Jay-R Siaboc is gradually getting into better shape. Kasama ang Pinoy Academy alumnus sa cast ng bagong afternoon teleseryeng Kambal sa Uma. Recently, napanood siyang muli sa Maalaala Mo Kaya at ang huli niyang regular exposure ay Kapitan Boom.
Ngayon na muli siyang nabigyang-pansin, "Lie low muna sa lovelife," ang sabi ng binata, Nang kumustahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa kanila ni Irish Fullerton. "Napag-usapan na namin yun, focus muna sa isang bagay. Tuloy pa rin siya at rumaraket sa out of town shows.
"Ako naman, may sariling career na dapat atupagin. Minsan, nagge-guest siya sa mga show ng ABS. Kung career ko ang tatanungin, okey naman ako dahil may A.S.A.P. pa rin at napapanood ako roon.
"May iba pang commitments at naka-schedule akong mag-out of the country. Maayos pa rin," aniya.
Naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jay-R ang tungkol sa mga intrigang ibinato sa kanila ni Irish. Yung mga nasty photo ng dalaga na nailathala sa isang tabloid, naapektuhan ba siya?
"Kung ako ang tatanungin, wala naman yung mga yun," ang sagot ni Jay-R. "Nasabi na namin ang gusto naming sabihin tungkol sa isyu, and for us, tapos na yun."
Hindi kaya makaapekto ang lovelife sa kanyang sumisiglang career?
"Kasi kung lovelife din lang, hindi ko alam na nakakasira ng career yun. Wala pa akong alam na may lovelife na nakasira sa career. Depende na lang kung pababayaan ang career. Dapat ay maka-inspire ang lovelife, 'di ba?" nangingiting pahayag ng singer-actor.
Depende nga raw yun sa kanila kung magpapaapekto sila."Dalhin na lang nang maayos," sabi pa niya. "Sa amin ni Irish, palagay ko, kaya naming dalhin."
As a singer, hindi ba threatened si Jay-R? Sumulpot na ang mga bagong discoveries ng Pinoy Dream Academy gaya nina Bugoy at Laarni Lozada.
"Walang inggit sa akin, sa totoo lang. Ang masasabi ko lang, kung ano ang mayroon sila ngayon, pinaghirapan nila 'yan. Gaya sa nangyari sa amin, kung anuman ang narating namin, nakita ng mga tao na pinaghirapan namin nang husto yun. Deserving din sila. Magagaling sila."
Maayos naman daw ang relationship ng batch one sa batch two scholars. "Nagkikita-kita kami ng mga taga-PDA 2, nanghihingi pa sila sa akin ng advice. They look up to us, na mga nauna sa kanila. Masaya kami na sumuporta sa kanila dahil diyan din kami nanggaling, eh. Happy kami sa kanila," sabi pa ng singer-actor.
Hindi naman daw nila nakikitang nagyayabang ang mga ito. Hindi raw sila magiging masaya kung nakikita nilang 'di maganda ang epekto ng showbiz sa kanila.
Samantala, alam naman ni Jay-R na naglipana ang competition, kaya mas "pursigido" siya sa trabaho, at gusto niyang matuto.
Ang advantage ni Jay-R, nakakanta na siya, nakakaarte pa.





Keep the baryo values within you. It will guide you to a better path in the future.
Good luck and God bless Dong.
good luck kiddo!
pwedi kaya!!!
sana magpapayat sya para d sya masyado maliit tingnan.
Kung magcp-comment dapat yung tungkol lang sa article HINDI yung kuns sino-sino pa ang dapat hambalusin ng mga pasaring at masasakit na salita...wag naman ganun!