Papasok na ng operating room ang aktres na si LJ Moreno para sa isang non-invasive liposuction nang abutan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 25. Kasabay ni LJ ang beauty surgeon na si Dr. Jansen sa clinic nito sa Midland Plaza, M. Adriatico, Manila.
"Nervous but excited," sabi ni LJ, na pinakabagong endorser ng Jansen clinic, sa procedure na gagawin sa kanya. "Actually, sobrang bilis lang nito. In-explain na niya sa akin yung procedure. Madali lang pala kasi nga it's a new kind of treatment.
"First time ko in everything [magpapaayos sa katawan]. Yun nga lang kasi, siyempre athletic naman, work out ako. Pero yun talaga, sabi ko nga, yung saddle bag area. Yun talaga ang problem area ko na kahit anong workout, kahit anong exercise, nandun pa rin siya. Kaya kapag nagtu-two piece ako, nagbo-Boardwalk shorts ako. Kasi nga, at least ngayon, two-piece."
Ano ba ang gagawin sa kanya?
"Etong area na ito, saddle bag, maliit siya tapos biglang laki dito."
REUNITED. Kumusta naman ang lovelife niya?
"Eto, happy. One year and three months to be exact nung maghiwalay kami ni Jimmy [Alapag, PBA player]. Ngayon, kami na ulit," nakangiting sabi ni LJ.
Paano sila nagkabalikan?
"Nagkita kami sa wedding ni Sarah Mayer [Viva Hot Babe member]...that was day supposed to be our fifth anniversary. So, nung nagkita kami doon, nagkausap kami. And then, we decided to get back together again," kuwento ni LJ.
Napag-usapan na ba nila ang kasal ni Jimmy?
"Wala pa. Lahat nga ng tao ngayon, sinasabi na magpakasal na kami. But we're taking it slowly. Focus on career and work muna talaga."
Alam ni Jimmy na magpapa-lipo siya?
"Yes," sagot ni LJ.
Nagturo rin sa Little Gym sa Fort Bonifacio si LJ. Pero titigil daw muna siya at magko-concentrate sa kanyang showbiz career.
"Teaching will always be there. At least now I can say I have a degree and a teaching license, and now I can really focus on acting. I mean, habang pwede pang umakting, di ba?"





may licensed pa! dami kya artista n gnun?
haha sikat ka sister ah!
Hay naku LJ like kita before pero parang nasobrahan ang arte nitong babaeng to pero ok lang maganda pa din naman..hihi
balugababe, daming ndi makagets sa mga comments mo! hehehe
I love you!!!!!
Mahla kita kung hindi mo alam....
Jimmy Alapag is nice, cool and easy to approach despite his status as a basketball superstar.
kahit di ko sila kilala at di rin naman nila ako kilala lolz
hu_u
aba echoserang to at binaligtad pa ako hahaha.
pano di ninipis balat ko entrada mo pa lang binalatan mo na ako...tsuk tsak tsuk
balugababe
March 26, 2009
21:38 PM masyado kayong seryoso, artista lang na di naman kasikatan makikipag insultohan kayo...diosmio! you need to loosen up people!
hehehe..joke lang din po.. medyo manipis din pala balat mo.. hahaha.. peace!
hu_u
March 26, 2009
20:57 PM
ako ang may life dahil masaya ako most of the time. ikaw kapapasok pa lang may dala ka ng palakol
hmmm ewan ko lang sino sa atin ang pathetic. pero sige go, dibdibin mo at isapuso lahat ng mga biro ko, pero wag mo akong sisihin kung hiblad ang abutin mo hahaha