Live na nag-guest si Katrina Halili sa Showbiz Central kahapon, March 15. Si Raymond Gutierrez ang nag-interview sa kanya.
Si Katrina na yata ang isa sa pinaka-controversial young actress ngayon dahil sa pagkakasangkot niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.
Sa lahat ng ito, pinipilit ni Katrina na maging matatag, lalo pa nga't kasabay raw ng kanyang pagmu-move on ay ang bago niyang inspirasyon—ang bago niyang bahay.
"Actually, hindi naman dahil sa isyung yun," paglilinaw ni Katrina. "Nagpapagawa naman po talaga ako ng bahay. Tapos na siya, dun sa farm, may bahay na. Gawa na. Tapos ngayon, kumuha po ulit ako ng bahay sa may New Manila."
So, you have two houses?
"Oo, sa Palawan at saka dito."
Yun ba ang inspiration mo to work harder?
"Opo. Actually, kahit tanungin n'yo po yung iba, dati sinasabi, bakit ka nagre-rent? Kasi, five years na po akong nagre-rent, pero ayokong bumili ng bahay. Kasi sinasabi ko na anytime, kapag wala na akong work, gusto ko nang umuwi ng Palawan. Gusto ko na dun. Doon na lang ako magtatrabaho. Pero ngayon, bumili ako ng bahay. Binigyan ko ang sarili ko ng inspirasyon. Kaya kailangan kong mag-work. Hindi pa ako puwedeng mag-retire."
But would you say, it's part of moving on kasi sa girls, kapag nadi-depress, they go shopping. So, ikaw, talagang big time lang, bahay ang binili mo?
"Hindi naman!" natatawang sabi ni Katrina. "Kasi ako, yung pinagtatrabahuhan ko, yung pinaghihirapan ko, nakikita ko. Mawalan man ako ng work, at least, may bahay na ako. May kotse na ako, happy na ako."
Before the holiday season, during holidays and New Year and until a few weeks ago, yung pangalan mo, sangkot talaga sa isang napakalaking controversy. Was there ever a time that in the past few months, you wanted to quit?
"Actually, noong dumating yung isyu na yun, aminin ko na, kaya ako bumili ng bahay, mas gusto ko nang magtrabaho. Mas lalo akong naging matapang. Mas lalo akong naging matatag. Kasi dati, kapag wala akong work, wala na, uwi na lang akong Palawan. Ganoon lang ang pag-iisip ko, sobra... Pero ngayon, mas gusto kong lumaban. Mas naging matatag ako at mas nagkaroon ako ng pangarap sa buhay ko."
Raymond said he knows that the interview is about moving on, but he couldn't help asking, is Katrina still a Belo endorser?
"Hindi na po," sagot ni Katrina. "Ako nagpupunta run at wala naman po kaming contract ni Dra. Vicki Belo."
I heard na magbubukas ka raw ng sarili mong clinic?






malapit na sanang umabot sa tuktok.muntik na eh,andun na..konting hakbang nalang,nasa tuktok na. pero nahulog rin.
kawawa.
ngayon,ang mga tao wala nang amor sayo. andaming lalake jan pero yung kay belo pa dinale mo.
poor poor poor girl.
hindi ko knakampihan si katrina kasi talaga naman mali cya... pero inamin nya n na nagkamali cya at pnagsisisihan nya na... at the time hindi cya nag isip kasi feeling nyaa nagmahal lang cya... sana lang natuto na nga cya
kaya ngaun tingin sau ng mga tao pok---
lalo nat pa sexy ang image mo so tingin pa rin mga tao ganun ka ngathen me sex video kapa...
next time, lesson na yan sau wag na wag mo ng uulitin pa yan, wag kang gagaya ke pichi day.
di ka kasi natuto tagal ka ng tinitira, nasa blind item ka na dati pa nung nangunguna ka pa nun sa FHM, ikaw ung tinutukoy nila noon pa na pag me lalaking lumalapit sau gustong gusto mo na nilalapitan ka...
wag mo na uulitin pa yan, kung hindi sa kangkungan ang bagsak ng career mo...
katrina, nawawalan ka nang spark sa buong pinas dahil sa kalandian mo.
sana wag gumaya si marian rivera.