PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

(UPDATED) Bayani Agbayani's road rage and fashion designer's "tantrum" caught on different videos

A video of Bayani Agbayani and another one of fashion designer Boyet Fajardo circulate on Internet.
by Erwin Santiago
Published Mar 23, 2009
Comedian Bayani Agbayani was caught in a verbal tussle with an unidentified man outside a bar in The Fort, Taguig City.

Dalawang videos ang kasalukuyang pinagpipistahan sa Internet.

Yung isa ay ipinakitang lumuhod sa harap ng customer ang isang empleyado ng Duty Free Philippines. Walang audio ang nasabing video at nakatalikod ang customer sa camera. Pero kinilala ito ng mga nakakita sa YouTube bilang si Boyet Fajardo, isang fashion designer.

Yung isa namang video ay may kinalaman sa pakikipagtalo diumano ng komedyanteng si Bayani Agbayani dahil nabangga nito ang sasakyan ng isang hindi kilalang lalake. Malabo ang kuha ng camera phone, pero malinaw ang audio at dinig na dinig ang takbo ng usapan sa pagitan ng isang tinatawag na "Paps" at isa pang lalaki.

Umaani ng mga batikos ang hindi makataong pagtrato diumano nina Boyet at Bayani sa kanilang mga naging "biktima."

BOYET'S "TANTRUM." Ayon sa account ng blog na Sasha Says, nagalit daw si Boyet sa cashier, na pinangalanang Marvin Fernandez, dahil hindi nito nagustuhan ang paghingi sa kanya ng ID para sa verification ng kanyang credit card na walang pirma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong lumapit ang store manager, na kinilalang Susan Gonzales, ng Duty Free Philippines ay inilabas daw ni Boyet ang kanyang cell phone at sinabi nitong "tatawagan ang mga kilala niyang taong mataas ang posisyon sa gobyerno."

Ayon pa kay "Sasha," ang dialogue ng fashion designer (na may RTW line sa Robinsons Malls, SM Supermalls at The Landmark), ay: "Mga leche kayo! Hindi n'yo ako kilala? Ako si Boyet Fajardo! At itong p*t*ng-ina na babaeng ito [pointing to lady officer] at ang baklang ito [pointing to cashier] ay walang kuwentang mga tao! I want them fired!"

Nang aluin siya ng manager, saka raw nito sinabing "lumuhod ang cashier sa harapan niya para masampal daw nito."

Kung titignan ang akto ng cashier sa video ay mangiyak-ngiyak ito nang lumuhod sa harapan ng lalaki na sinasabing si Boyet. At nang matapos gawin ang pagluhod ay tila nanginginig pa siya sa pagkapahiya.

Nilinaw ng blogger na una niyang narinig ang insidente mula isang "concerned citizen" at sa kanyang kapatid, na nabasa as blind item sa isang People's Tonight column ni Itchie Cabayan noong March 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni "Sasha" sa kanyang updated blog entry: "When I read this same blind item at 'Seen/Scene' of Pilipino Star Ngayon, I made some searches and found the Concerned Citizen's petition to boycott Boyet Fajardo."

Dalawang beses sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kuhaan ng pahayag ang fashion designer sa pamamagitan ng telepono.

Sa una naming tawag bandang alas dos ng hapon, sinabi ng babaeng nakasagot na nakita na nila ang video. Tinanong namin kung sino siya pero tumangging ibigay nito ang kanyang pangalan. Tinanong din namin kung si Boyet Fajardo nga ba ang lalaking nakatalikod, ang mga salitang binitawan niya ay: "No comment..."

Makalipas ang ilang minuto, tumawag uli ang PEP para kumbinsihin sila na magbigay ng opisyal na pahayag, ang sabi niya: "Huwag na lang...No comment."

(Click here to watch video)

BAYANI'S "ROAD RAGE." Naganap naman ang insidente na kinasangkutan ni Bayani sa harap ng Pier One Bar sa The Fort, Taguig City, noong March 19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maagap ang isang saksi, na kasama ng pinag-initan diumano ni Bayani, dahil nakunan nito sa kanyang camera cell phone ang buong pangyayari.

Madilim ang video pero maririnig mo ang isang pamilyar na boses na lasing na lasing at nakikipagtalo.

