PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cherry Pie Picache suffers throat infection due to non-stop taping

Cherry Pie happy for the success of the ABS-CBN teleserye.
by Archie de Calma
Published Mar 26, 2009
"May nodules nang nakita sa kamera, e. Parang puti-puting spot na kailangang ipahinga talaga, and doses of antibiotics para gumaling. Nakampante lang ako dahil sinasabi sa akin, hindi lang ni Agot, pati sina Zsa Zsa Padilla at Christian Bautista na doktor nila yun, at hindi nagmimintis yun. Ilang araw lang nga, okey na ako, nawala na ang malat," says Cherry Pie Picache about her throat infection.

Ilang araw na malat at halos walang boses ang aktres si Cherry Pie Picache dahil sa throat infection. Sa halos walang puknat na taping para sa teleseryeng Tayong Dalawa ng ABS-CBN, hindi rin basta nasunod ni Pie ang payo ng doktor sa kanya na ipahinga ang boses.

"Tinatablan ako ng hiya dahil alam ng marami na malaki ang exposure ko sa teleserye," sabi ni Cherry Pie sa kabilang linya ng phone. "Alam kong pagbibigyan nila ako sa sandaling pahinga, pero naiintindihan ko kasi ang pressure sa kanila. Karagdagan pa akong problema kung mapapansing nawawala ako sa mga eksena.

"Kaya tinutulungan na lang ako ng writers, and even my co-stars. May times na hindi na lang ako nagsasalita talaga, pero hindi rin maiiwasan. Noong magpunta si Tita Gina [Pareño] sa Hong Kong, medyo nawala rin ako sa eksena, kaya nakapagpahinga ako kahit paano. But that's not enough. Hindi ko talaga maatim na mag-suffer ang takbo ng teleserye dahil mawawala lang ako ng ilang araw sa taping," naikuwento ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatingnan agad ni Cherry Pie sa isang espesyalistang nirekomenda ng Tayong Dalawa co-star niyang si Agot Isidro sa Medical City ang kundisyon niya.

"May nodules nang nakita sa kamera, e," sabi ni Cherry Pie. "Parang puti-puting spot na kailangang ipahinga talaga, and doses of antibiotics para gumaling. Nakampante lang ako dahil sinasabi sa akin, hindi lang ni Agot, pati sina Zsa Zsa Padilla at Christian Bautista na doktor nila yun, at hindi nagmimintis yun. Ilang araw lang nga, okey na ako, nawala na ang malat.

"Sosyal, di ba? Ang gumamot sa throat at boses ko, espesyalista para sa mga sikat na singer! Say!" at napahalakhak siya.

TAYONG DALAWA. Natutuwa si Cherry Pie dahil nag-pay off ang hirap at pagod nila para sa Tayong Dalawa. Matindi ang tutok ng mga manonood dito, at talaga naman kasing sizzling like wildfire ang bawat eksena rito na kinatatampukan ng mahuhusay at hindi matatawarang mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hay naku, halos hindi na talaga kami natutulog!" bulalas ni Cherry Pie. "Hindi na ako tumatanggap ng ibang commitments dahil tatlo hanggang apat na araw sa isang linggo, kinakain na ng taping. Most of the time, twenty-four hours straight ang taping. Nakakaloka!

"Marami nga akong tinanggihan para sa Cinemalaya. Nanghihinayang ako, pero wala akong magagawa. Commitment ko itong sa ABS-CBN. Unahin ko na ito dahil enough ito para maka-survive, kahit paano, sa hirap ng buhay ngayon.

"Importante ang trabaho, pero kung hindi ko na nakikita ang anak ko, well, sorry... There are more important things than that. At the end of the day, yung oras para sa mga taong mahal mo, hindi 'yan mapapalitan ng kinikita mo sa trabaho."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"May nodules nang nakita sa kamera, e. Parang puti-puting spot na kailangang ipahinga talaga, and doses of antibiotics para gumaling. Nakampante lang ako dahil sinasabi sa akin, hindi lang ni Agot, pati sina Zsa Zsa Padilla at Christian Bautista na doktor nila yun, at hindi nagmimintis yun. Ilang araw lang nga, okey na ako, nawala na ang malat," says Cherry Pie Picache about her throat infection.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results