Sa presscon noon ng Dapat Ka Bang Mahalin?, kabado si Aljur Abrenica na baka hindi maging successful ang launching project nila ng ka-love team niyang Kris Bernal. Pero sa latest interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur, iba na ang aura niya; masaya siya at paulit-ulit ang pasasalamat, lalo na sa viewers.
ARA MINA. Kapansin-pansin ang maraming kissing scenes ni Aljur sa naturang aftrenoon soap, both with Kris and Ara Mina. Agad itong sinang-ayunan ng young actor, pero ginawan na raw ng paraan ng writers na bawasan ang mga ganung eksena dahil na rin sa request ng viewers.
"Talagang marami, dati sa important scene lang may kissing scene at dalawang babae pa ang kahalikan ko. Sa isang eksena namin ni Ms. Ara, kinailangang i-take two dahil nagkaproblema sa audio. Ang pinakagrabe sa ginawa namin ay yung sa pool, torrid yun," kuwento ni Aljur.
Tinablan ba siya sa kissing scene nila ni Ara?
"Oo naman!" nakangiting sagot ni Aljur. "Iniwasan kong malaman niya dahil nahihiya ako, pero nahalata rin niya. Sabi niya sa akin mag-relax at samantalahin ko ang opportunity, pero nahiya pa rin ako."
Feeling ba niya sinamantala ni Ara ang kissing scene nila?
"Never kong inisip yun dahil magaling siyang actress."
KRIS BERNAL. Nakikita ng PEP na sweet-sweetan sila ni Kris kahit saan sila magpunta. Ano ba si Kris sa kanya?
"Kinakabahan naman ako sa mga tanong ninyo!" tawa niya. Sabay sabing, "Special siya sa akin."
May mutual understanding na ba sila?
"Nanliligaw pa lang ako sa kanya," sabi ni Aljur.
Paano siya manligaw kay Kris?
"Sinu-surprise ko siya. Dinadalhan ng food sa taping at dinadalaw sa house nila."
Kailan ba magiging sila ni Kris?
"Depende! Kung kailan niya ako sasagutin."
Dapat bang mahalin si Kris?
"Dati ko pa siyang minamahal at mamahalin. Ang dami na naming pinagsamahan, at magandang simula ng relasyon ang may magandang pinagsamahan."
Speaking of Kris, isang Oakley shades ang birthday gift nito kay Aljur sa birthday ng young actor bukas, March 24. Napansin daw ng dalaga na 'pag nasa mall sila ay laging nakatingin sa Oakley si Aljur. Alam daw ni Kris na kuripot ang ka-love team sa sarili at kahit may pera ay hindi bibili. Kaya reregaluhan na lang ni Kris si Aljur, in exchange sa iniregalo ng binata sa kanyang Charriol bracelet.
RICH ASUNCION. Hindi naman mamatay-matay ang tsismis sa kanila ni Rich Asuncion. Si Rich daw ang dahilan kung bakit hindi niya maligawan si Kris. How true?
"Hindi kami ni Rich, sa maniwala kayo at hindi," giit ni Aljur. "Alam naming dalawa ang isyung 'yan at natatawa na lang kami. Natsismis kami dahil kami ang na-pair sa StarStruck at SOP dati, pero nang ibalik ang love team namin ni Kris, nanumbalik ang closeness at sweetness namin."
Bakit ang alam ng lahat, naging sila ni Rich?
"Hindi talaga! Binibigyan lang ng malisya ang closeness namin."
Nagpupunta raw si Rich sa apartment niya sa may Tomas Morato?
"Hindi totoo yan! Baka iba ang nakita nila."
Naniniwala Si Kris na nagkaroon sila ng relasyon ni Rich, paano yun?
"Talaga? During that time siguro, sila ni Mart Escudero ang nali-link."
MOST PROMISING MALE STAR. Si Aljur ang napiling Most Promising Male Star of TV and Movies ng Guillermo Mendoza Memorial Awards at si KC Concepcion ang kanyang female counterpart. Any comment?
"Kanina ko lang nalaman ang tungkol dun at sobra akong nagulat dahil hindi ko ini-expect. Marami akong gustong pasalamatan—ang GMA-7, ang press, fans, sa at projects na ibinibigay sa akin. Kung hindi sa kanila, hindi ko maabot itong magagandang dumarating sa career ko."
Ano naman ang feeling niya na kasama siya sa list ng future heartthrobs?
"Masaya ako at sana hindi ko ma-disappoint ang mga naniniwala sa akin."
Magpapa-sexy ba siya in the future? Payag ba siyang mag-pictorial o rumampang suot ang ini-endorse niyang underwear?
"Game ako diyan basta bigyan lang ako ng chance na mag-workout para confident akong rarampa at para hindi ako pintasan."
RICHARD & GEOFF. Ipinaalala ng PEP kay Aljur ang isyu sa kanila noon ni Richard Gutierrez. Pero ayon sa StarStruck 4 Ultimate Hunk, nagkita na raw sila ng star ng Zorro.
"Nagkita kami sa recording studio ng GMA-7 last January pa. Ako ang unang bumati, sabi ko, 'Happy New Year' at sumagot din siya ng 'Happy New Year.' Hindi pa kami nagkikita after that, pero tama na yun para ma-erase ang kung anumang hindi magandang nangyari sa amin before," sabi ni Aljur.
May mga nagsasabi na si Aljur na ang susunod na ilu-launch ng GMA-7 pagkatapos nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Ano ang masasabi niya rito?
"Hindi ko ini-expect kung kaya ko silang sabayan o sundan," aniya. "As long as happy ako sa aking ginagawa at confident akong may maaabot ako. Bata pa ako, napansin kong may talent ako dahil lagi akong pinapakanta at naggigitara ako sa school programs. Ibinigay sa akin ni Lord ang talent na ito at kailangan kong ipakita at i-share. I feel blessed at thankful ako na nagagamit ko ang talent na ito to serve the Lord."
Bumalik sa GMA-7 si Geoff Eigenmann, nati-threaten ba si Aljur kay Geoff?
"Hindi naman po. Kilala ko si Geoff dahil sa manager niyang si Perry [Lansigan]. Matagal na kaming nagkikita at magkakilala. Mabait siya, friends kami," sabi ni Aljur.