PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Estrada wants Priscilla Meirelles to be his "future wife"

John paired with younger actress in "Maruja."
Published Apr 1, 2009
"Of course, we have plans. Sana nga, siya na ang maging future wife ko. Not naman in the near future, but I want her to be my wife in the future," says John Estrada about wedding plans with girlfriend Priscilla Meirelles.

Balik na naman sa teleserye si John Estrada sa Kapamilya network na talagang nagtitiwala sa kanya. Kasama si John sa cast ng Maruja para sa Komiks Presents ng ABS-CBN, kung saan tampok din sina Kristine Hermosa, Karylle, at Derek Ramsay.

"Hindi magaan ang character, pero yung working atmosphere, masaya," sabi ni John sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At saka hindi ito yung heavy drama na tipo dahil may pagka-horror ang takbo ng istorya nito."

Pabata nang pabata ang mga naipapareha rin sa kanya, gaya nga ni Kristine para sa nabanggit na teleserye.

"Siyempre, masaya rin ako dahil doon. Dumaan din kasi ako doon sa nakakasama ko ang veteran stars, at siyempre, may younger na sa akin. At saka hindi naman ako ganoon katanda. Ganoon lang naman yun!" natatawang sabi ng aktor.

STILL THERE. Si John ang tipo ng artistang kung sino ang mapalapit sa kanyang artistang babae ay nali-link sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero, wala naman yun. Kasi sa trabaho, ginagawa ko lang ang dapat sa harap ng kamera. Kung nakikipagkaibigan ako, ganoon lang yun. Sa harap ng kamera, ipinapasok ko lang sa sarili ko yung character. Hindi ibig sabihin na kung may love angle sa istorya, sa tunay na buhay, kailangang ganoon din," paliwanag ng aktor.

Lalo na't napabalitang nagkakalabuan daw sila ni Priscilla Meirelles, ang Brazilian beauty queen na karelasyon ni John.

"She's still here, at hindi totoong nagkakalabuan na kami," sabi ni John. "In fact, inaasikaso niya ang pagkakaroon ng permanent residency rito sa ating bansa.

"Naka-adapt na siya talaga sa Filipino way of life. Brazil kasi is very much like the Philippines. Hindi rin sila masyadong Westernized doon. Malaking part ng culture nila, influence ng Catholicism.

"Ganoon din tayo. Kaya hindi na nakapagtatakang nagugustuhan din ni Priscilla dito. I'm glad to say, yung ugali nga niya, more of a Filipino, kaysa doon sa ibang Pinoy talaga na kilala ko," saad ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masasabi ba ni John na siya ang pinakamalaking dahilan kung bakit nag-decide si Priscilla na manirahan na talaga sa Pilipinas.

"Of course, we have plans," seryosong nasabi ni John. "Sana nga, siya na ang maging future wife ko. Not naman in the near future, but I want her to be my wife in the future."

Galing na kasi si John sa isang failed marriage kaya nag-iingat din siya.

"Si Priscilla kasi ay papasok pa lang doon kaya ayoko rin naman siyang madaliin. She has a good family. Yun ang lalong naglapit sa amin, kasi katulad ko, I love my family very much. Sabi nga ng parents ni Priscilla, wala silang choice dahil ako ang gusto ng anak nila!" tawa ni John.

Wala rin namang problema sa mga anak ni John kay Janice de Belen. Maayos ang set-up sa kanila, at sa umpisa pa lang, wala nang inilihim si John sa kanyang mga anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kilala ni Priscilla ang mga anak ko at gumagawa siya ng paraan para maging close din sa kanila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Of course, we have plans. Sana nga, siya na ang maging future wife ko. Not naman in the near future, but I want her to be my wife in the future," says John Estrada about wedding plans with girlfriend Priscilla Meirelles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results