Gretchen Barretto: "I live for the moment when I will finally say I do."


 
"Para sa akin, ang love para iyang crystal. Kailangan you handle it with care. Pangalagaan mo. When you take care of love, makikita mo mag-sparkle yun. But if you don't handle it with care, pag masyadong mahigpit ang hawak mo, puwede siyang masira. Pag nasira yun...when it breaks, you can't mend it anymore. That's love. And love is complicated," says Gretchen Barretto.

Gretchen Barretto: "I live for the moment when I will finally say I do."

Glen P. Sibonga

Rating

Kilala si Gretchen Barretto sa pagiging matapang sa pagharap sa mga intriga sa kanya, pagiging prangka sa kanyang pagsagot at walang inuurungang tanong. Pero tila hindi kinaya ni Gretchen ang dalawa sa sampung matitinding tanong ng The Buzz co-host at manager niyang si Boy Abunda para sa "Tough Ten" segment ng naturang ABS-CBN showbiz talk show.

 

Naging rule na ng The Buzz para sa mga artistang sumasalang sa "Tough Ten" na kailangang sagutin lahat ang sampung tanong na ibabato sa kanya. Pero kahapon, March 29, Gretchen broke this rule nang hindi niya sagutin ang dalawa sa mga tanong na may kinalaman sa isang lalaking espesyal sa buhay niya, tungkol sa pagpapakasal, at sa magiging groom-to-be niya.

 

Bagamat hindi nabaggit ang pangalan ng lalaki sa kabuuan ng interview, alam naman ng lahat na ang lalaking ito ay ang kinakasama ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco, ang ama ng anak ni Gretchen. Mismong si Boy ay hindi napilit ang controversial actress-singer na sagutin ang dalawang tanong na ito.

 

Kapansin-pansin ang pagbabago ng mood ni Gretchen habang tumatagal ang pagtatanong mula question number 10 hanggang question number 1. At some point ng interview ay mangilid-ngilid ang luha sa mga mata ni Gretchen. '

 

COMPLICATED. Kung tutuusin, masaya pa ang naging pagbungad ni Gretchen na nag-guest nang live sa The Buzz para sa promo ng kanyang bagong album na Complicated under Star Records. Sa kauna-unahang pagkakataon nga ay ipinalabas sa The Buzz ang world premiere ng music video ng carrier single niya sa album, ang Barry Manilow original na "Ready To Take A Chance Again."

 

Nagbibiro pa siya bago sumalang sa "Tough Ten" na ipinakita ang tatlong versions ng kanyang CD na napapalitan ang photos niya sa cover depende kung ano ang type ng bibili ng CD.

 

"Kasi complicated ako kaya dapat tatlo!" pabirong bungad ni Gretchen. "We have three different photos para sa cover po ng aking bagong CD na Complicated under Star Records. Meron pong 12 photos na puwedeng ipagpalit-palit depende sa mood n'yo at kung ano ang favorite song n'yo. I have 14 songs in the album. It's already available in all leading record bars."

 

"Okay, we'll try our 'Tough Ten' to be not as complicated," sabi pa ni Boy.

 

At sinimulan na ni Boy ang matitiding pagtatanong sa "The Buzz Tough Ten."

 

Tough Ten Question No. 10: Ang tingin ng publiko sa iyo ay meron ka na ng lahat. Kung ikaw ay tatanungin ngayon, meron ka bang materyal na bagay na wala pa?

 

"Just the other day...  Kasi parang hindi ako techie. Mahilig ako ngayon na kumuha ng photos. So binigyan ako ni Ana Abiera [former actress] for my birthday... It's a digital camera yung maliit parang kasing laki ng cell phone. Pero the other day, nakita ko yung friend ko na merong professional camera. Wala ako nun, Boy. Nagpaparinig pala ako dun!" natatawang wika ni Gretchen.

 

"Okay , pag-uusapan natin 'yan, Gretch," ani Boy.

 

"Yun lang yun? Madali lang pala," nakangiti pang sabi ni Gretchen.

 

"Habang tumatagal pahirap nang pahirap ito," paalala pa ni Boy.

 

Tough Ten Question No. 9: Gaano ka kayaman? How much are you worth?

 

"I'm priceless!" bulalas ni Gretchen. "Alam mo, Boy, there's a saying na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao pag nawala na siya."

 

Gusto mo bang ipaliwanag pa iyan?

 

"Hindi ba, alam mo lang yung value ng isang tao pag wala na siya. Are you talking material? Malalaman mo rin yun pag namatay na ako!" sabay tawa nang malakas ni Gretchen, na ikinatawa rin ni Boy.

 

"Sa ngayon, ayokong magbilang," pahabol ng aktres.

 

Tough Ten Question No. 8: Tatlong lalaki...three men in your life na gumawa ng malaking impact sa buhay mo. Three men and why?

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
260 Comments
page    1    2    3    4    5    6   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement