"Sa mundo naman na ito, hindi mawawala ang mga nega. You cannot please anybody all the time. Meron talagang magda-down sa iyo which only makes me stronger. The more na okrayin ako, the more na magpapakita ako ng kung anu-anong nakakaloka!" says John "Sweet" Lapus.
John "Sweet" Lapus wears bathing suits in pictorial for his 16th anniversary show
Wednesday, March 18, 2009
09:08 AM
Rating
Muli na namang manggugulat si John "Sweet" Lapus sa bagong pictorial niya para sa kanyang anniversary show na Sweet 16, na gaganapin on May 15 and 16 sa Teatrino Greenhills.
Dahil nagsimula na ang summer season, naisipan ng host ng Showbiz Central na magpakuha na naka-bathing suit. Walang takot na nag-abala si Sweet na gayahin ang naging cover pictorials nina Marian Rivera, Angel Locsin, at Lucy Torres-Gomez na nagsuot ng sexy swimwear.
Sabi ni Sweet, na-inspire lang daw siya sa mga tulad nina Marian, Angel, at Lucy dahil mukha na lang daw nila ay mabebenta na ang magazine. Pero nagpakita pa rin sila ng mga kurba ng kanilang mga katawan dahil confident ang mga ito sa kanilang figure.
"Aba, confident din ako, di ba?" malakas na tawa ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "In fact, umaapaw ako sa confidence. Kaya wala akong takot na mag-bathing suit sa aking bagong pictorial!
"Sa tinagal ko naman sa profession kong ito, ang naging puhunan ko talaga ay lakas ng loob, tibay ng sikmura, at walang pakundangang confidence sa katawan. May mga nag-suggest na sa akin na mag-bathing suit naman ako sa next pictorial ko kasi sawa na raw sila sa mga nakakalokang outfits ko. Para maiba naman daw.
"In fairness, ako lang naman yata ang kayang gumawa ng gano'n dahil nga sa wala nga akong takot. Kaya pinagbigyan ko ang request ng mga sisters natin diyan. Heto at maloka kayo sa makikita ninyo sa aking Sweet 16 poster layout."
Isa sa mga isinuot ni Sweet sa kanyang pictorial ay isang gold skimpy swimsuit na nahahawig sa mga nasuot nang bathing suit ni Katrina Halili. Sa tulong daw ng tatlong araw na crash diet ay napagkasya ni Sweet ang kanyang "voluptuous" na katawan sa bathing suit na 'yon.
"Hindi ko naman itinatanggi na pang-plus size ang katawan ko. Nagkakaedad na tayo kaya mahirap nang magpapayat, not unless magpa-liposuction ulit ako. E, wala nang time kaya magtiyaga tayo sa diet, di ba?
"'Tsaka uso naman ngayon ang mga plus-size, di ba? Mga models nga sa U.S. ngayon, mga may curves na at malaman. Hindi na raw uso ang mga mapapayat na models ngayon. Kaya makiuso na lang ako.
"Pero siyempre, dadaan naman sa airbrush at Photoshop ang mga litrato ko para naman maging mas kaakit-akit ang dating. Mabura ang mga tsismis sa katawan natin na hindi naman karamihan. At malagyan ako ng konting kurba.
"Naku, hindi talaga madali ang trabaho namin talaga! Mahirap ang kumita ng pera kaya lahat ng puwedeng gawin ay paghandaan namin. Pero dahil showgirl naman talaga ako, kaya kong panindigan ang mga ganito," dire-diretsong pahayag ni Sweet.
Handa na ba si Sweet sa hindi magandang feedback na matatanggap niya sa pagsuot ng bathing suit?
"Ready naman ako kahit sa ano," sagot niya. "Kaya nga ako tumagal ng 16 years sa showbiz dahil tanggap ko lahat ng positive at negative reviews sa akin. Mas nagpapalakas sa akin kasi ang mga ganyan. Kapag may pintas sa akin, it means na pinagtiyagaan akong pintasan. Hinanapan talaga ako ng kung anu-anong hindi maganda. In other words, pinagkaabalahan ako.
"Sa mundo naman na ito, hindi mawawala ang mga nega. You cannot please anybody all the time. Meron talagang magda-down sa iyo which only makes me stronger. The more na okrayin ako, the more na magpapakita ako ng kung anu-anong nakakaloka!" tawa ni Sweet.
16TH ANNIVERSARY SHOW. Ayon sa director ni Sweet sa kanyang anniversary show na Sweet 16 na si Philip Lazaro, hindi lang basta pagpapatawa ang gagawin ni Sweet. Isang show daw ito na bibigyang halaga ni Sweet ang mga taong humubog sa kanyang pagkatao, lalo na sa naging career niya sa showbiz.
Ani Philip, "It's a way of giving back to the people who made John the entertainer that he is now. Yung Sweet na napapanood natin sa TV at pelikula, hindi siya mag-e-exist without these people who believed in his talent. May mga VTR kami from people na naging part ng buhay ni Sweet, in and out of showbiz. Magsasabi sila ng mga naging karanasan nila with John as he made his journey sa trabahong ito.
"Being in the business for 16 years means na successful ka and you are doing something right. At the same time, paghahanda na sa pagpasok mo sa mga bago pang mangyayari as you move on patungo sa 20th year mo. Parang dalagita na kaka-16 lang. Paghahandaan niya ang mga changes sa buhay niya. May masasakit at may masasarap na mangyayari. What's important is you learn from what will be in store for you in the future."
Ayon naman sa namamahala ng produksiyon ng Sweet 16 na si Aleli "Mosang" Bagio, hindi isang drama ang anniversary show ni Sweet kundi puno pa rin ito ng mga bagong pagpapatawa niya.
"Hindi naman namin gagawin na soap drama ang show," diin ni Mosang. "It will still be filled with entertaining skits kasi may three new characters siyang gagawin. Yung mga dating characters na ginagawa ni Sweet, pahinga muna sila. Pero babati sila kay Sweet sa VTR. Isa 'yan sa mga abangan nila kasi marami-rami 'yon.
"At siyempre, hindi dapat mawala ang mga buwis-buhay na dance number niya. Mas bongga ang production numbers ni Sweet ngayon as compared sa mga nauna niyang shows like Sweet Dreams and Sweetilicious. Pero may nakahanda pa rin kaming ambulance in case na may mangyaring di kanais-nais!" sabay tawa ni Mosang.
- John "Sweet" Lapus admits feeling the pressure as he begins shooting for Moron 5 and the Crying Lady
- John Lapus talks about his New York adventure; guests on two ABS-CBN shows
- John "Sweet" Lapus: "Bilang paghahanda ko sa Year of the Dragon, bubuga ako ng apoy sa dami ng pasabog ko!"
- Libel complaint filed by John Lapus against Jobert Sucaldito advances to court
- John Lapus on being a part of YES! 100 Most Beautiful Stars 2011: "Oo naman, expect na expect ako!"
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
Weddings
FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!
The bride and groom shed tears while reciting their vows.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

