PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iwa Moto cancels her Facebook account due to "stress"

Iwa is shooting a horror movie with mostly co-StarStruck graduates.
by Dinno Erece
Published Mar 26, 2009
"Alam mo, may dysmenorrhea lang ako noon. Paano ko naman po isusulat yun sa Facebook? Iba kasi akong mag-dysmenorrhea, ang sakit talaga, nagpapa-confine ako sa ospital! Kaso, akala ng mga friends ko, malaki ang problema ko kaya ako naman ang na-stress sa kaka-explain!" explains Iwa Moto about her Facebook entry: "Is in pain right now, I want to die."

Balik horror movie si Iwa Moto, ang StarStruck 3 First Princess, sa pagsisimula ng kanyang unang indie movie titled Rock and Roll. Directed by Soxie Topacio, nagsimula na siya ng acting workshop para sa pelikula, kasama ng iba pang cast na sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Ryza Cenon, Dominic Roco, at IC Mendoza.

Pahinga muna si Iwa sa TV dahil nagkasunud-sunod ang kanyang projects. Pero nasabihan na rin daw siya na may susunod na siya. Ito ang sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pocket interview na ibinigay ng GMA Artist Center sa "Souvenir Room" ng bagong GMA Network Studios kahapon, March 25.

Maayos na rin si Iwa sa pagkamatay ng kanyang ama na si Mr. Hiroaki Iwamoto noong March 7. Na-cremate ang ama ni Iwa noong March 10 at papunta sa Japan ang kanyang nakababatang kapatid na babae para kunin ang ashes nito. Kay Iwa ito mapupunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong may libreng oras si Iwa, ini-expect namin na magbababad siyang muli sa kanyang Facebook account kaya nagulat kami nang nalaman naming pina-cancel niya na pala ang kanyang account sa nasabing networking site.

"Na-stress ako!" sabay tawa ni Iwa.

Inamin kasi ni Iwa na laro-laro lang para sa kanya ang Facebook, something na hindi niya sineseryoso at pampalipas oras lang habang naghihintay sa taping.

Dahil dito, inamin niya ring playtime lang ang mga isinusulat niya roon. Kaso nga, ang mga kaibigan niya ang naalarma sa mga pinagsusulat niya doon.

"Dramatista lang po ako," sabi ni Iwa.

Isa sa mga ikinagulat ng marami niyang kaibigan, nang nag-status siya doon na: "Is in pain right now, I want to die." Nagsunud-sunod ang comments ng mga kaibigan niya sa account niya at napakarami raw tumawag sa kanya, thinking totoo nga.

"Alam mo, may dysmenorrhea lang ako noon. Paano ko naman po isusulat yun sa Facebook? Iba kasi akong mag-dysmenorrhea, ang sakit talaga, nagpapa-confine ako sa ospital! Kaso, akala ng mga friends ko, malaki ang problema ko kaya ako naman ang na-stress sa kaka-explain!" saad ni Iwa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa pang naging palaisipan sa mga kaibigan ni Iwa, nang nilagay niyang "married" ang status nila ni Mickey Ablan, ang kanyang boyfriend ng mahigit isang taon na. At a certain point, pinalitan niya pa ang kanyang pangalan para gamitin ang Ablan na surname nito.

"Hindi po kami kasal," diin ni Iwa. "Hindi rin po kami nagli-live in. Mag-boyfriend lang po kami. Pero kasi ngayon sa ilang kabataan, nauuso na sabihing 'asawa' ang boyfriend. Ganoon lang po yun.

"Minsan nasasabi namin, 'Akin ka lang, ha. Forever na 'yan.' Hindi man lang namin iniisip na balang araw baka magkahiwalay din kami."

Kung may pinanghihinayangan ngayon si Iwa sa pagkaka-cancel niya ng kanyang account ay ang kanyang "pet" sa Pet Society feature ng Facebook.

"Talagang kinausap ko siya. 'Anak, iiwanan na kita, ha. Wala akong magagawa,'" kuwento ng young actress.

Tuloy pa rin naman ang kanyang Friendster account. Pero sabi niya, nakalimutan niya raw ang kanyang password kung kaya't hindi ito updated.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Iwa Moto
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo, may dysmenorrhea lang ako noon. Paano ko naman po isusulat yun sa Facebook? Iba kasi akong mag-dysmenorrhea, ang sakit talaga, nagpapa-confine ako sa ospital! Kaso, akala ng mga friends ko, malaki ang problema ko kaya ako naman ang na-stress sa kaka-explain!" explains Iwa Moto about her Facebook entry: "Is in pain right now, I want to die."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results