Nagbigay na ng kanyang panig ang komedyanteng si Bayani Agbayani tungkol sa isang video sa Internet kung saan isang tila lasing na lalake ang galit na galit at nakikipagtalo sa ilang tao sa isang parking lot. Kahit na madilim ang kuha ng naturang video, sa ilang report na naglabasan, si Bayani ang sinasabing lalake nandoon dahil sa boses nito. (Click here to read related story.)
Kaninang umaga, March 23, ay nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz sa DWIZ ang komedyante at hindi naman nito itinanggi na siya ang nasa video dahil napanood na nga raw niya 'yon.
Umpisang kuwento ni Bayani, "Kasi ang nangyari diyan, kasi yung parking lot sa The Fort, naka-hang siya pababa. So, nung pagsakay ko sa kotse ko, 'kala ko naman 'pag automatic, 'pag nasa 'D' [drive] ka hindi aatras. Nasa drive ka na, [kahit] hindi mo tinapakan yung gasoline, di aatras. So, umatras. May sasakyan sa likod ko, nakaparada din.
"So, may apat na lalake na lumapit sa akin. Ang sabi ko naman, ise-settle ko kasi kasalanan ko naman and besides, aksidente talaga, e. Wala tayong magagawa, e. So nung sinabi sa akin na six thousand [pesos] lahat-lahat nung babayaran... Anyway, hindi ko na tiningnan yung damage, e. Isipin mo na lang, atras na six thousand ang babayaran mo. Para makaalis na rin, kasalanan ko naman, e. Ako ang umatras, e."
Humingi ba siya ng sorry?
"Oo. Kaya ang sabi ko [sa taong naatrasan niya], 'Alam mo, sumasaludo ako sa 'yo, bilib ako sa 'yo. Kaya lang, yung kasama niya nung nagse-settlement na kami, minura ako," aniya.
Tapos na raw ang usapan nila at papunta na siya sa kanyang kotse nang minura siya.
"'P**nang mo, 'wag mo nang i-settle 'yan, sa Crame na lang tayo magkita!' Gano'ng gano'n ang sabi niya," saad ni Bayani. "Ang ginawa ko, tinapos ko muna yung settlement, kasi nahihiya naman ako sa may-ari talaga nung kotse. Hindi naman siya yung may-ari, e. Kasama lang siya nung may-ari. Apat nga sila."
Paano naman siya nakunan ng video?
"Nung parang nag-uusap na sila, parang masyadong mahinahon na ang boses nila, yun pala kinukunan na ako ng camera. Siyempre, gusto ko lang ma-settle na. Gusto ko siyang lapitan, kasi bakit niya ako ginagano'n, e, wala naman akong sinasabi sa kanyang masama. Kaya nakapagmura na rin ako," pag-amin ni Bayani.
"Saka the moment na talagang iyu-YouTube nila, at para ipakita, talagang may motibo na sila. Unang-una pa lang, may motibo na. Ang masama kung tinakbuhan ko. Kung tinakbuhan ko yung aksidente na ginawa ko, puwede mo akong kasuhan, puwede mo akong siraan. Kaso mo, inayos ko naman, e. kaya lang, gumawa ka pa ng paraan para masira mo yung tao komo alam ko na lumalabas sa TV, personalidad..."
Edited din daw ang video na nasa video. Ayon kay Bayani, "Hindi do'n ipinakita kung bakit ako nagalit, e. Ipinakita yung nagagalit na ako. In-edit nila. Talagang may masama silang motibo, kasi yung sigaw pa lang niyang 'P***na, sa Crame tayo!' Ba't tayo pupunta ng Crame, e, inaayos ko na nga?"
Nilinaw rin ng komedyante na wala siyang dalang baril ayon sa lumabas na report.
"Bilang lalake naman, inaalis ko yung pagiging artista ko... Wala po akong dalang baril, ha? Wala po, ha? Nag-aral naman po ako para ipagtanggol ang sarili ko. Kasi po yung iba, ang akala porke nagpapatawa ka, kayan-kayanan ka nila. Kaya kahit papaano, iinisip ko naman yung paraan para maipagtanggol ko naman yung sarili ko," saad ni Bayani.
Hinamon niya ba yung nagmura sa kanya?





GO IDOL!!!! ehehe..
the best ka.. ganyan tlga tyo pgminamaliit.. hayaan mo na sila.. sila2x rin ang mpphiya..
tska grabe naman. maawa naman kayo sa ibang motorista na nag ba byahe ng maayos tapos may mga makaka sabay na nag da drive ng lasing. kaya minsan kahit matino ang pag da drive mo pero naaksidente pa rin dahil sa mga pasaway na nag da drive.
dun na lang driving under alcohol influence wala ka ng laban eh..
kaya tigilan na pagpapa lusot. yabang ni bayani sa video. sabi pa nya pag ndi mo pinalapit kasama mo dito papatumbahin kita. sabi nya dun sa kausap nya na mahinahon shang kinaka usap.
haaaay. yan ang example na nasa ulo ang kasikatan. walang pinag iba kay boyet.
Napanood ko ang SNN, wow nman tlga kung ipagtanggol ang artista nila..ang tanong, kung artista nanaman kya ng GMA ang nainvolved sa nasabing incident ano naman kya ang gagawin ng ABS? hmmm? knowing ABS. todo=todo nanaman paninira at ingay ang gagawin nila! Swerte si Bayani dhil matagal na sya sa industry e papano ang hindi sikat?
alam nman nyang laking skwater sya. kahit mayaman pag lasing at nagalit, mag mumura din. mas sossy nga lang na mura. LOL
go to youtube and search for quot;bayani agbayani liesquot;
Go GMA! Kapuso rules!