Pagkatapos lumabas ang April 2009 issue ng YES! magazine, kung saan nakapaloob ang 50 Most Powerful People in Showbiz in 2008—26 entertainers at 24 executives—sari-sari ang naging reaksiyon ng mga tao at maging ng mga celebrity na nakasama sa listahan ng No. 1 entertainment source ng bansa.
Tatlo ang naging criteria ng YES! sa pagbuo ng listahan:
1. Pagmamay-ari at impluwensiya ng isang personalidad sa alinmang sumusunod na institusyon: television network, film outfit, o production company.
2. Pagkakaroon ng administrative authority sa mga nabanggit na institusyon.
3. Ang kanyang kontribusyon sa programa, pelikula, at maging musika na tinatangkilik ng marami.
WILLIE REVILLAME. Sa hanay ng mga entertainers, nanguna ang host ng Wowowee na si Willie Revillame.
Sa panayam sa kanya ng SNN noong Huwebes, March 19, ay nagbigay ng pahayag si Willie tungkol sa pagiging No. 1 niya sa listahan ng Most Powerful People in Showbiz ng YES!.
"Well, nakakagulat," aniya. "Hindi ko naman kasi alam na may ganyan, e. Basta marami na lang nagsabi sa akin. Ipinakita sa akin yung magazine. Yun nga, nabasa ko kahapon. And pati yung litrato, hindi ko alam na may litrato pala akong ganoon."
"Powerful in a sense of what?" tanong ni Willie. "Wala naman akong power, e. Ang power lang na ibinibigay ko siguro dito is yung happiness to the people, not just in the Philippines, but [also] abroad.
"I think the power that I have is yung power sa sarili ko na gusto kong makapagpasaya. Yung happiness, yung mga ngiti, yung mga saya nila, yun ang power. Kasi I think, di ba, wala kang power pag may galit sa 'yo? Pero pag masaya ang tao sa 'yo, that's power."
Ayon sa extensive research ng YES!, kaya si Willie ang naging No. 1 entertainer ay dahil sa income nito, rating ng Wowowee, at overall impact ng personalidad nito for the past 14 months.
"Maraming salamat kung ganoon," sambit ni Willie. "Pero para sa akin, hindi yun pumapasok sa isip ko. Alam ninyo, napakasimpleng tao ko lang. Pag dumarating ako sa Wowowee, simpleng-simple lang ang suot ko, naka-short at tsinelas lang ako. Ganoon din ang suot ko pag umuuwi na ako. Hindi ako nagkaroon ng power, simple lang ang buhay ko. Ang power dito is kayo ho.
"Siguro nakakapagbigay saya ako or nakaka-add. Pero walang kuwenta ho ang pagpapatawa ko kung walang tumatawa sa akin."
Totoo bang kumikita siya ng isang milyong piso kada araw?
"Hindi ho ako kumikita ng ganoon kalaki," tanggi ni Willie. "Simple lang ho ang kinikita ko. Nakakaraos lang sa tatlong beses isang araw. Nakakapag-merienda pa. May konting naiipon. Hindi naman siguro ako babayaran ng ABS-CBN ng ganoon."
Sumunod kay Willie sa 50 Most Powerful People in Showbiz ng YES! ang mga kapwa niya Kapamilya na sina Kris Aquino (No. 2) at John Lloyd Cruz (No. 3).
MARIAN RIVERA & DINGDONG DANTES. Nakuha naman ng mga Kapuso ang sumunod na apat na puwesto—Robin Padilla (No. 4), Marian Rivera (No. 5), Richard Gutierrez (No. 6), at Dingdong Dantes (No. 7).
Sa programang Startalk ay nagbigay rin ng kanilang reaksiyon ang mga bida sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na sina Marian at Dingdong tungkol sa pagkakasama nila sa listahan ng YES!.





nalilito ako sa basis nila,
but anyway, anyhow, anything, whatsoever
nilabas na nila yan wala na taung magagawa.
siguro may point din nman sila year 2008 lng naman ata ang included.
sana ALL TIME MOST INFLUENTIAL na lng hehehehhe
Buti nasisikmura ng ViVa at Star Cinema na kumita ng 170 million quot;You Change My Lifequot;. tapos ganun lang talent fee ni Sarah per movie.
oh diba POWERFUL nga!
may gosh huh!
'Kaligayahan nya ang magpasaya ng tao hindi lang sa Pilipinas at abroad'
eeew eeew at isa pang eeew!
nandidiri nga siya sa mga pobreng contestants nila.
asking lang..
possible..pero kung wala..
aba sige tumakbo ka sa pagka..
bise presidente willie...
sure panalo ka...
daming nakapilang hingi datung sa iyo..
isa na ako doon...
presyo ko mura lang sa pagboto..
5000 lang..kuha mo boto ko..
lagyan mo naman nang tip..
add another 0..
ang saya saya....