Dingdong Dantes's new Bench Body billboard unveiled

Rose Garcia
Monday, March 30, 2009 @ 05:11PM  |  50093 views

 

"Kung tinag ka such as ganoong klaseng term, hindi naman kailangan talaga na ipaglantaran mo yung katawan mo. It's how you carry yourself and how people perceive you, may damit o wala," says Dingdong Dantes about being the third sexiest man of the world.

Photo By: Rose Garcia













"Ah, hindi," paglilinaw agad ni Dingdong. "Siyempre kung papasok man yung Mulawin, alam nating siya ang una diyan. Pakpak lang 'yan and it's part of the shoot. Pakpak lang 'yan and walang intensiyon to do something similar."

Bakit nga ba may wings ang concept ng billboard niya?

"Parte ng study 'yan, e, ng konsepto ng creative team ng Bench. Plus, marami naman kaming subject, 'yan ang pinaka-nagustuhan. Sa concept din kasi that the summer has arrived," paliwanag ng aktor.

Noong ginawa nila yung pictorial, hindi ba sumagi sa isipan nilang baka nga ma-compare?

"Hindi, kasi ang dami rin namang may pakpak dun sa Edsa. Kahit saan, may tatlo yata akong nakikitang may pakpak sa Edsa!" natatawang sabi niya.

Yun nga lang, pag-i-insist pa rin kay Dingdong ng ilang press na naimbitahan sa naturang unveiling, sila kasi ni Richard ang pinagsasabong.

"Sabagay...sabagay. Pero wala kasing ganoong naiisip. Just for the sake of launching the summer campaign and nothing else," saad niya.

ROAD HAZARD? Minsan nang naging isyu ang mga nagkalat niyang sexy billboards sa kahabaan ng Edsa, na ayon sa ilan ay nagiging cause hindi lang ng traffic kundi maging ng road accidents pa raw. May intriga rin noon na pinapatanggal ng ilang grupo.

This time, may ganoon na namang pangyayari sa summer campaign billboards niya?

"Well, nirerespeto ko kung anuman ang tingin nila. Pero naniniwala naman ako na bago itayo 'yan, dumadaan 'yan sa isang proseso, and I am not part of that process because I am the model of the brand. So, these things are beyond my control.

"Sa akin naman, noong ginawa ko yun, my intentions are good. I have clean intention and I believe naman na it was done with taste, so, nothing to be ashamed of."

Nakita na raw ng kanyang ka-love team na si Marian Rivera ang naturang billboard at ilang pang pictures niya sa kanyang pictorial. Ano naman ang naging reaction ni Marian?

"Yun, hindi ko alam, e. Siya na lang ang tanungin n'yo!" nakangiting sabi ni Dingdong.

"Minsan kasi, tatawa na lang yun. Noong makita niya, tumahimik ng konti. So, hindi ko na alam kung ano ang opinion niya, siya na lang ang tanungin n'yo," ulit niya.

« Prev  1  2  

Related Articles

409 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name