Tanggap ni Marian Rivera na hindi number one sa primetime ratings ang pangatlong teleserye nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (ABHSAT). Hindi naman nawawala sa top three ng Mega Manila ratings ng AGB at TNS ang kanilang teleserye, kasama ang dalawa pang nangungunang shows ng GMA-7, ang Totoy Bato at Zorro.
Marami kasi ang nag-e-expect na dahil sa parehong number one sa ratings ang nauna nilang mga teleserye na Marimar at Dyesebel ay dapat number one din ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ano ang masasabi ni Marian dito?
"Sa mga ganung bagay, ako kasi sa sarili ko, gumagawa ako ng soap dahil ini-enjoy ko siya. Thank you sa GMA at may another project na naman ako. At ini-enjoy ko kasama ko si Dong dito, kasama ko si Direk Joyce [Bernal]. So, para sa akin, importante lahat ng nangyayari sa akin.
"Lagi ko ngang sinasabi na tanggapin mo yung katotohanan na not all the time number one ako. Not all the time number one yung show ko. Kailangan matuto kang i-accept yun," pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press visit sa set ng GMA-7 teleserye last Friday, April 3, sa New Manila area.
Dagdag niya, "Hindi naman porke't ito sinasabi nila na hindi kagandahan ang ratings, okay lang. At least, nae-explore namin ang kakayahan namin, nag-e-experiment ang GMA, nahahasa ang pagka-mature ko. Kaysa naman sa tweetums lang ako lagi, parang hindi ako nagma-mature.
"Kasi gusto ko rin naman na mahasa ako sa pag-arte. Gusto ko rin naman na mas may matutunan pa ako. So, okay lang , ini-enjoy ko pa rin. At to be honest, love ko talaga itong show na ito. Lahat naman ng show ko, love ko talaga lahat. Talagang lahat ibinubuhos ko talaga lahat, e. Kahit masaktan ako, okay lang. Parte 'yon ng trabaho, e."
Sa lahat ng mga nagawa niyang teleserye, what makes ABHSAT memorable?
"Matured kasi yung role ng Tadyang, e, talagang dibdiban. At saka hindi mo siya puwedeng ibandying-bandying lang yung story niya. Kasi in fairness naman talaga sa istorya nito, para sa akin ha, nagagandahan ako kasi kakaiba siya. At realistic, parang ito talaga yung totoong buhay, e, ito talaga yung totoong nangyayari, e. Kapag may mahal ka, may manggugulo, ganun talaga yung puwedeng mangyari, e. Makatotohanan."
REAL HURTS & PAINS. Aminado rin si Marian na mahirap emotionally at physically ang ABHSAT. Maraming mga eksena ang iyak siya nang iyak. May mga eksena rin na totoong nasasaktan siya. Paano niya kinakaya ang mga ito?
"Okay lang naman po. Siguro... paano ko ba ie-explain? Siguro sabihin na lang natin na gusto ko yung ginagawa ko at saka motivation lang talaga. Halu-halong motivation lang yung iniisip ko. Dyusko, minsan iiyak ako, hindi na talaga ako makahinga sa kakaiyak, nahihirapan na ako nun."
Hindi ba siya nade-drain sa mahihirap na mga eksena?
"Minsan din po. Kasi may mga times na katulad ng sa ospital na eksena namin na ito ipinapalabas na, dyusko, ilang sequence...56 sequences yata, tapos wala akong ginawa kundi umiyak! Lahat iyak, nung sinampal ako ni Ms. Carmi [Martin], tapos may eksena with Homer [Dingdong], tapos hinatak ako ni ganito, ni ganyan. Actually, yung kay Ms. Carmi, totoong sampal yun at saka yung mga tapik niya sa akin, lahat yun totoo," lahad ng aktres.
May mga times ba na napapaiyak na lang siya sa sakit dahil sa totohanang sampalan?
"May mga times na ganun," pag-amin niya. "Nag-sorry naman si Ms. Carmi. At saka umpisa pa lang sinabi na niya na, 'Hoy, sasampalin kita talaga ha.' Sabi ko, 'Opo.' Kasi sinabi din naman ni Direk Joyce, e. Kung hindi naman sinabi ni Direk tapos sinampal niya ako, ay, huwag naman ganun. Pag sinabi ni Direk na papasampal niya ako. Okay po, hindi naman ako nagrereklamo, basta kailangan sa eksena at basta alam ko lang po.
"May mga times naman na hindi ganung kabigat yung mga eksena, minsan nadadaya naman yung pananakit sa akin. Kawawa naman ako kung lahat ng eksena ay sasampalin ako nang totoo, sasaktan ako nang totoo. At saka ang liit ko kaya kumpara kay Ms. Carmi! Yung kalahati pa lang ng kamay niya buong face ko na kaya. E, kasi maliit lang din naman ang face ko, di ba?






maganda nmn talaga cya pero OA sa acting..
haleer
panoorin nyo nga lng ulit s ng mhubaran xa ng tube s sop para mkita nyo kung sexy b tlga xa
haleer
panoorin nyo nga lng ulit s ng mhubaran xa ng tube s sop para mkita nyo kung sexy b tlga xa
sana s iba nmn ibigay ag darna, sayang nmn kung mag flop din.
hahaha
i dont want children to say that when they grow up they want to be like marian rivera.oh hell no.for god's sake.
i also see the her good sides and assets.yes..she's sexy.lots of endorsements id say.
based on what i see on tv, incompetent talaga sa english si marian.
you cant have everything talaga.
kung makapag english antigastigas.ansakit sa tenga.
ang labo din sumagot.
si angel naman.antabataba.parang siopao.
pwede naman maging darna si marian.di naman kelangan ng masyadong intellectual capabilities.basta marunong magbasa ng script.very basic.hahaha
Shooter
April 6, 2009
17:49 PM
-------------------------------------
ya! and i answered no kasi i dislike him immensely. i dont have any respect for him whatsoever kasi i know a number of people who work at abs, and they tell me all sorts of horror stories about him. as in, que horror! ehehehehe.
ako i support marian pero i also like some kapamilya stars like sarah and john lloyd, hehe.
honestgabby
April 6, 2009
17:47 PM
Naalala ko na yung comment ko sayo... kala ko idol mo si Gabby Lopez hehehe yun yata.
Basta ako idol ko Si Marian lang, kahit sino pa partner nya habang di pa ako pwede wehehehe
ako din, hindi din ako nagbback read, pag wala sa first comments page, wla na for me, hehe.
nakaka-exasperate lang some kapamilyas na para lang makapang-insulto, hindi na masyado nag-iisip before sila mag-post. parehong pareho ng network that they support, gawain na to challenge and belittle the intelligence of viewers/ kapuso supporters.
i know holy week and dapat cease fire muna sana sa sagutan, kaya lang sorry, cant help but give some of them a piece of my mind.