Sa pakikipag-usap ni Bayani sa may-ari ng sasakyan, inamin niya na siya ang may kasalanan at bunga ito ng sobrang kalasingan, pero tila ay na-provoke ng isa sa mga kasama ng nakabangga ang host-comedian.

Galit na galit si Bayani sa kasama ng lalaki at hinamon niya ito ng away.

Ang inyong mababasa ay ang detalyadong pakikipag-usap ni Bayani sa may-ari ng sasakyan (with plate number EGB 118) na naatrasan ng kanyang minamanehong kotse (CHA 848):

Bayani: Huwag kang lalapit sa akin p*t*ng ina mo ka. Ise-settle natin ito. Ise-settle natin. Titingnan ko lang ang tapang ng p*t*ng-inang ito.

Lalaki: Paps, ise-settle ko ito, okey? In a good way...

Bayani: In a good way. Titingnan ko lang ang tapang ng kasama n'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalaki: Relax, Paps. Easy lang tayo diyan.

Bayani: Ano gusto mo, i-settle ko ito o uubusin ko kayo? Sige, anong gusto mo?

Lalaki: I-settle natin nang maayos Paps.

Bayani: Okey, itong p*t*ng-inang kasama mo. Ano gusto mo, i-settle natin ito o hindi?

Lalaki: I-settle natin ito...

Bayani: Pare, ise-settle ko ito...

Lalaki: Simple lang kami na mga mamamayan, e.

Bayani: Simple rin ako. Laki ako sa iskwater. Sine-isettle ko ito. Sinasabi ko sa mga kaibigan ko, isine-settle ko ito pero yung p*t*ng-inang kaibigan mo...

Lalaki: Ang maganda sana, ngayong gabi, matapos na para hindi na kita aabalahin tomorrow.

Bayani: Wala akong pakialam. Abalahin mo ako, every day, every year, wala akong pakialam! Gusto ko lang malaman yung tapang ng kaibigan mo.

Lalaki: Paps naman...

Bayan: Okay, pare ko, walang problema sa pera. Walang problema sa settlement. Sinabi ko na sa mga kaibigan kong security guard, e. Sabi ko, pare, ise-settle ko ito. Yung kaibigan mo, matapang, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalaki: Nakainom kasi.

Bayani: Wala akong pakialam kung nakainom siya. Tawagin mo siya, ise-settle namin. Tawagin mo siya. Kapag hindi mo siya sinettle, wawasakin ko ang mukha mo! I-settle mo siya!

Lalaki: Easy lang, Paps.

Bayani: Wala akong pakialam. I-settle mo 'yon!

Lalaki: Pasensiya na, Sir.

Bayani: Ano? Ipapa-settle mo o hindi? Ise-settle mo o hindi? Ise-settle ko...ise-settle ko. Wala akong pakialam sa settlement kasi alam mo, mali ko, e. Mali ako. Lasing ako, e.

Lalaki: Lasing ka.

Bayani: Lasing ako, e, pero huwag siyang magsasalita ng kahit ano sa akin. Okey lang ako. Mali ako, e. Eh lasing ako, e, naatrasan ko. Accident...okey lang ako. Laki tayo pare-pareho sa iskwater...

Lalaki: So ganito ang istorya kasi, nagtatrabaho ako sa opisina.

Bayani: Wala akong pakialam. Wala akong pakialam. Pag ikaw, kaya kong i-settlement. Kaya kita...

Lalaki: Ganito 'yan. Ganito ang istorya kasi niyan. Kumbaga, nahihirapan ako na mag-file ng leave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bayani: Wala akong pakialam. Sagot kita. 'Yang p*t*ng inang kasama mo, ise-settle namin ngayon. Gusto mo? Alam mo ang pera...ibinigay lang yan ng Diyos sa atin 'yan.. Alam mong palamuti lang 'yan...Palamuti lang yan pero 'yang p*t*ng-inang kasama mo, tingnan natin ang tapang niyan.

Lalaki: Ikaw naman, hayaan mo na. Maawa ka naman. Ang taas-taas ng tingin namin sa 'yo, e.

Bayani: Alam mo yang tingin mo sa akin, okey lang. 'Yang tingin mo sa akin, okey lang. Saludo ako sa 'yo, pero yung pambabastos niya sa akin, wala akong pakialam! Wala akong pakialam doon. Wala akong pakialam. Saludo ako sa 'yo kasi alam mo ang accident, nangyayari sa driver 'yan.

