"Basta parang wala sa bokabularyo ko na nakikipagbalikan sa mga ex ko. Parang mas gugustuhin ko na maging friends na lang kami," says Ara Mina.

Photo: Elyas Isabelo Salanga

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara Mina sa shooting ng pelikulang Marino, na pinagbibidahan nila ni Allen Dizon, na siya ring producer ng pelikula.

Tinanong ng PEP si Ara kung may similarity ba ang nangyaring breakup nila ni Jomari Yllana noon sa hiwalayang Jomari at Pops Fernandez. Sinasabing ang ugat diumano ng breakup nila ay pera, bagamat itinanggi na ito pareho nina Jomari at Pops.

"Hindi, hindi pera ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Jom. Walang ganoon," sabi ni Ara. "In fairness naman kay Jom, hindi siya manghuhuthot or something. Siyempre, normal lang naman sa mag-boyfriend na nagreregaluhan kayo."

Pero dumating ba sa point na nangutang sa kanya noon si Jomari?

"Teka lang ha, isipin ko muna kasi ganyan din ang tanong sa akin tungkol kay Polo [Ravales], e!" tawa ni Ara, na ang tinutukoy ay ang kanyang ex-boyfriend.

Pero sa tingin niya ba ay okay lang sa isang magkarelasyon na naghihiraman ng pera?

"Normal lang naman yun e," sambit ni Ara. "Kahit ako nga yata noon humiram kay Jom, e. Humiram ako sa kanya noong time na may Te Amo [defunct show sa GMA-7] pa yata siya noon. Hindi pa ako pumapasok sa Te Amo. Ganoon lang, tapos ibabalik din, di ba?"

Magkano ang hiniram niya kay Jom?

"Hindi ko na matandaan, e. Pero nabalik ko rin naman yung hiniram ko." 

May idea ba siya kung ano ang tunay na dahilan ng paghiwalay sina Jomari at Pops?

"Mahirap magsalita kasi magkaibigan na kami ni Jom ngayon, e," sabi ni Ara. "Pero I know him so well. Kilala ko na siya, so alam ko... Paano ko ba sasabihin? Basta nagpadala na po ako ng sulat na parang nalulungkot ako for them, kasi matagal na sila. Saka ang sabi ko, ayokong mag-comment about it. Kasi yung sa amin ni Jom before, tapos na yun, e. Kumbaga, friends na kami ngayon. So sana maging okey din sila like what happened to us na naging okey din kami. Saka five years ago na rin kaming wala."

Kung friends na sila ni Jomari, ibig bang sabihin nito ay nagkaroon sila ng closure?

"Nagkaroon kami ng closure not on air," sagot ni Ara. "Di ba, yung time na in-invite niya ako for campaign ni Anjo [Yllana, Jomari's brother]? Siya yung tumawag sa akin. Ako naman dahil walang bitterness, tinanggap ko kahit wala kaming closure noon."

Ngayong hiwalay na sina Jomari at Pops, at kung sakaling available pa rin siya ngayon, posible ba na makipagbalikan siya sa aktor?