Rivals Willie Revillame (left) and Joey de Leon are among the entertainers who made it to YES! magazine's 50 Most Powerful People in Showbiz for 2008. Willie ranked first while Joey is at No. 10.

Photo: Mark Pimentel

Pagkatapos lumabas ang April 2009 issue ng YES! magazine, kung saan nakapaloob ang 50 Most Powerful People in Showbiz in 2008—26 entertainers at 24 executives—sari-sari ang naging reaksiyon ng mga tao at maging ng mga celebrity na nakasama sa listahan ng No. 1 entertainment source ng bansa.

Tatlo ang naging criteria ng YES! sa pagbuo ng listahan:

1. Pagmamay-ari at impluwensiya ng isang personalidad sa alinmang sumusunod na institusyon: television network, film outfit, o production company.

2. Pagkakaroon ng administrative authority sa mga nabanggit na institusyon.

3. Ang kanyang kontribusyon sa programa, pelikula, at maging musika na tinatangkilik ng marami.

WILLIE REVILLAME. Sa hanay ng mga entertainers, nanguna ang host ng Wowowee na si Willie Revillame.

Sa panayam sa kanya ng SNN noong Huwebes, March 19, ay nagbigay ng pahayag si Willie tungkol sa pagiging No. 1 niya sa listahan ng Most Powerful People in Showbiz ng YES!.

"Well, nakakagulat," aniya. "Hindi ko naman kasi alam na may ganyan, e. Basta marami na lang nagsabi sa akin. Ipinakita sa akin yung magazine. Yun nga, nabasa ko kahapon. And pati yung litrato, hindi ko alam na may litrato pala akong ganoon."

"Powerful in a sense of what?" tanong ni Willie. "Wala naman akong power, e. Ang power lang na ibinibigay ko siguro dito is yung happiness to the people, not just in the Philippines, but [also] abroad.

"I think the power that I have is yung power sa sarili ko na gusto kong makapagpasaya. Yung happiness, yung mga ngiti, yung mga saya nila, yun ang power. Kasi I think, di ba, wala kang power pag may galit sa 'yo? Pero pag masaya ang tao sa 'yo, that's power."

Ayon sa extensive research ng YES!, kaya si Willie ang naging No. 1 entertainer ay dahil sa income nito, rating ng Wowowee, at overall impact ng personalidad nito for the past 14 months.

"Maraming salamat kung ganoon," sambit ni Willie. "Pero para sa akin, hindi yun pumapasok sa isip ko. Alam ninyo, napakasimpleng tao ko lang. Pag dumarating ako sa Wowowee, simpleng-simple lang ang suot ko, naka-short at tsinelas lang ako. Ganoon din ang suot ko pag umuuwi na ako. Hindi ako nagkaroon ng power, simple lang ang buhay ko. Ang power dito is kayo ho.

"Siguro nakakapagbigay saya ako or nakaka-add. Pero walang kuwenta ho ang pagpapatawa ko kung walang tumatawa sa akin."

Totoo bang kumikita siya ng isang milyong piso kada araw?

"Hindi ho ako kumikita ng ganoon kalaki," tanggi ni Willie. "Simple lang ho ang kinikita ko. Nakakaraos lang sa tatlong beses isang araw. Nakakapag-merienda pa. May konting naiipon. Hindi naman siguro ako babayaran ng ABS-CBN ng ganoon."

Sumunod kay Willie sa 50 Most Powerful People in Showbiz ng YES! ang mga kapwa niya Kapamilya na sina Kris Aquino (No. 2) at John Lloyd Cruz (No. 3).


MARIAN RIVERA & DINGDONG DANTES. Nakuha naman ng mga Kapuso ang sumunod na apat na puwesto—Robin Padilla (No. 4), Marian Rivera (No. 5), Richard Gutierrez (No. 6), at Dingdong Dantes (No. 7).