nagtatanung-tanong pa ako kung magkano ba ang affordable price na dapat kong singilin sa kanila. Pero gusto ko po munang maipa-bless ito, ayaw kong patirahan ito na hindi pa nabi-bless, wala pa lang akong time na umuwi ng Cavite para personal na maipa-bless ang apartment."

Biniro siya ng PEP kung kaya na ba niyang bumili ng isang handbag na nagkakahalaga ng milyon, o nabigyan na ba siya ni Dingdong ng mamahaling handbag like a Louis Vuitton?

"Hindi po, hindi kasi naniniwala si Dong sa LV. Meron po akong isang LV bag, pero ako ang bumili noon. Shoes po kasi ang hilig ko, pero bibili po ako kapag alam kong may extra akong pera. Mas priority ko po kasi ang mag-ipon at mag-invest. Kapag gamit ko na ang shoes at mga damit ko, bibili na ako ng bago at ipinadadala ko sa Cavite iyong nagamit ko na, biro ko kay Lola, ibenta namin. Ayaw niya, nakakahiya raw, kaya ipinamimigay niya sa mga kapitbahay namin."

POLITICS AND DONG. Tinanong naman ng PEP si Dingdong, may mga tarpaulin daw kasing nakita sa lugar nila sa District IV ng Quezon City, kaya may usap-usapan na kakandidato yata si Dong sa 2010. Kakandidato nga ba siya?

Napailing si Dong at sinabing hindi raw totoo iyon, may mga humingi lang daw sa kanya ng greetings sa mga graduates at nagbigay naman siya. Nang tanungin namin si Marian kung papayag  ba siyang kumandidato si Dingdong, maikli lang ang sagot niya: "Bahala po siya."

Alam ba ni Marian na gusto siyang makatambal ni Robin Padilla sa susunod daw na movie nito sa GMA Films?

"Wala po naman ako sa posisyon na tumanggi kung iyon po ang ibibigay na assignment sa akin. Naipakilala na po siya sa akin personally. Minsan kapag nagkakasabay kaming mag-guest sa SOP, lumalapit siya sa akin at bumabati. First impression ko sa kanya, 'Astig!'"

MARIAN AND DONG. Pero nang humantong na ang tanungan tungkol naman sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Dingdong, walang nakuhang malinaw na sagot ang PEP mula kay Marian.

"Ganoon pa rin po, walang nababago, lumalabas kami, kumakain, nanonood ng sine kapag may oras na libre. Lagi po kaming masaya, laging magkausap, hindi po kami nawawalan ng topic na pag-uusapan kahit laging kami lang ang magkasama."

Nag-away na ba sila?

"Hindi po naman away, asaran lang, tampuhan lang. Mahilig po akong mang-asar, 'tapos napipikon siya. Kapag hindi na po siya sumasagot sa tanong ko, alam kong nagtatampo na siya, ganoon din naman ako, kapag inaasar niya ako, napipikon din ako at tumatahimik na rin ako. Pero mga five minutes lang iyon, bati na ulit kami. Nagbibigayan po kasi kami, hindi nagsasalubong kung asar na kami o nagtatampo na."

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

881 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name