Lalaki: Oo, nangyayari talaga 'yan.

Bayani: Nangyayari 'yan pero 'yang p*t*ng-inang'yan, subukan niya ang tapang ko, ngayon na...ngayon na!

Lalaki: Pabayaan na natin 'yan. Hindi ba natin ito maayos ngayong gabi para matapos na lahat?

Bayani: Pare ako, wala akong problema sa pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalaki: 'Yan, sa inyo na nanggaling wala kayong problema sa pera, and then, yung hinihingi ko, paano naman 'yon?

Bayani: Ibibigay ko sa 'yo. Magkano gusto mo?

Lalaki: E, 3,500 [pesos]. Surplus lang ang hinihingi ko, e.

Bayani: Okey, pero gusto ko makalaban ko siya.

Lalaki: Okey, pero i-settle muna natin yung sa atin.

Bayani: Okey, ano gusto mo?

Lalaki: P3,500 plus 2,500, repaint lang.

Bayani: Pag hindi mo ipinalaban sa akin 'yan, itutumba kita. Sasabihin ko sa 'yo. O, eto, bigyan mo ng...bigay mo sa akin ang ano...Bigyan mo ako ng ano...3,500?

Lalaki: P3,500 plus P2,500...P6,000.

Bayani: Ang laki naman.

Lalaki: Surplus na lang 'yon. Second-hand lang yung inaano ko.

Bayani: [Referring to the guy's companion.] Ibibigay mo sa akin ito, ha? Ibibigay mo sa akin ito? Hindi...ibibigay mo sa akin 'yan, okey? Magkano 'yan?

Lalaki: P2,000.

Bayani: T*ng-ina, pera lang yan. Bigyan mo ako...P6,000 'yan...P3500...

Lalaki: P3,500 plus P2,500...P6,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bayani: Six thousand 'yan, ibigay mo sa akin ang kasama mo. Magkano 'yan?

Lalaki: Magpirmahan tayo.

Bayani: Hindi, walang pirmahan...Ibigay mo sa akin ang kasama mo.

Lalaki: Na okey na yung insidente, na okey na yung lahat...

Bayani: O, sige.

Lalaki: Kakausapin ko muna si Riza para...

Bayani: Okey...

Voice over: Magpa-autograph ka sa idol mo.

Bayani: Wala kang...settle? Settled? Hoy, settled na halikayo dito. Halika dito! P*t*ng-ina mo, bakla! G*go, halika dito i-settle na. O, di bakla ka, g*go? Bakla ka, huwag kang gagalaw! P*t*ng-ina mo, babarilin kita!

Voice-over ng kumukuha ng video: Yung inaaway niya, bayaw ko 'yan..

Bayani: P*t*ng-ina mo, kahit kailan ts*ts*p**n mo ang t*t* ko, ha? Bakla ka, bakla ka! P*t*ng-ina mo, halika dito. Halika dito! Gusto mo, mag-settle tayo? Huwag kang makikialam, sasapakin kita. Halika. Halika dito!

Lalaki: May pinag-aralan ako, pare.

Bayani: May pinag-aralan ka pero duwag ka! G*go, p*t*ng-ina mo. Huwag kayong magtatapang-tapangan dito!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalaki: Halika sa presinto

Bayani: O halika dito. Halika dito.

Lalaki: Sa presinto tayo. P*t*ng -ina mo!

Bayani: G*go! Bakla ka!

Lalaki: Halika, sa Crame tayo ngayon!

Bayani: Bakla ka!

Lalaki: Hahaha, bobo!

Bayani: Huwag ka nang mag-aano pa...Bakla ka!

Lalaki: Bobo ka! Gago!

Bayani: Gago, o, game...Halika dito!

Lalaki: 'Yan ang alam mo! T*ng-ina mo, iskwater ka!

Bayani: E, kasi bakla ka! T*nga...t*ng-ina mo! Eto, naka-X5 ako! Naka-motor ka [lang]... Gago!

(To watch video, click here)

Kasalukuyang kinakalap na ng PEP ang statement ni Bayani tungkol sa insidente.

Read Next
Read More Stories About
Bayani Agbayani
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Bayani Agbayani was caught in a verbal tussle with an unidentified man outside a bar in The Fort, Taguig City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results