"Hindi namin ito titigilan saan man makarating ito."
Ito ang pahayag ng presidente ng Duty Free Philippines Employees' Association na si Dennis Mallari—sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng fashion designer na si Boyet Fajardo hinggil sa lumabas na video ng pangmamaliit diumano niya sa ilang empleyado ng Duty Free kamakailan. (Click here to read related article.)
Sa nasabing video, makikita na isang empleyado ng Duty Free, na pinangalanang si Marvin Fernandez, ang lumuhod sa harapan ni Fajardo. Bunsod umano ito ng matinding galit ng fashion designer na taliwas sa mga naunang report ay hindi raw tinanggap ni Fernandez ang credit card ni Fajardo kahit na nagpakita na ito ng pasaporte at ID mula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).
Ayon sa panayam ng ABS-CBN News, handa raw ang unyon ng Duty Free na dalhin ang reklamo laban kay Fajardo sa Commision on Human Rights.
"Hindi sinsero ang ganyang pahayag. Bakit ngayon lang? Sana noon pa," reaksiyon ni Mallari sa nauna nang paghingi ng paumanhin ni Fajardo sa TV Patrol.
Samantala, sa panayam ng ABS-CBN reporter na si Alex Santos, napaluha ang fashion designer habang ibinibigay niya ang kanyang panig ukol sa isyu. Aminado siya na nagkamali siya sa biglaang pag-init ng kanyang ulo. Ngunit itinanggi niya na dinuro niya at minura ang cashier na si Marvin Fernandez.
Paliwanag ni Fajardo, "Wala po akong natatandaan sa mga sinabi ko dahil at that point, galing po ako sa isang mahabang biyahe, from long overhauled flight. Alam naman po natin siguro kung gaano kahirap ang lumabas galing sa airport. And add into that, hindi pa po ako kumakain nang oras na iyon and I had a fever at that time."
Kasunod nito, humingi na rin siya ng tawad mismo kay Fernandez para sa kanyang pagkakamaling nagawa.
"Humihingi ako ng paumanhin kay Marvin Fernandez dahil katulad po niya, pareho kaming biktima," pahayag ni Fajardo.
Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang panig ng pamunuan ng Duty Free sa pamamagitan ng legal department nito ngunit wala pa raw opisyal na pahayag ang kanilang kumpanya ukol dito.
Ayon sa report ng ABS-CBN News, pinag-aaralan pa ng pamunuan ng Duty Free ang kasong maaaring isampa laban kay Fajardo.





hitek
March 27, 2009
14:03 PM
bakit iyong pag wawala at pagmumura ni Bayani hindi pinalabas sa TV Patrol. talagang may kinikilingan ang ABS.
----------
hindi ba naipalabas?? or hindi molang nakita?? pero m sure napalabas yun, nakita ko nga sa SNN, sa The buzz, sa TVP hindi ako nakapanood.. pero edited yung video patungkol kay bayani at away trapiko yung ng mga lasing. pero itong kay bayot Fajardo, hindi sila mga lasing.. at napaka walang hiya sa ginawa nya, e kay bayani, nag sorry na nga, nag bayad na for areglo dahil nga lasing sya, pero yung baklitang kasamahan ng may ari ng KOtse, dak2x ng dak2x kaya hinamon ni Bayani ng Suntukan, i tumakbo pa naman?? kay ayon minura nalng, kay hindi lumaban. LOL
I-boycot natin lahat mga yun.
Onesimus
Chancellor 9000
Substance
Initials
At marami pa. But these are the main ones na kung iboboykot natin, malamang magpull-out ang mga owners nyan at alisin na si Fajardo as their designer.
May sariling website pala yang designer na yan. I-search nyo lang yun name nya na magkadikit, yung walang space.
Let's all unite in boycotting the works of this ill-mannered and shameless designer!
Onesimus
Chancellor 9000
Substance
Initials
At marami pa. But these are the main ones na kung iboboykot natin, malamang magpull-out ang mga owners nyan at alisin na si Fajardo as their designer.
May sariling website pala yang designer na yan. I-search nyo lang yun name nya na magkadikit, yung walang space ba.
Let's all unite in boycotting the works of this ill-mannered designer!
nkausap ko ang mga NPA, ayaw daw nila kay Bayot Fajardo kasi mukhang ewan. Iba nlang daw ang irekomenda ko, hahaha
May mga NPA kaya na nababasa ang nangyaring ito??? kasi ang NPA -balita ko binibigyang leksyon ang mga abusado at mga mapang-api. Humanda ka Boyet Fajardo sa mga pilipinong ginalit mo!! babagsak ka na sa ginawa mong pang-aalipusta sa isang simpleng manggagawa.
O di kaya late na sa dead-line ang order? Naku Boyet, you opened a big can of worms! I am sure pati DOLE hindi po prutas will be alerted by your nasty treatment. By the way, anong Airlines ba iyung sinakyan mo at bakit ka dinamot ng pagkain? I never heard of an airline company that STARVES their passengers! Sus ginoo. Maghanap ka ng ORIGINAL alibi diyan...make it authentic infront of judge!