PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion gives update on Lovers in Paris straight from Paris

KC relates fond memories while taping in Paris.
by Nora Calderon
Published Mar 19, 2009
Young actress-singer KC Concepcion is currently in Paris taping her first teleserye in ABS-CBN, Lovers In Paris, with Piolo Pascual and Zanjoe Marudo.

March 10 nang sabay umalis sina KC Concepcion at Piolo Pascual papuntang Paris para sa taping nila ng Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Lovers In Paris sa ABS-CBN. Kinabukasan naman, March 11, sumunod sa kanila si Zanjoe Marudo na kasama rin sa cast.

Nag-request ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng update sa co-manager ni KC na si Shirley Kuan after two days, pero hindi pa raw nagti-text o tumatawag si KC. Basta ang alam daw niya, nag-a-adjust pa sila dahil freezing point ang lamig sa Paris at pinuproblema ni Direk John D' Lazatin kung paano sila magte-taping ng outdoor scenes. Hindi raw alam ni Shilrey kung nasusunod ng direktor ang sequences na dapat nilang i-shoot sa loob ng isang araw.

Pero nangako si Shirley na ise-share niya sa PEP anumang update na ipadadala ni KC. Kaya, here's the first update ni KC, dated March 17, through a text message to Shirley:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It has been freezing in Paris during my last 4 days of taping, and it is Piolo's 2nd day today. Mejo nadelay ung ibang eksena cos we waited a few days, worried that our costumes wouldn't be released by customs—sa dami ng damit at props, akala nila magbebenta kami! Kagabi lang po dumating ang lahat ng requirements ng mga eksena kaya todo na kami sa pag-shoot dito. 6 am-11 pm po kami araw-araw. Yehey! Buti lumabas na ang araw today, kahit papano napapagaan naman ang work namin dito..."

A few hours after her first text message, nagpadala ulit ng update si KC kay Shirley:

"Kamusta naman, inaabot kami ng 5 patong ng damit everyday dahil tagos hanggang buto ang winter-weather! Ang saya nga po at nakapaa po ako sa isang take namin kagabi, kung saan nakabonggang sleeveless gown si Vivian [her character's name] na naglalakad sa semento.

"Train station naman ang location namin ngayon at wala masyadong tao. Minsan kasi may audience (lalo na kapag nakita na si Piolo) kaya pag mejo mga kalog na iyong mga eksena, eh ang akala nila ay isa akong krungkrung na turista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod na update ni KC:

"Maabilidad talaga tayong mga Pinoy! Ang mga costume change namin ay ginagawa sa loob ng van, at kaninang morning, habang nasa loob ako ng van, nakita ko po iyong 2 barberong Pinoy na ginugupitan cna PJ [Piolo Pascual], Zanjoe at direk John D'. 15Euro lang ang charge sa kanila bawat gupit, habang 25Euro ang alam kong regular price nun pag sa French salon! Salamat sa mga kababayan natin, nakamura sila, hehe! Sige po, shoot na muna ako, kaeksena ko po sina PJ at Zanjoe na napaka-guapo today!"

After sigurong mag-shoot, nag-text ulit si KC:

"As in dun sila sa gitna ng kalye naggugupitan at nakaupo lang sa isang apple box. Hot pink pa ang itinakip sa kanila kaya spot na spot talaga sila. Hehehe!"

Latest update ni KC, dated March 19:

"Wow! Katatapos pa lang namin ng 9 na eksena sa isang high school dito! Ang sarap din makasama ang mga 17-year-old French students bilang ang gagaling nilang kumarir ng pag-eextra, ha! Hehe!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakaka-excite naman, ngayon na ang sunset-boat and river scene na po kasi namin nina PJ at Zanjoe at ako ay magga-gown in a major way! Yehey! First time kasi ni Vivian mag-river cruise bilang can't afford siya. Good luck, Vivs! Hahaha! Nagpapasalamat talaga ko na kahit mejo nakaka-trauma ng very very light ang lamig, wala pa namang nakikialam sa aming team...patience is a virtue! Hehe! Till my next update! More energy, mas happy!"

Sayang at wala pa raw time si KC na mag-email ng photos ng taping nila sa Paris. Ayon kay Shirley, after the shoot, mas gusto nilang matulog dahil maaga ulit ang susunod nilang taping.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress-singer KC Concepcion is currently in Paris taping her first teleserye in ABS-CBN, Lovers In Paris, with Piolo Pascual and Zanjoe Marudo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results